"Pwedeng dito ako sa kama magsleep?" tanong sakin ni Olivia ng makapasok dito sa kwarto ko dala ang mga gamit niya.
Tumingin naman ako sa kanya bago tumango at inayos ang higaan ko para makatulog siya ng maayos sa kabilang side ng kama.
Maaga pa naman 9 palang at mamaya pang 11 ako matutulog dahil magbabasa pa ako.
"Pwede bang sa sahig ka nalang matulog hindi kasi ako sanay ng may katabi matulog." dagdag niya pa na nagpatigalgal sakin.
How can someone have such a face?
"Please, nagsabi na din naman ako kay tito, pumayag na din siya." she said and smile sweetly to me.
I make a curve smile.
Binigay niya na din sakin yung comforter ko at unan bago nilabas sa maleta niya ang kumot niya.
Wow, ready!
Hindi kuna siya pinansin at tinabi ang mga gamit ko at bumaba para manghingi kay manang ng higaan. Tinulungan naman ako ni manang na ilatag yun sa sahig. Hindi pa siya makapaniwala ng nakita si Olivia sa kama ko at naka-upo.
Maaga din akong natulog dahil maagang natulog si Olivia dahil hindi siya sanay ng may ilaw na natutulog.
"So sino yung babae sa bahay niyo?" tanong sakin ni Thea habang kumakain kami dito sa classroom.
"Alin doon? Si tita Alexandra o si Olivia?"
"Edi yung bata."
"Ah, si Olivia. Bakit?" nagtataka kong tanong.
Ilang buwan na din silang nakatira sa bahay at hindi ko masasabing okey lang sakin pero wala naman akong choice.
"Ayos ka lang ba? Minsan kasi parang hindi kayo magkasundo." nag-aalalang tanong ni Jadied.
"Oo naman." maiksi kong sabi.
Ayaw ko silang mag-alala para sakin, alam ko kasing marami din silang iniisip ngayon.
"Last day na ng school year pero hindi pa din nagbabago yung science teacher natin." biglang bigay ng topic ni Thea.
"Asan na pala sila Allen?" tanong ni Dorothy at luminga-linga pa.
Si Allen yung isa sa mga nakabugbugan namin noong araw ng debate, okey na din kami sa kanila pati sa iba naming mga kaklaseng lalaki pero hindi pa sa lahat, may mga nagsorry at pinatawad din namin.
"Oo nga, asan naba kasi yung cake, gutom na ako." sabi pa ni Thea at hinimas ang tiyan niya na parang hindi pa kumain ng isang linggo.
Tumawa naman kami sa kanya.
"Sino to?" Allen ask and cover both Jadied eyes.
"Si Allen sino pa ba."
Tumawa naman kami sa sagot ni Jadied, lagi kasi yung ginagawa ni Allen.
"Alam mo ikaw Leander napaka mo." sabi niya lang habang nakasimangot at tumabi na ng upo kay Jadied.
"I told you never call me Leander, I'm not a boy." inis na sabi ni Jadied at hinampas sa braso si Allen.
Inalis naman namin ang mga mata namin sa kanila, umupo na din si Alex Arch.
"Asan na yung cake?" tanong ni Thea.
"Ikaw napakapatay gutom mo talaga? Naghihirap na ba si engineer Pelajo at wala ng mapakain sa anak niya?" asar ni Arch kay Thea.
Nginusuan lang siya ni Thea at hinablot na ang box na hawak niya. Nagtinginan na lang kami ni Dorothy at nagkibit balikat.
Hay, lovelife wala ako niyan.
Lagi akong tumatambay dito sa tree house kapag uwian o kahit sabado at linggo, wala kasi akong masyadong time kapag nasa bahay minsan kasi may mga pinapagawa si tita.
I look at my watch, it's past 6 in the evening. Dumaan ako dito sa likod ng bahay, huminto pa ako sa pintuan dahil napakatahimik ng bahay ngayon. It's unusual dahil simula ng dumating dito sila tita ay lagi ng maingay ang bahay namin.
Lumakad na ako papasok,not minding anyone na madadanan ko.
"Were are you going?" ask my father with a big voice.
Lumingon naman ako, nasa mesa sila at katabi niya si tita, at si Olivia wala na kasi dito si kuya dahil nag-aaral na siya sa Law school.
"Aakyat po sa kwarto ko." mahinahon kong sabi at huminga ng malalim.
I can sense something, naninikip ang dibdib ko sa kaba.
"Sit, I want to ask you something."
Sumunod naman ako at umupo sa harap ni papa. As soon as my body touch the chair, papa starts to emit dark and black energy.
ANGER, my father is angry, I can see it in his eyes.
"Bakit mo binasag yung vase ng tita Alexandra mo?" my father ask suppressing his anger but not enough to hide it.
I can feel his wrath.
"Pa wala po akong ginagawa, may exam po ako buong araw." depensa ko sa sarili ko.
"Sumunod ka sakin, may pag-uusapan tayo."tumayo na siya at sumunod naman ako.
Tumingin ako kay tita at Olivia, parehas na nakataas ang kilay nila at nakangisi, binalewala ko namang sila at lumakad na.
Sinarado ko ang pinto ng office ni papa ng makapasok ako, familiar memory starts to consume me. Pinilig ko nalang ang ulo ko, huling pasok ko sa kwarto na ito ay nang umalis si mama.
"Ano po yun?" mahinahon kong tanong kahit na kinakabahan ako ng sobra.
"Why did you broke your tita's vase?"malakas na sigaw ni papa.
Napatalon naman ako sa gulat. Pakiramdam ko ay namumutla ako sa takot.
Hindi pa kasi ako napagalitan ni papa dahil sa mga ganitong bagay.
"Pa, may klase ako buong araw."
"Olivia saw you, kaya wag kang magsinungaling sakin."
"But I didn't."
"Kelan kapa natutulong magsinungaling? At anong ginagawa mo sa school niyo akala mo ba hindi ko malalaman?" he said and open one of his cabinet.
Nilabas niya ang ilang mga cards, lumapit naman ako para makita yun ng mabuti. Open seeing them, I broke into tears and slowly crumble.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
"Akala mo ba hindi ko malalaman, napakalandi mo manang-mana ka sa nanay mo parehas kayong malandi. Yan ba ang dahilan kaya gusto mong mag-aral hah para makapaglandi." he said habang dinuduro-duro ako at sinasapok-sapok.
"Hindi po malandi si mama." ganti ko, hindi ko matatanggap ang mga sinasabi ni papa kay mama.
"At pinagtanggol mo pa yung nanay mo, eh parehas lang naman kayong malandi, parehas kayong walang utak, hah tandaan mo yan bobo ka pa naman." at sinapok ako ng paulit-ulit.
Dumodoble ang sakit dahil sa mga sinasabi at ginagawa ni papa.
"Malandi ka, sinungaling kana nga malandi kapa." malakas na sigaw niya sakin.
"Yan ba ang kapalit ng ginawa ng nanay mo? Ang paglalandi at pagbubulakbol mo." dinuro niya pa ako bago lumapit sa mesa niya.
Iling lang ang kaya kong gawin, paulit-ulit na iling, wala akong maisip na sabihin kasi ayaw kong maniwala dahil alam kong hindi to totoo.
I did everything I could. Hindi ko alam kong bakit kailangang banggitin ni papa si mama pakiramdam ko mas bumigat lalo ang nararamdaman ko.
"Nagkakamali po kayo." patuloy na iyak ko.
"Paano ako magkakamali eh yan na ang ebidensya, hindi ka nag-aral nagbulakbol ka lang, lumandi, barkada lang ang habol mo." galit pa ding sigaw ni papa.
Ramdam ko ang sakit, ang bigat-bigat ng dibdib ko. Halos mauntog ako sa sahig sa lakas ng mga sapok niya sakin.
Masakit sa ulo at nakakahilo pero mas masakit sa puso, dahil kahit kelan hindi pa ako napapagalitan ni papa dahil sa nakabasag ako ng mga gamit dito sa bahay, dahil napagbintangan ako sa bagay na hindi ko naman ginawa, dahil hindi pa ako bumagsak, dahil hindi ko pa na didisappoint si mama pero ang pinakamasakit ay dahil wala ngayon si mama at nararamdaman ko na naman na mag-isa lang ako at walang kakampi sa bahay nato.
"Sa susunod na magsusumbong ang tita mo o si Olivia malilintikan ka sakin, hindi lang yan ang aabutin mo."
"Pa, bakit ganyan ka?" nawawalan ng lakas na tanong ko.
"Bobo ka kaya hindi mo maiintindihan."
"Wala kang pupuntahan ngayong bakasyon, lintik ka! talagang ipapahiya mo ako sa mga katangahan mo. Pati sa tita mo pinapahiya mo ako, napaka-inutil mo."
"Bakit ba napaka-importante sayo yung iisipin ni tita samantalang wala ka namang paki-alam kay mama, tapos mas pinagtutuunan mo din ng pansin si Olivia kesa sakin." sagot dahil hindi kuna kaya, ilang buwan niya ding pinakita sa akin, sa amin na anak ang turing niya kay Olivia pero sakin halos sulyap wala man lang.
"Pa! Ako po yung anak niyo, pero bakit iba po yung kinikilos niyo? Sana man lang po hindi kayo nag-aalala kay Olivia para naman po hindi ko maramdaman na kakaiba ako, sana naman wag niyo pong gawin sa iba yung hindi niyo magawa sakin bilang anak niyo kasi masakit po. "
"Anak niyo din po ako, oo babae ako pero Pa! ako po yung anak niyo." sabi ko habang hinapampas ang dibdib ko.
Ang sakit sobra, sobra sobra na halos mamanhid ang dibdib ko, nilalakasan ko ang hampas ko sa dibdib ko kasi baka mawala yung sakit, yung pamamanhid ng dibdib ko.
"Ano naiinggit ka? Malandi, bulakbol, sinungaling, ngayon inngitera ka pa?" sagot sakin ni papa pabalik.
I look at him shockly, I can see my principal on him right now yung taong ayaw makinig at walang pinapakinggan.
