CHAPTER:2

1697 Words
"Hello, mamaya ka na tumawag." Sagot ko sa tanong ni Mikay sa akin na muling tumawag na naman. Sinisigurado n'ya talaga na pupuntahan ko s'ya. "Talaga? Malapit ka na?" "Oo nga! Sige na hintayin mo na lang ako d'yan." Halos dalawang oras din ang byahe ko. Hanggang sa marating ko ang bar kung nasaan ito. Inayos ko ang aking sarili. Ngayon ay hindi ako sa agent FROZZ, ako si Lainie. Matapos ko na ayusin ang aking big bike sa parking lot ay naglakad na ako papasok. "Magandang gabi binibini!" Pagbati sa akin ng isa sa mga bouncer ng club. "Good evening too!" Malambing na ganitong bati ko din sa kan'ya. "ID po ma'am, maari po na na makita?" "Sure!" Inilabas ko naman ang aking I'd. "Pasok na po kayo ma'am." "Salamat." Naglakad na ako papasok at mula pa lang dito ay dinig na dinig ko na ang malakas na tugtugin na nagmumula sa loob. Kinuha ko ang aking cellphone. Tinawagan ko si Mikay,para malaman n'ya na nandito na ako sa area. "Helllllooooo! Nasaan ka na ba?" Bungad na tanong na naman nito sa akin. Pero mas okay na malakas ang boses n'ya. Dahil hindi ko din s'ya maiintindihin agad kapag mahina. "Nandito na ako." "Really?" "Yes,saan ka ba banda? Ako na ang lalapit sa'yo." "Malapit sa counter,sa kanan." "Okay,hintayin mo na lang ako d'yan. H'wag ka ng aalis sa p'westo para makita kita agad." "Excited na ako." Kinikilig na sabi pa nito. Napakanatural lang talaga nito. Kaya nga kahit na dis-oras na ng gabi ito tumawag sa akin ay hindi ko s'ya mahindian. Nang tuluyan akong makapasok ay malakas na tugtog ang sumalubong sa akin. Pati ang iba't ibang kulay ng ilaw. Hinanap ko si Mikay at natanaw ko naman agad ito. At maging ito man ay napansin na din ako. Kumaway pa ito para sumenyas sa akin. Akala n'ya ata ay hindi ko pa s'ya nakikita. Mula sa p'westo ko ay kailangan na maglakad ako sa gitna para mas mabilis na mapuntahan ang kaibigan ko. Nang makalapit ako dito ay isang mahigpit na yakap agad ang sinalubong nito. Yakap na akala mo ay ilang taon n'ya akong hindi nakita. Samantalang halos tatlong buwan lang naman akong hindi nagpapakita sa kan'ya. Dahil nga delikado din ang naging mission ko. Gumanti naman ako ng yakap sa kan'ya. Namiss ko din talaga s'ya. "Akala ko hindi ka na dadating." "P'wede ba naman 'yun? Hindi ko naman kayang balewalain na lamang ang special na araw mo.".. Humiwalay naman ito sa pagkakayakap sa akin.. "Happy birthday sa napakaganda kong bestfriend." Masayang pagbati ko sa kan'ya na ikinangiti naman nito. Ngumiti naman ito,pero bakit pakiramdam ko ay hindi s'ya ganoon kasaya. "Salamat,pero dahil late ka kaya inumin mo na agad ito." "Mikay, may problema ka ba?" Tanong ko sa kan'ya. Kinuha ko na din ang iniabot nitong inumin sa akin. "Wala naman, bakit mo natanong 'yan?" "Kilala kita, ramdam ko kung masaya ka nga talaga." Kinuha din nito ang isang baso na may laman na ladies drink. Pinagmasdan ko lang s'ya. Kung makikita mo s'ya ngayon at hindi mo s'ya kilala ng lubusan. Iisipin mo na okay lang s'ya. Tumingin ito sa akin habang hawak pa din ng kan'yang kamay ang baso. "Wala talaga akong maitatago sa'yo Best." "Si Mom at Dad, maghihiwalay na ata sila ng tuluyan. Ni hindi man lang nila inisip kung anung magiging epekto nito sa akin." Napabuntong hininga naman ako sa kan'yang mga sinabi. May pamilya nga s'ya na buo. Pero pakiramdam naman nito ay wasak na wasak na sila. Masakit nga naman isipin na buhay ang mga magulang mo pero hindi mo din naman maramdaman na buo kayo. Hinawakan ko ang kan'yang balikat. "Okay lang ako, sanay naman na ako sa away nila palagi." "Baka naman maayos pa nila." "Hindi ko alam. Pakiramdam ko ngayon nag-iisa na lang ako. Ni hindi nga nila ako naalalang batiin. Umuwi ako kanina sa bahay." Kita ko ang unti-unti ay pamumula ng mga mata nito. Nanunubig na at mas lalong naramdaman ko ang sakit na nararamdaman n'ya ngayon. At muli ay niyakap ko ito. Mabuti na lang talaga at natapos ko na ang aking mission. Dahil kung hindi pa ay tiyak na magtatampo talaga ito sa akin. Kailangan n'ya ngayon Ng isang kaibigan na naiintindihan s'ya. '"Ilabas mo lang lahat ng sama ng loob mo." "Thank you, kasi dumating ka." Halos kalahating oras din itong nakayakap sa akin. "Mikay!" Humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin. At napalingon sa lalaking ngayon ko lamang nakita. "Love!" Yumakap ito sa lalaki at ako naman ay nakatingin lamang sa kanila. At base sa nakikita ko ay tila may boyfriend na ata ito." "Sorry kung na-late ako." "No need to say sorry, ang importante ay dumating ka." Ngumiti naman ang boyfriend n'ya at mula sa likuran nito ay inilabas n'ya ang dala nitong bouquet of flowers. Napahawak pa sa kan'yang bibig. "Ang ganda naman nito." "Mabuti naman at nagustuhan mo." "Ikaw talaga, lagi ka na lang may pa- surprise sa akin." "Happy birthday Love!" "Thank you, Love." Nagyakapan silang muli. At ako naman ay nakatingin lang sa kanila. Masaya ako para sa aking matalik na kaibigan. Kaya lang ay kailangan n'ya din na magpaliwanag sa akin. Tumikhim ako na kunwari pa ay naubo. Dahil sa pagdating ata ng boyfriend nito ay nakalimutan n'ya nandito ako. Humiwalay naman ito sa kan'yang boyfriend. "May ipapakilala pala ako sa'yo." Nakangiti ito na tumingin naman sa akin. At ako naman ay nagsenyas sa kan'ya. "Best,sorry na kung ngayon ko lang sasabihin ito sa'yo. Gusto ko kasi kapag ipinakilala ko na s'ya sa'yo ay yung sigurado na ako." "Sino s'ya Love?" "Bestfriend ko si Lainie, Love!" Pagpapakilala nito sa akin.. "At Lainie,ito naman si Brent, boyfriend ko." Inilahad naman nito ang kan'yang kamay na agad ko din naman na tinanggap. Mukha naman itong mabait at in fairness dito sa bestfriend ko. Nakabingwit ng mala male action star sa Hollywood ang datingan nitong boyfriend n'ya. "Finally! At nagkita na din tayo. Palagi ka kasing bukambibig nitong si Mikay." "Ganoon ba,baka kung anu-ano naman ang kwento mo tungkol sa akin dito sa boyfriend mo Best." "Ay,kahit tanungin mo pa s'ya ngayon. Puro magagandang ugali mo lang ang sinabi ko sa kan'ya." "Gaga!" Nasabi ko dito ng pabiro. Tumawa na lang din ito. Ang ganitong salita kasi ay normal na lamang sa amin. At sanay na kami sa isa't isa. "Mag-enjoy na lamang tayo ngayon. Gusto ko ay maging masaya ang aking birthday celebration." "Cheer's guy's!" Itinaas nito ang kan'yang baso at maging kami man ng boyfriend n'ya ay ganoon din. Nag-order na din ito ng kung anu-anong pulutan. At dahil gusto ko din na ma-relax ay panay na lang din ang lagok ko ng alak. Hindi naman ako mabilis malasimg. "Best, dahan-dahan naman. Hindi ka mauubusan. Parang sa ating dalawa ay ikaw ang may problema." Tanong nito ng may pag-aalala sa akin. "Gusto ko lang ang lasa nitong iniinom natin." Palusot ko dito. Nagpatuloy ako sa pag-inom at hindi ko nga namamalayan na napaparami na pala ang inom ko. Sigurado ka ba na kaya mo magpunta sa hotel? Kasi kung hindi mo kaya ihahatid ka na namin." "Kaya ko pa! Tingnan mo,maayos pa akong maglakad." Sagot ko sa aking matalik na kaibigan. Kahit na nakakaramdam na talaga ako ng matinding hilo. Ramdam ko kasi na gusto din ng dalawa na masolo ang isa't isa. Kaya kahit na med'yo lasing na s'ya ay mas pinili ko na h'wag ng magpahatid sa mga ito. "Ito ang susi ng hotel room ko,ikaw na muna ang bahala. Kaya mo ba talaga?" Bilin pa ni Mikay na sa condo naman ng kan'yang boyfriend ito magpapalipas ng gabi. Sinisigurado din nito na kaya talaga ng bestfriend n'ya ang sarili nito. Dahil takot n'ya lang na may mangyari na hindi maganda dito. "Oo,ako na ang bahala dito." Naglakad na ito papunta sa kan'yang big bike.Habang ang kan'yang kaibigan naman ay pinagmasdan lang s'ya. Kaya hindi nito maaring makita na susuray-suray s'ya. Nang makasakay sa kan'yang motor ay agad n'ya na itong pinaandar. Humingi muna s'ya ng gabay bago tuluyan magmaneho. Alam n'ya kasing talagang nahihilo na s'ya. Hanggang sa makarating s'ya sa building kung nasaan ang hotel na okupado ng bestfriend n'ya. Mas malapit kasi ito kaysa sa condo n'ya. Kaya mas mabuting dito na lang s'ya magpalipas ng gabi. Nang ma-iparking n'ya ang kan'yang motor ay dire-diretso na s'yang pumasok sa loob ng building. Maduling-duling na din s'ya,dahil parang mas tumindi ang tama ng alak sa kan'ya. "Ang sakit sa ulo!" wika pa nito sa kan'yang sarili. Nang bumukas ang elevator ay agad na s'yang pumasok dito. Pakiramdam n'ya ay umiikot ang kan'yang buong paligid. Dahil sa tindi ng tama ng alak sa kan'ya. Hindi naman s'ya mabilis na malasing, pero kasi ginawa n'ya ba naman na tubig ang iniinom n'ya kanina.. Hanggang sa makarating ako sa floor kung nasaan ang hotel room ng aking kaibigan. Tiningnan ko pa ito. "106." Pagbasa ko sa card key na kan'yang hawak. Humawak pa ako sa pader para maging suporta. Dahil baka matumba ako.Hanggang sa makita n'ya ang hinahanap. "Bukas?" Takang tanong ko sa aking sarili. Dahil hindi ko pa man n na ilalagay ang card key ay naitulak ko na ang pinto. "Ito talagang kaibigan, makakalimutin na ata. Mabuti na lang at maayos ang security dito." Sabi ko pa sa aking sarili. Wala naman akong makakausap dito at tuluyan ng pumasok ako sa loob ng hotel room. Naamoy ko agad ang mabangong air freshener. Nagtataka din ako na kahit mabango ay hindi ito ang palagi n'yang naamoy na gusto ni Mikay. Binalewala ko na lamang ito. Dahil gusto ko na talaga na mahiga at ipikit ang aking mga mata. Diretso na s'ya sa kama at agad na ibinagsak ang kan'yang tila pagod na pagod na katawan. Para bang mas ramdam n'ya ngayon ang pagod. Hindi pa naman talaga nakakabawi ang katawan n'ya. Lalo na sa puyat. Ibiniling ko ang aking katawan sa may side table at may nakita akong baso. Hinawakan ko ito at mainit-init pa. Kaya inisip know na para sa akin ito. "Siguro ay ibinilin na ni Mikay na dalhan ako ng mainit na tea." isip-isip ko pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD