“No worries, my dear. I know, I understand. Well, I have reserved this place for a week since our conversation, so you do not have to worry for anything.”
“One week?”
“Yeah. You’ve been distant for months now and I am not sure if I can find you easily so I, I booked it for a week, to make sure.”
“Damn! You are something. But…ahm, can we do it next time here? I have things to do. Important things. Work. You know. I have to go home and I prefer if we can eat somewhere, faster?”
“Ah, you want fastfood? Where do you want?”
“Come with me.” Ngumisi si Natasha at bumaba ng kotse.
Madali itong bumaba kasunod niya pero nakasimangot ito.
“What’s the problem?” tanong pa niya rito. Umaasa siyang naiinis ito dahil binawela niya ang ginawa nitong reservation pero doon siya nagkamali.
“Next time, wait for me to open the door for you. Ok? It’s my responsibility to do that for you.” May gigil sa boses nito pero malumanay pa rin ang pagkakasabi.
Natigilan si Natasha at natagpuan ang sariling nakatitig na naman sa mga mata nitong hindi niya mawari ang kagaanang idinudulot sa kaniya.
“S-Sorry. I got used to do things on my own. Well, let’s go?” Nagpaumuna siyang maglakad dahil baka malimutan na naman niya ang dapat niyang gawin. “Focus, Natasha!” bulong niya sa sarili habang tinitisod ang mga bato sa daan.
Pero muli siyang natigilan nang bigla na lamang kunin ni James ang kaniyang kamay at inintertwine sa kamay nito. “And please, next time, don’t walk without holding my hand. I want everyone to know I’m yours.” Ngumiti ito nang kaunti at pinisil ang kaniyang kamay. “Where to my love?”
“Shoot! Mukhang mahihirapan ako sa lalaking ito ah.”
“What?”
“Ah, nothing. Yeah, we…are going to my favorite place,” sabi ni Natasha at itinuon na ang tingin sa unahan.
Di naglaon ay narating nila ang isang matao na lugar kung saan maraming kainan at bilihan. Nakokonsensiya man dahil sa ingay, masangsang na amoy, at maruming lugar, isinantabi na lamang iyon ni Natasha. “Here we are. Fast...food!” Tumingin si Natasha kay James, nagbabakasakali na sa pagkakataong ito ay may makikita siyang dismaya sa mukha nito pero nakangiti pa ito.
“This is a better place, love. I like it. The people here have a vibrant vibe. This place is alive. This is my first time to experience this!” buong galak na saad nito na para bang batang bagong labas ng bahay. “Let’s go love!”
“P-Pero—”
Hindi naman na natapos ni Natasha ang sasabihin dahil hinila na siya ni James sa unang stall na nagustuhan nito. “Hello, Sir. What is your best seller here?”
“Ay Sir, this, this. It’s good!” ngiting-ngiting sabi ng tindero.
“Oh ok. How much?”
“Two hundred. Two hundred only.”
Nanlaki ang mga mata ni Natasha at hindi napigilang magsalita. “Kuya, singkwenta lang yan. Wag kang ano diyan, tinawag ka lang Sir, inabuso mo naman. Ano, iba ang presyo pag dayuhan?”
“Ay Mam, Pilipino ka po pala,” pahiyang saad ng tindero.
“Ay hindi ho ba halata? Suki na ho ako dito para lang malaman niyo.”
“Sorry po.”
“Tsk! Talaga naman.” Bumunot si Natasha ng fifty pesos sa wallet at iniabot dito.
Pagkakuha nang pagkain ay hinigit na niya si James palayo at hinila sa madalas niyang upuan na mesa sa parke sa kabilang parte lamang ng mga stalls. May mga concrete tables at upuan roon na matatanaw ang magandang dagat.
“Tell me what you want to eat and I’ll get it for you,” inis na sabi ni Natasha nang paupuin si James.
“What happened there?” seryosong tanong nito nang ilapag ang plastic na kinalalagyan ng biniling pagkain at iniangat ang tingin sa kaniya.
“Nothing. Don’t mind it.” Mamaywang pa sana siya pero agad na nawala ang kunot ng kaniyang noo nang hapitin nito ang kaniyang baywang at walang hirap na iniupo siya sa hita nito. “James. People are looking.”
“So? Let them look. I am asking you what happened back there that seemed to frustrate you?”
Lumunok si Natasha ng laway dahil hindi niya magawang masabi na lolokohin sana siya ng tindero dahil alam niya sa sarili niyang niloloko niya rin lang naman ito.
“Answer me. Did he try to disrespect you?”
“No. It’s just that…he’s ahm---”
“If it’s about the money, you should have let me handle it. I should be the one protecting you.”
Umiling si Natasha at madaling tumayo mula sa pagkakaupo sa hita nito. “Let’s just go somewhere else.”
“Where?”
“Just, let me take you there.”
Sa labas ng park ay may nakatayo roon na isang stall ng kwek-kwekan. “Ahm, I’m really running out of time. Let’s just eat here. I promise this is good.”
Pero parang wala itong naririnig, nakangiti lamang ito at nakatitig sa kaniya.
Napabuntong hininga si Natasha at nakasimangot na kumuha ng isang baso saka isang stick. Inunahan na niyang mainis kaysa naman mapatitig na naman siya rito. “Bwisit! Ito pa ata ang tatapos sa buhay ko. Pipili na nga lang, di pa magawa! Kakangiti mo, mapapasok ka na ng hangin. Kala niya ba kinagwapo niya ang pagngit nang pagngiti?” inis niyang bulong at sinimulang magtuhog ng kwek-kwek pagkatapos ay nilagyan ng pinaghalong matamis at mahalang na sawsawan. “Try this.”
Sinubo niya ang stick sa bibig nito at kita niya ang paglaki ng mga mata nito.
“It’s good,” sabi ni James.
“Right? Ok. Ok. I’ll have one too then I’ll leave ha.”
Sumubo si Natasha at napapikit pa sa sarap. Isip niya ay bago mamatay, papasawa na siya sa mga pinagbawal niya sa sarili ng mahabang panahon.
Kaso dahil sa sobrang pagka-enjoy, may isang kwek-kwek ang muntik na malaglag dahil hindi na nagkasya sa kaniyang bibig.
“Hala, sayang---”
Nagawang mapigilan ni James ang pagkahulog ng kwek-kwek gamit ang bibig nito. Sa pangatlong pagkakataon ay nagkahalikan na naman sila.
Madaling bumitaw si Natasha at inilagay ang baso ng kwek-kwek sa kamay nito. “I… need to go. I’m leaving now. If you want more, you pay, ok? Bye. Happy eating.”
“Ok, I’ll message you.”
“No. I’ll message you when I message you? Ah bahala na. Bye.”
Pumara siya ng jeep at dali-daling sumakay. Hindi na niya ginawang lingunin pa ito. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Isabelo. “Hello baks. Ayaw ko na pala. Hindi. Hindi ko kaya to. Mukha siyang mabait na tao.”
“Baks, naman.”
Hindi na inintay ni Natasha ang sagot ni Isabelo. Pinatay na niya ang kaniyang cellphone at inilagay sa airplane mode para walang makacontact sa kaniya.
Pagdating sa kanilang bahay ay madali siyang tumakbo sa kusina para kunin ang mop at walis-tambo.
“Ok! Kailangan ko lang pagurin ang sarili ko para makalimutan lahat ng mga nangyari. Tama. Yon ang dapat kong gawin.”
Sinimulan niyang maglinis. Halos sairin na niya ang kaliit-liitang alikabok sa bawat sulok ng bahay. Pati mga litrato at mga libro sa shelf na once a month niya lang punasan, dinamay na niya. Noong una ay natutuon talaga ang isip niya sa paglilinis dahil ilang oras na lamang ay uuwi na ang kaniyang ina, malilintikan siya kapag nadatnan nitong magulo at hindi pa nawawalisan ang bahay. Kaso, habang pinapagpag ang sofa ay natigilan siya at napaupo.
“AHHH! Ang sakit na ng ulo ko. Bakit ba sulpot ng sulpot ang lalaking yon sa isip ko?” reklamo ni Natasha at nanlulumong ibinaba ang hawak na walis tambo at mop sa gilid ng sofa. “Nyemas naman Natasha, para kiss lang? Binibig deal mo? Ayaw mo non? Bago ka mamatay, may kiss ka? AHHH!”
Ginulo niya ang kaniyang buhok at nagmamartsang pinatugtog ang kanilang music player. Binuksan pa niya ang speaker para mas malakas ang tunog.
Kinuha na niya muli ang mga panlinis at naglinis habang kumakanta pa kasabay ng tugtog pero di kalaunan ay wala sa sarili siyang napasayaw habang nakapikit at hawak-hawak ang labi.
“Ang lambot ng labi niya,” nakangiti niyang bulong saka umikot-ikot pa habang yakap ang mop.
Hanggang sa matigilan siya nang may kumakatok sa pinto at ang kapatid niyang si Marco ang nagbukas ng pinto.
“Oh ano, tapos ka na?” mapangutyang saad ni Marco at kinuha ang mga bitbit na pinamili ng kanilang ina. “Ma si Ate, nababaliw na naman.”
“K-Kanina ka pa rito?” uutal-utal na tanong ni Natasha at madaling pinatay ang music player.
“Malamang! Saan naman ako pupunta? Eh dito lang naman ako tumatambay sa bahay, kagaya mo,” iiling-iling nitong sabi at sumalampak ng upo pabalik sa dining chair. “Magluto ka na at ang gutom. Gumala ka pa siguro pagkatapos mo kunin ang pension ni Lola.”
“Hindi. Mahaba lang talaga ang pila.”
“Bulaan. Baka kasama mo na naman yong tropa mong bakla.”
“Tumigil na kayo. Ikaw Natasha, ano hindi mo manlang aasikasuhin itong mga dala kong pinamili? Kanina pa. Wala ka na talagang pag-asa. Sa tanda mong yan, wala kang tinatandaan. Lahat nalang kailangang iutos."
"S-Sorry po, Ma.” Binitawan ni Natasha ang mga bitbit na panglinis at madaling dinala ang mga pinamili ng ina sa kusina.
Inilabas niya ang mga pagkaing ilalagay sa ref at isa-isa itong binitbit palabas dahil nasa dining ang ref. “M-Ma, ang aga mo po ata?” kabado niyang tanong rito habang nakaupo ito sa sofa sa sala at nag-aalis ng sapatos.
“Kanina pa ako katok ng katok pero parang walang mga naririnig. Akala mo naman ay napakaraming ginagawa sa buhay. Magluto ka na at itutuloy ko na ang paglilinis. May bisita kaya ideretso mo na ang pagluto ng mga ihahanda mamaya,” sabi nito at nagmamartsang naglakad papunta sa kwarto nito sa second floor.
“Po? May bisita? Sino ho?” Tumakbo si Natasha para humabol sa ina.
“Pamilya ni Charles. Mamanhikan,” sabi ng ina at pabagsak na isinara ang pinto sa kaniyang harapan.
“Si Charles? Yong ex ni Ate Natasha?” tawang-tawang tanong ni Marco habang nagsicellphone sa baba. “Ayos to. Nakakaexcite!”
“K-Kailan pa ho ito?” gulat na tanong ni Natasha.
“At ano naman ang pakialam mo? Bakit nagseselos ka? Wag na wag kang gagawa ng eksena mamaya Natasha ha. Wag mong sisirain ang araw ng kapatid mo.”
“H-Hindi ho, Ma. Ang akin lang, parang matagal na ho ito hindi manlang ipinaalam sa akin.”
Bumukas ang pinto ng kwarto ng ina at namumuyos itong naglakad palabas. “At bakit kailangan pang ipaalam sayo? Ha? Bumaba ka na at magluto, pinaiinit mo ang ulo ko. O anong oras na? Dapat ay nakalinis ka na.”
Hindi malaman ni Natasha ang mararamdaman. Lahat ng karampot na emosyon na nararamdaman kanina ay tila bulang naglaho. Nagtungo siya sa kusina at nagluto ng pananghalian.
“Kain na,” malamlam ang boses na tawag ni Natasha sa kapatid at sa ina pagkatapos na maghain.
Pag-upo ng mga ito ay akmang maglalakad siya pabalik sa kusina nang magsalita ang kaniyang ina. “Oh ano pang inaarte mo? Sumabay ka na ng kain nang dire-diretso ang trabaho.”
“Ah kumain na ho ako kanina bago umuwi. Inabot po ng gutom sa pagkuha ng pension ni Lola,” pagdadahilan na lamang ni Natasha sa ina.
“Napakamakasarili mo talaga. Hindi ka manlang nakaisip na idamay kami ng luto sa labas eh di sana kakain na lang. Saka kung ginamitan mo manlang ng kahit kaunting utak ang pagkuha ng pension, di hindi ka matatagalan. Para saan pa at kaibigan mo si Isabelo? Kaya nga hindi na kami nakikiano-ano nang pagkuha dahil umaasa kami na si Isabelo na ang bahal roon.”
“M-May, ginagawa ho kasi si Isabelo. Sige ho sa sunod. Tatandaan ko. Pasensiya na ho,” tugon na lamang ni Natasha at nagtungo na pabalik sa kusina.
Pagasapit ng alas-tres ng hapon ay nagsisiratingan na ang ilan sa kanilang mga kamag-anak. At bago mag-alas-quatro ay dumating na ang panig ng lalaki.
“Tapos na ba ang huling putahe?” biglang sumulpot sa kusina ang kaniyang ina na nakapustura.
“Opo, Ma. Ilagay ko na lang ho sa serving tray.”
“Ay ako na. Pumunta ka na sa kwarto. Diba may trabaho ka pa? Sa likod ka na magdaan dahil andito na ang pamilya ni Charles,” utos ng ina at kinuha na ang sandok sa kaniyang kamay.
“Sige ho. Chat niyo na lang ho ako kung may kailangan kayong ipabili o kulang sa handa.” Hinubad niya ang suot na apron at isinabit sa lagayan nito sa gilid ng island bar saka lumabas pintuan patungo sa likod-bahay.
Pero laking gulat niya nang tumambad sakaniya si Charles na may malaking ngisi sa mukha. “Hi, Natasha. Long time no see. Namiss kita.”