Yumuko na lang ako, at pinunasan ang mga luha kong tumutulo, hindi ko maipaliwanag ang salitang BAKIT na umiikot sa utak at isip ko.
"Lumabas kana dito at baka hindi lang mura ang masabi ko sayo, baka maisip kong hindi kana ipag-aral." at tumalikod na si papa sakin.
Kinuha ko naman yung mga cards at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Tumakbo ako paakyat sa kwarto ko.
Paulit-ulit kong tinitingnan yung mga cards, 80,83,75,78,79,80,75.
Kahit kelan hindi ko naranasan ang magkaruon ng ganito kabababang mga grado.
Paano nangyaring bumagsak ako? Sobrang baba, wala naman ako bumagsak sa mga quiz.
Panay punas ang ginagawa ko sa mga luha ko, pero bakit ayaw nilang tumigil.
Ma, I'm sorry I disappoint you again. Sorry po I'm a failure, please believe me I did everything sorry po I'm not worth it of your sacrifices. Don't worry I'll do my best next year, I promise. Dodoblehin ko po ang pag-aaral ko, I will not disappoint you again hindi ko po sasayangin ang lahat ng sakripisyo mo. Pero ma bakit si papa pa? Sa lahat ng tao bakit tatay ko pa?
Nakatulugan kuna ang pag-iyak habang yakap ang mga cards ko.
Pagkagising ko nag-asikaso ako kaagad, bumaba ako para kumain at nagpaalam kay papa hindi niya naman ako pinansin at kinumpas lang ang kamay niya. Hindi pa gising sila tita at Olivia baka mamaya pa sila gigising.
Dumiretso kaagad ako sa tree house at doon nagbasa, nagdala din ako ng pagkain ko para hindi na ako umuwi mamayang tanghali. Kailangang hindi ako bumagsak sa susunod na taon. I also want to confirm things, hindi ko kasi alam ang dahilan kong bakit mababa ang mga grades ko dahil never akong nalate, never akong bumagsak sa quiz, at never nangyaring hindi ako nakasagot sa recitation, napaka-unfair naman kong mababa ang grades ko when in fact hindi naman dapat. Plano kong pumunta sa monday sa school para tanungin ang mga teachers namin tungkol sa grades ko.
Monday came at dumiretso kaagad ako sa school kahit maaga pa, pagpasok ko sa school gate ay nakasalubong ko si Thea, Dorothy at Jadied.
"Oh nandito din kayo?" tanong ko na puno ng pagtataka.
"Oo, nakita na ni papa yung grades ko." iiling-iling na sabi ni Thea.
"Napagalitan tuloy ako kagabi, hindi makatarungan to bakit ang baba ng mga grades ko?" inis niyang sabi at tinikom pa ang mga kamay.
"Kayo din?" tanong ko sa dalawa.
Tumango naman sila, sabay-sabay na kaming lumakad at pumunta sa faculty ng first year. Kumatok kami sa pintuan at isa-isang pumasok.
"Anong kailangan niyo?" tanong samin ng science teacher namin.
"Gusto lang po naming itanong kong bakit mabababa yung mga grades namin?" mahinahong tanong ni Dorothy.
"Kasi yun ang computation ko sa grades niyo." balewala niyang sabi habang tumitingin sa mga papers niya.
"Pero hindi naman po kami bumagsak sa mga quiz, lagi din po kaming nakakasagot sa recitation." dahilan naman ni Jadied.
"Wala akong magawa yan ang computation ko sa grades niyo."
"Pero sir." tumaas ang boses na sabi ni Thea.
"Don't you raise your voice on me miss." madilim na tingin ni sir kay Thea.
"Pwede po bang makita ang mga quizzes namin tsaka yung record niyo?" tanong ko.
"Wala dito yung record ko at tinapon kuna yung mga quizzes niyo. Sa tingin niyo ba talaga makakakuha kayo ng mataas na grade sakin, sa susunod matutu kayong humingi ng check papers niyo lalo na ng mga scores niyo."
"Sige na lumabas na kayo dito, at kung susubukan niyo pang pumunta sa ibang subject teachers niyo parehas lang ang sasabihin nila. You woman are so frustrating." sabi niya lang at kinumpas ang kamay niya, sinyales na pinapalabas niya na kami ng kwarto.
"Ano yun? Napakadaya naman." inis kong sabi.
"Ang unfair noon para satin." dagdag ni Jadied.
"Sa susunod gawin natin yung sinabi ni sir, wag na tayong papauto sa mga teacher dito tsaka wag na din tayong pakampante." sabi lang ni Dorothy at hinila na kaming palabas.
Pumunta na lang kami ng ice cream shop at bumili ng isang liter na ice cream at pumunta sa tree house sabi nila best thing daw kapag stress ay kumain.
"Basta guys walang susuko para sa pagbabago at future na gusto natin makamit." sabi ko para kahit paano ay maging positive naman kami.
"Cheers?" taas ni Thea ng cup niya ng ice cream.
Kinuha naman namin ang cup at tinaas din.
"Cheers." sabay-sabay naming sabi.
"Para sa future lawyer, future engineer, future teacher at future police ng lugar nato."