CHAPTER:1

1000 Words
"Ninong,pinapatawag n'yo daw po ako?" "Agent FROZZ,may bago kang mission." Tumingin ito sa aking mga mata. Katatapos ko lang sa aking mission at naging matagumpay ito. "Si PRESIDENT GAVIN REYNON ZUMURI." "PO? Bakit s'ya?" "May pagtatangka sa buhay n'ya,at ikaw ang napili ko na humawak nito." "Tinatanggap ko Sir,sana lang ay kung anu ang pinapakita n'ya na kabaitan sa publiko ay ganoon din ang maging pakikitungo n'ya sa mga taong tumutulong sa kan'ya." "Malalaman mo ang lahat ng 'yan sa mission mo na ito. At isang paalala sa'yo." "ANO po 'yun?" "Hindi n'ya maaring malaman ang tunay mo na pagkatao." "Alam ko na po 'yan. Hindi na kailangan na ulitin pa sa tuwing may ibinibigay kayong mission sa akin." Nakangiti na tugon ko dito. "Matalino ang batang Presidente ng bansa, kaya kailangan mo na mas galingan. Ang mommy n'ya ang humingi ng tulong sa atin. Kaya ang magiging role mo ay maging personal bodyguard n'ya. Ikaw ang makakasama n'ya kahit saan man s'ya magpunta. "Okay Sir, kailan ba ako magsisimula?" "Bukas din ay maari ka ng mag-umpisa." "Agad-agad?" "Yes! Hindi na maaring lumipas ang mga araw. Kailangan n'ya ng mas mahigpit na security. Lalo pa at marami s'yang nakakabangga. Ito ang mga gagamitin mo." Kinuha ko ang iniabot nitong uniform at isang ID na s'yang aking gagamitin. Ibang pangalan. "Female? Hindi ko ba babaguhin ang kasarian ko?" "Hindi na kailangan pa, girl power FROZZ." Napataas ang kilay ko sa naging sagot sa akin nito. Madalas kasi sa tuwing nagpapanggap ako ay laging nagpapanggap na lalaki. "Hindi ka ba masaya? Hindi mo na kailangan pa na magpanggap na isang lalaki para sa mission na ito." "Baka mamaya ay hindi pumayag si Mr. President kung isang babae ang magbabantay sa kan'ya?" "Alam ko na kaya mo ito FROZZ." "Ang laki po talaga ng tiwala n'yo sa akin?" "Anak ka ng matalik ko na kaibigan. Kaya alam ko ang kaya mo na gawin para sa trabaho. Kagaya ng iyong ama na kahit kamatayan ay susuungin para sa sinumpaan na tungkulin." "Salamat po, naulila man ako ng maaga. Ginawa n'yo naman po ang lahat para lumaki akong mabuting tao." "Baka mag-iyakan pa tayo dito." Pabirong sabi pa nito. Malaki ang utang na loob ko dito. Dahil kung wala s'ya ay baka wala na din ako sa mundong ito. Kaya lahat ay ginagawa ko para kahit paano ay makabawi man lang sa kan'ya. "Wala na po ba kayong sasabihin pa?" "Wala na, maari ka ng magpahinga muna. Para naman makapag-fucos ka na sa mga susunod na araw sa bagong mission mo. Alam ko na pagod ka pa." "Bye Ninong, gagawin ko po ang lahat para magawa ko ang mission na ito." Lumapit ako dito at yumakap. At bago tuluyan na lumabas ng opisina nito ay sumaludo pa ako sa kan'ya. Nang makalabas ay naglakad na ako papunta sa kwarto ko. "Agent FROZZ!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Brickzon S'ya ang panganay na anak ni Ninong Mike. Ang masungit pero may pusong mamon na kababata ko. "Bakit Agent Spade?" "May bagong mission ka ba?" "Me'ron." Tipid na sagot ko sa kan'ya. "Parehas pala tayo. Grabe si Dad, wala man lang akong pahinga!"may pagmamaktol na wika nito.. "Bakit sa akin ka nagrereklamo?" "Hindi din naman ako makakapagreklamo kay Dad. S'ya pa din ang masusunod. At wala naman s'yang desisyon na hindi nakabuti sa akin. Nitong huling mission ko ay hindi naging madali. Pero mas tumatag ako." "Yun naman pala. Kaya tanggapin na lang natin na ito ang trabaho na pinili natin. Hindi naman tayo pinilit dito. Tayo ang nagpumilit di ba? Kaya h'wag mo akong artehan d'yan!_ Sabi ko na totoo naman. Dahil kami mismo ang lumapit kay Ninong para dito. "Pasok na muna ako sa kwarto ko. Gusto ko muna matulog." "Sige,ako kakain muna." "Mukha ka talagang pagkain!" "Naman!" Ngumiti ako dito at tuluyan ng pumasok sa kwarto ko. Nang makapasok sa aking kwarto ay lumapit agad ako sa kama. Ramdam ko ang pagod kaya humilata na talaga ako. Bukas pa naman mag-uumpisa ang mission ko. At tila kailangan pa na alamin ko ng mabuti ang pagkatao ni Mr. President. Sana lang ay maging maayos ang lahat. Sa totoo lang ay matunog ang pangalan n'ya sa larangan ng politika. Kaya hindi na nakakapagtaka na may ganitong mangyayari sa buhay n'ya. At simula din nang maupo s'ya sa pinakamataas na posisyon sa bansa ay ipinakita n'ya na agad ang kan'yang kakayahan. Pero ang malaking katanungan ngayon ay sino nga ba s'ya sa likod ng ipinapakita n'ya sa mga taong sumusuporta sa kan'ya? Mula sa pagkakahiga ay muli akong bumangon. Kinuha ko ang litrato ni Dad na nasa bedside table ko. "Daddy,natapos ko na naman ang isang mission. At alam ko na sa bawat mission ko ay laging kasama kita." Nakangiti na kausap ko dito. Ganito ako sa tuwing mag-isa sa aking kwarto. Madalas ko na kausapin ang kan'yang larawan. Namatay s'ya noong walong taong gulang pa lamang Ako. At hanggang ngayon ay may isang katanungan pa din ako na hindi din magawang sagutin ni Ninong Mike. Kung sino ba ang aking Ina. At hindi ko naman magawang magtampo dito. Dahil maging s'ya ay hindi n'ya din talaga alam. Ang kwento n'ya ay isang araw ay may dala na si Dad na baby dito. At ako ang baby na 'yun. Hanggang sa mamatay si Dad ay hindi man lang nito sinabi. Napabuntong hininga ako at ramdam ko na naman ang pakiramdam na para bang may kulang sa aking pagkatao. At hindi ko alam kung kailangan na mapupunan ang puwang na ito sa pagkatao ko. Ibinalik ko na sa dating lagayan nito ang litrato ni Dad na magkasama kami. Masaya kami dito at alam kong kahit kailan ay hindi na ito mauulit pa. Kahit sila lang nila Ninong ang nagpalaki sa akin ay naging Masaya naman ako. Yun nga lang ay maaga s'yang nawala at matagal din bago ko ito natanggap. Pinatay ko ang ilaw at ilang minuto lang ay nakaramdam na din ako ng antok. ******************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD