Humakbang paatras si Natasha at pinahid ang mga pawis na kanina pa namumuo sa kaniyang noo. “Hay what a day. Ako ang bunot ng langit ngayon na mapagtripan ah. Mukhang pati mga nasa itaas naboboring na sa buhay na meron ako. Teka, baka ibinugaw na ako ni Papa sa mga bantay roon?”
“Hoy, isa! Wag mo nga mabanggit si tito na para bang ready ka na makipagreunion. Magtatagal ka pa,” saway ni Isabelo na kinalkal ang bag na dala at kumuha ng panyo. “Oh, punasan mo ang pawis mo.”
“Salamat. So, ano bang mga dapat kong malaman sa lalaking yon, yong sapat na pangraos lang ngayong buong araw? At anong pangalan niya?”
Napangiti si Isabelo habang nagpupunas naman ng tissue sa mukha. “James. James ang pangalan niya. James Matthew Lopez. Tagarito talaga siya sa Pinas, pero sa US na lumaki dahil kinailangan niyang maglagi sa ospital para alagaan ang kaniyang ina dahil may sakit ito sa puso. Sa kasamaang palad ay namatay rin ang Mama niya.”
Napatango si Natasha at sa loob-loob ay nakaramdam ng awa sa lalaki. Napag-isip rin niya na kaya siguro magaan ang loob niya rito dahil sa malulungkot na mga mata nito.
“Oy baks, eto pa. Sila ang may-ari ng pinaka malaking kompaniya ng mga pagawaan ng mga high tech na kotse dito sa ating bansa.”
“Wow! Jackpot ka pala sana.”
“Talaga. Kung sana babae lang talaga ako, baka maging proud pa sina Papa na nakabingwit ako ng bilyonaryo.”
“Ang ibig kong sabihin, jackpot ka pala talaga sana dahil hindi basta-basta ang binangga mong tao. Kahit pa Mayor ang Papa mo at may-ari ng maraming mga ospital, duda ako na kakayanin niyo ang pamilya ni James kapag nagsampa ng kaso. Hmm! May naiisip akong gagawin.” Ngumisi si Natasha at tumango-tango pa.
“Baks, wag kang ngumiti, nakakatakot.”
“Manahimik ka, Isabelo.”
“Baks, wag mo naman bibiglain yong tao ha. Baka kasi, madepress? Mastress? Kamamamatay lang ng Mama niya.”
“Oo na. Ano, anong pakilala mo sa kaniya?”
“Natasha Montes ang pakilala ko sa kaniya. Sabi ko, naghahanap ako ng trabaho non sa US kaso nagkasakit kaya naospital at kinailangan kong umuwi.”
“Ayos, pwede ka nang maging writer. Ano pang sabi mo?”
“Hmmm. Yon lang. Pangalan mo lang ang ginamit ko pero yong pagkatao ko ang nakilala niya, ang nakausap niya. Pero nga mga last month bago ako umuwi, nong nakokonsensiya na ako, ginaya ko na ang malabato mong pagkatao. Baka maistress yon sa matabil mong paraan nang pananalita.”
“Ok. Sige, lalabas na ako dahil masyado na tayong matagal, baka mamaya isipin non may mali na talaga.”
“Sige baks. Salamat talaga ha.”
Dali-daling lumabas si Natasha ng banyo at nakita iyong James sa may kanto ng dulo ng hallway na matiyagang naghihintay kahit ba pinagtitinginan na ng maraming tao.
“Hala, naghihintay siya,” bulong ni Natasha.
“Baks, oo nga pala, napakabait na tao niyan ni James, baka mabigla ka,” bulong ni Isabelo.
“Ah! Bahala na!” Lumunok nang laway si Natasha at kabang-kabang humakbang palapit kay James.
“Hi. Again.”
Ngumiti ito. “Hello. I’m sorry, it was my fault, I came without a word.”
“Sorry, too. I…I mistook you with someone else. I’m having a really bad day,” hirap na turan ni Natasha na kulang na lang ay kagatin ang dila para hindi maglabas ng matatabil na salita.
Ngumiti ito nang kay ganda at walang pasabing sinapo ang magkabila niyang pisngi saka hinalikan siya. “I missed you, darling,” bulong pa nito sa pagitan ng mararahan na mga halik.
Nanlaki ang mga mata ni Natasha sa gulat at tila ba naubos ang kaniyang hininga sa isang iglap. Parang bumagal ang lahat at pakiramdam niya ay naglaho ang lahat ng nasa kaniyang paligid.
‘Punyeta, wala na ang pers kiss ko!’ sigaw ni Natasha sa kaniyang isipan. Gusto niyang magwala at sapakin ang lalaki pero hindi naman pwede dahil mapapasama si Isabelo.
Pumikit na lamang siya at inintay itong matapos. Pagbitaw sa halik ay niyakap siya nito at iniangat na para bang sanggol lang siya kagaan.
“I’ve badly wanted to do that for a long time. Your lips are addicting. I missed you so much, love. Tell me you miss me too, darling,” bulong nito habang nakasuksok ang mukha sa kaniyang leeg.
Nilingon niya si Isabelo na halatang hindi rin inaasahan ang paghalik kaya parang napako ito sa kinatatayuan habang nakatabon ang mga kamay sa bibig. Hinayaan niya ito ng middle-finger habang nakatitig rito na kay lamig, na kulang na lamang ay balatan na niya ito sa kinatatayuan.
“Please, love?” usal ulit ni James kaya naibalik niya ang tingin rito.
Bahagya itong lumayo sa kaniyang leeg at ibinalik ang tingin sa kaniya. Hindi niya mapigilang malunod sa mga tingin nito dahil sa tanang buhay niya ay ngayon lamang may tumingin sa kaniya na kaganoon. Tingin na ni minsan ay hindi niya inakalang makukuha nang wala naman siyang ginagawa.
“Ibaba mo na ako,” hirap niyang sabi at iniwas ang tingin rito.
Pero imbes na makinig, hinigpitan lang nito ang pagkakahawak sa kaniyang bewang. “Say you miss me first.”
Pakiramdam ni Natasha ay babaliktad na ang kaniyang sikmura sa halo-halong emosyon na nararamdaman. Ang malambing na boses nito ay nagdulot nang kakaibang lamig at init na tila kuryenteng dumaloy sa buo niyang katawan.
Sa mga sandaling iyon ay tila ba nawala siya sa sarili at may karampot na ngiting gumuhit sa kaniyang mga labi. “I…” Pero agad rin siyang natigilan at umiling-iling pa habang pumipikit-pikit ang mga mata. “Hala, Natasha, gising! Acid lang yan dahil di ka kumain ng umagahan.” Napasapo siya sa kaniyang dibdib at nanlaki ang mga mata dahil sa mabilis itong tumitibok. “Sheet! Ito pa ata ang papatay sakin.”
“What, baby?”
Nangunot ang noo ni Natasha at tumaas ang mga kilay. Lumamlam na muli ang kaniyang mga mata at napawi nang kasing bilis ng segundo ang mga ngiti kanina. “Baby? Ay ayos. Naging sanggol pa. Ang dami naman nitong alam. Tsk. Kung hindi lang talaga, baka pumutok na ang nguso mo ngayon.”
“Hey, I do not understand you.”
Pilit siyang ngumiti at sarkastikong nagsalita. “I…I…miss you too, my love.”
“I love it when you say that.”
Umirap si Natasha nang patalikod saka muling ngumiti. “Hm. Can we talk somewhere else?”
Ibinaba naman siya nito at masayang hinawakan ang kaniyang kamay. “Of course, my love. I just know a place.”
“Ok, good. Let’s go,” sabi ni Natasha sa kaba na baka mamaya ay may makakita sa kaniyang kakilala at makaabot sa kaniyang pamilya ito.
Paglabas ng ospital ay napalaki pa ang mga mata niya nang tumambad ang isang magarang kotse.
“Get in, love.” Sabi nito nang malugod na binuksan ang pinto ng kotse.
Huminga nang malalim si Natasha at sumakay.
Akma nitong ilalagay ang seatbelt nang pigilan niya ito. “I’ll do it.”
“No, let me do it,” seryoso nitong sabi.
“Hey, I still have my hands. It’s perfectly working.”
Ngumiti ito at ngayong sobrang lapit ng mukha nito ay doon lamang napansin ang dimple nito sa kaliwang pisngi. “Let it rest, baby. Those have one job and it’s the only thing I want those beautiful hands would be doing.”
Nangunot ang noo ni Natasha dahil sa mapang-asar na ngisi ni James.
Pagkatapos na maayos ang seatbelt nagtungo na ito sa driver’s seat at nagsimulang magmaneho.
Pinili ni Natasha na manahimik dahil pakiramdam niya ay kung magsasalita pa siya, baka masabi na niya ang totoo.
Iyon lamang, matapos ang mahigit isang oras na biyahe, napaayos siya ng upo nang mapansin na pamilyar ang lugar kung saan tumigil ang sasakyan. Tumigil sila sa harapan ng isang mamahaling restaurant kung saan ay nagtatrabaho ang kaniyang kapatid na si Jenna.
“We’re here. One of the well-known restaurants here in the Philippines.”
“Where here?” tanong ni Natasha habang pumapangad sa paligid.
“Yes. Don’t you like it here?”
“Ah. Hahaha. I like it. I like it. It’s just that, you know. Can we…uhm, go somewhere, simpler? I cannot afford this place,” pagdadahilan ni Natasha.
Bukod sa gustong umiwas sa kapatid, naisip niya rin na magandang pasimulan na ito para mawalan na ito ng interes sa kaniya.
Ngumiti ito at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi. Sa bigla ay nasampal ito ni Natasha. “Peste ka, nakakadalawa ka ng abusado ka.”
Madaling tinakpan ni Natasha ang bibig sa gulat pero imbes na magalit ay kumagat-labi ang lalaki. “I’ve been wanting to see you do this in action. It’s fcking hot, love.”
Nanlaki ang mga mata ni Natasha kasabay nang pagkunot ng kaniyang noo. “Kala ko sira-ulo na si Isabelo, pero mas may sisira pa pala .”
“What?”
“Nothing. Sorry, love. Sorry, you know. Adjusting,” alanganing tawa ni Natasha at hinalikan na lamang ito nang mabilis sa pisngi bilang pampalubag-loob. “Kasalanan mo. Nakabawi tuloy ng wala sa oras.”
“What are you saying my love?”
“Ahehe, nothing my love.” Ibinaling niya ang tingin sa bintana at napawi ang peke niyang ngiti. “Lablabin mo mukha mo.” Muli niyang ibinalik ang tingin rito at nakangiti na ulit. “Is it okay we go somewhere?”