Chapter 9

2181 Words
Wala kaming nagawa ng dumating ang asawa ni Jadied kundi umalis, lasing ito at ayaw naming lalo itong magalit dahil sa amin at maging dahilan ng away nila. Linggo-linggo din kaming bumabalik sa bahay nila para kumbinsihin siyang sumama na samin pero kahit anong gawin namin ay ayaw niyang pumayag, sa linggo-linggo naming pagpunta ay nakikita namin ang malaking pagbabago sa kanya. Para kaming nanunood ng palabas na kahit anong sigaw namin at inis ang maramdaman namin ay balewala dahil hindi kami naririnig ng bida. Pakiramdam ko mawawala sakin si Jadied na kahit anong kapit ang gawin ko dumudulas pa din siya sa kamay ko kasi pati siya ayaw niya ding kumapit. Hindi ko matanggap ang dahilan na minahal niya na ang asawa niya kaya ayaw niyang sumama samin kasi para sakin impossible, napaka-impossibleng mahalin mo ang taong sinasaktan ka lang at kahit kelan alam mong hindi ka mamahalin, pero napapa-isip din ako kay papa minsan. Halos parehas kami ng sitwasyon pero magkaiba sa maraming bagay. "Please, sumama kana samin nagmamakaawa na kami sayo. Hindi ka namin pababayaan." Dorothy said while crying. We all look Jadied helplessly, halos hindi na siya makatayo dahil sa dami ng pasa niya, namamaga din ang kaliwang mata niya at kahit na sabihin niya samin na nadapa o nadulas lang siya hinding-hindi namin yung paniniwalaan. We are all crying while looking at her, there is no visit that we didn't cry and the fact that she doesn't want to come with us hurts more for us as a friend. Hindi ko man siya na kasama ng matagal pero tunay na kaibigan ang turing ko sa kanya. "Please, please, please!" "We will do everything, just stop thinking what will happen to us think about your self please huh!" Lahat ng paliwanag binibigay namin but at the end of it she will just shake her head and disapprove. We all directly look at the door when someone knook harshly. "Putangina bukas mo ang pinto." "Babaeng malandi buksan mo itong putanginang pinto." said his husband from outside. Malakas ang boses niyo at nakakatakot pero mas naiinis lang ako. Wala siyang karapatan para murahin ang kaibigan ko, I never really like Jadied's husband. Nagulat nalang kami ng malakas na bumukas ang pintuan. "Ah nandito nanaman pala yung mga bwesit mong kaibigan, diba sinabi kuna ayaw kong makita ang pagmumukha nitong mga to." he said while pointing at us. Tumahimik naman kami pero mariin ko ng kinukuyom ang kamo ko, matagal na akong nagtitimpi sa lalaking ito. Hindi pa nangyari ang ganito pero ramdam namin ang inis niya para samin. "Ano akala niyo ba hindi ko alam na gusto niyong kunin itong putang babae na to?" sabay hila sa braso ng kaibigan ko. Napaigik kami kasabay ni Jadied, hindi man kami ang hinila pero ramdam namin ang sakit dahil kitang-kita yun sa buong mukha niya. "Bitawan mo si Jadied nasasaktan na siya." malakas na sigaw ko. "Hah, akala niyo ba hindi ko alam pati yung lalaking kalaguyo ng babaeng ito kasamahan niyo, ano magiging sila kapag iniwan ako ng putang ito?" malakas na sigaw niya na parang kidlat sa pangdinig ko. Pakiramdam ko tutulo ang luha ko sa mga pangit na salitang nanggagaling sa bibig niya. "Wala kaming kasama nagkakamali ka, bitawan muna siya nasasaktan na ang kaibigan namin." mahimahong sabi ni Dorothy pero halatang kinakabahan. Alam naming lasing ang asawa ni Jadied dahil lagi namin itong naabutang lasing. "Ito ba?" tanong niya samin at balya kay Jadied sa sahig. Mabilis naman kaming lumapit pero mabilis niya ding hinarap samin ang kamay niya kaya hindi kami nakalapit agad, na pinagsisihan ko ng sobra. "Sa susunod ayaw ko ng makikita ang mga mukha niyo dito kundi mas malala pa dito ang mangyayari." sabay tadyak sa tagiliran ni Jadied ng napakalakas at sunod-sunod na sipa sa likod nito. Tumulo ang mga luha ko dahil sa sakit,mabilis ko siyang tinulak para mailayo sa kaibigan ko. Lumapit naman sila Dorothy kay Jadied pero halos malumpo ang kaibigan ko at hindi man lang maigalaw ang katawan. Patuloy ko siyang sinusuntok dahil sa sobrang sama ng loob. "Demonyo ka, napakawalang hiya mo, Paano mo nagagawa to sa kaibigan ko?" Patuloy na hampas ko sa kanya pero ng mahawakan niya ang parehas na kamay ko at binalya din ako sa sahig. Pero kahit na anong sakit sa katawan ay wala akong paki sumugod ako ulit at pinaghahampas at suntok siya. Natauhan lang ako ng masampal niya ako sa pisnge ng napakalakas na tumunog sa buong bahay. I look at him unbelievably, hindi ko alam kong saan siya kumukuha ng lakas ng loob para saktan kami. "Lumayas kayo dito, ayaw ko ng makita ang pagmumukha niyo kundi malilintikan kayo sakin." sigaw niya at tunulak na ako sa palabas. I look at Jadied poorly. "Just hold on, I'll get you out of this place soon." huling sabi ko bago ako nakalabas ng bahay nila. Sumunod na sila Dorothy at Thea. "Ayos ka lang ba?" tanong sakin ni Thea at hinawakan ang pisnge ko. Ngumiwi naman ako. "Mukha ba akong ayos, ikaw kaya sampalin ko jan." pabalang kong sagot. "Ah basta next week balik tayo sa kanila, sapilitan na natin kunin si Jadied bahala ng magalit siya satin." punong ng determinasyong sabi ni Thea. Tumango naman ako at nagsimula ng magplano kasama nila sa tree house. Pinag-isipan namin ang lahat ng bagay na kailangan naming gawin at mga dapat ikonsidera kung kukunin namin si Jadied at dito itira sa tree house. We've become occupied for the whole week and preparing for our next visit again on Jadied's house. But every preparation and ideas faded when we went on their house. Wala na sila, kahit na nang pinasok namin ang buong bahay at hinalughog, kahit sa ilalim ng kama o loob ng cabenit bumuksan at tiningnan namin, nagbabakasakali na baka hindi sila umalis. Halos matulos kami sa sahig ng matapos kaming maghanap at wala kaming nakita. We know what is happening but we don't want to accept the truth, totoo nga yung sinabi ng asawa ni Jadied hindi niya na makikita yung mukha namin. Mabilis din kaming pumunta sa bahay ng tatay ni Jadied at wala man lang paki-alam sa malaking aso na nasa bungad ng bahay niya. Iisa lang ang nasa isip namin, umalis sila at hindi namin alam kong saan pumunta. "Tao po!" "Tao po!" "Tao po!" "Tao po!" "Tao po!" "Tao po!" Nawawalan ng pasensya kong sigaw galing dito sa labas ng bahay, salitan kami ng sigaw ni Thea at sinasabayan ko ang sigaw namin ng sunod-sunod na pindot ng doorbell, kaya ng makarinig kami ng kaluskos ay mabilis ko nilabas ang kahoy na dala ko. Kinuha namin kanina sa daan sakaling lumabas ang aso ni General at hindi nga kami nagkamali. Isa lang ang ipinagdarasal namin na sana ay nandito siya para masagot niya ang mga tanong namin at mawala ang pag-aalala kahit kunti. "Pwede bang tigilan niyo ang pagpindot ng doorbell at pagsigaw para kayong mga manok na hindi masilihan." malakas na sigaw ni General galing sa loob ng bahay. Nang bumukas ang pintuan at lumabas ang matanda ay halos hindi kami mapakali kaya kahit ilang metro pa ang layo nito samin ay tinadtad na namin ito ng tanong. "Nasan na po sila Jadied?" "Bakit wala po sila sa bahay nila?" "Kelan po sila umalis?" "Saan na po sila nakatira?" "Bakit po sila umalis?" "Pwede ba wala akong maintindihan sa mga tanong niyo?" sagot lang samin ng matanda. "Asan na po sila Jadied?" matapang na tanong ni Thea. "Hindi ko alam." balewala niyang sagot. "Sabi kuna diba wala akong paki alam sa batang yun,mabuti nga at na kapag-asawa na wala na akong problema." "Paano niyo po nasasabi yan, anak niyo po yun alam niyo po bang binubogbog siya ng asawa niya." paliwanag ko. "Wala akong paki-alam, babae siya at wala siyang silbi."mahalos galit na sabi niya. "Kung lalaki sana siya, marami sana siyang magagawa para sakin hindi yung gumagastos ako, sa isang palamunin na hindi ko naman mapapakinabangan, malas pa." From what he said got me teared up. Bakit ba ang malas naming mga babae? I can't fully understand things up until this age. "Pero anak niyo pa din po siya, she's from your flesh and blood."umiiyak kong sabi. "Pero WALA pa din siyang SILBI." he said with so much conviction. "Umalis na nga kayo at wag niyo na akong guguluhin." he said and shoo us. Tumalikod kaming laylay ang balikat, pinunasan ko na din ang mga luha ko, minsan pakiramdam ko walang silbi ang mga luha dahil sakit at lungkot lang ang dala nila. Hanggang sa maka-uwi ng bahay ay dala ko ang lungkot at sakit na nararamdaman ko. "Thank you so much papa, sobrang salamat po sa dress tsaka sa heels." Olivia said and hug my father. My father hug her back and smile into his ears. His happy I can see that from the door. "For my only princess, I will give you everything." he added. It pains me more, PRINCESS? Isn't that me? I am his only daughter but why us he treating me like a stranger? Tumalikod ako at dumaan sa likuran ng bahay para hindi ko sila makasalubong. Pumasok ako sa kwarto ko at umiiyak. Sa loob ko binuhos lahat ng sakit, lungkot, sama ng loob at paghihirap na nararanasan ko. I cried more as I look at my white board beside my bed, it's my mother's birthday today and nobody remembers even me. I become preoccupied with our plan na nakalimutan ko pati birthday ni mama. I cried more for hours ramdam na ramdam ko ang pag-iisa ko, kahit na alam ko na ang nandyan sila Dorothy at Thea, alam ko din kasing may kanya-kanya silang problema sa buhay at ayaw kong dumagdag doon. I took my mother's picture beside my bed and hug it tightly. I miss her so much. "Your not going anywhere, nakakahiya yung ginawa niyo sa bahay ng kaibigan mo, at maaari kang makulong at mapapahiya tayong lahat." my father said as I went down to eat early in the morning. He thinks so much about his reputation. Plano ko pa naman sabihin kela Dorothy na magtatanong-tanong kami ngayong araw para mahanap sila Jadied. Isang linggo akong nakatambay sa bahay dahil ayaw talaga akong paalisin ni papa, mas dumami din ang mga bodyguards sa bahay. Lalong hindi ako makatakas dahil laging nakasunod sakin si Olivia na parang buntot ko. "Pwede ba wag mo ng subukang umalis, dumadami tuloy yung mga bodyguards dito sa bahay, nakakatakot na tuloy." maarteng sabi ni Olivia. Hindi na kasi kami pinapalabas ni papa pati sila, mas nabubwesit tuloy sakin sila tita. I tried once but it resulted not good on me, Halos balian ako ni papa ng buto sa mga sipang natanggap ko. A month have passed pakiramdam ko nasayang ang isang buwan ko, kakaupo at basa sa bahay. Walang pumapasok sa utak ko kahit na nililihis ko ang utak ko sa pag-iisip kay Jadied. Still nothing was absorb by my brain even simple sentences I can't comprehend. Gabi-gabi akong nababagabag sa kalagayan niya at mga pwedeng mangyari. After a month bago naalis ang mga bodyguard sa bahay, and that exact moment lumabas ako ng bahay para tumulong kela Dorothy sa paghahanap. "Wala eh, walang nakakaalam kong nasaan sila." nalulungkot na sabi ni Thea. "Pumunta na din kami ng police station pero hindi naman sila willing tumulong, hindi naman daw nawawala si Jadied tsaka kumalat na yung balita na paghalughog natin sa bahay nila, siguradong makakasuhan daw tayo pagnagkataon." paliwanag ni Dorothy. Nakaabot kami sa kabilang bayan at sa ibang mga katabi pa pero hindi talaga namin sila mahanap, hanggang magsimula na nga ang pasukan pero kahit na gaano pa kami kabusy ay naghahanap kami ng oras para maghanap. The only thing we want is a confirmation that our friend is being well taken care of, that she is in good hands. Ayaw naming basta nalang siyang bitawan ng walang assurance. Until at some point we stop because we can't find them anywhere, maybe the saying is true that 'we can't find people who don't want to be find because if they want to be found they will surfice their selves.' Hindi na namin masyadong nakakasama si Allen and we know the reason, napapansin kuna din ang pagiging balisa minsan ni Thea simula ng mawala si Jadied. I know Allen likes Jadied but I also know that Thea likes Allen, it's so complicated because Arch like Thea. But I don't comment so much on it, it's their personal business I'm just here to support. As I start to forget about Jadied i become more focus on my study that I regret so much. I shouldn't forget about her, I never should have. On our graduation day, one of the happiest day in my life. A news spread Jadied died her body was seen floating on the river inside a sack. It destroyed my thinking. It killed me inside.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD