chapter 10

833 Words
althea's Pov. nung nakalipas na araw medyo kakaiba ang pakiramdam ko sa aking katawan, pero ngayon hindi na, kaya naisipan kong pumunta sa mall at yayain ang aking pinaka mamahal na best friend na si jane, kasi simula nung nakaraan wala na akong oras at hindi ko siya masyadong pinapasin dahil sa mood ko. hindi na kame nakakapag bonding mag bestfriend, kaya alam ko na nagtatampo na yun ngayon. kaya naisipan ko siyang tawagan at yayain na mag mall. "best musta? may ginagawa ka ba ngayon?" tanong ko sa kanya pagkatawag ko. "okay lang naman ako best, akala ko nakalimutan mo na. na may best friend ka! tsaka wala naman akong ginagawa ngayon andito lang ako sa kwarto ko." pagtatampong sagot niya sakin. "sorry best, dahil kasi sa mood ko kaya nawala ako ng oras sayo at tsaka hindi rin kita kinikibo minsan, sorry talaga." hinging paumanhin ko. "ok na yun! aaminin ko nagtatampo ako sayo, kasi nung nakaraan hindi mo ako pinansin tapos nung uwian na natin ni hindi ka man lang nagpaalam na uuwi na, akala ko ayaw mo nang makipag kaibingan sakin." "sorry talaga best, kaya nga ako tumawag sayo ngayon para bumawi. yayayain sana kitang mag mall ngayon, okay lang ba?" Sabi ko. "wow best huh!, ano nakain mo at ikaw na ang nagyayaya ngayon sa akin? na mag mall tayo?" hindi makapaniwalang saad niya sakin, kasi naman ngayon lang ako nagyaya, kung baga first time, kaya ganyan nalang reaction niya, kasi samin dalawa siya ang laging nagyayaya samin mag mall. "syempre namiss ko ang nag iisang best friend ko Kaya naisipan kong mag mall kasama ka, para naman hindi kana magtampo sakin, alam ko sa ating dalawa ikaw lagi ang nagyayaya, pero ngayon dahil gusto kong mag sorry kaya ako na ang nagyaya sayo." sagot ko sa hindi makapaniwalang si jane. "hahaha hindi naman ako masyadong nagtampo, konte lang." " oh, pano kita nalang tayo sa mall okay?" tanong ko at umo-o naman siya kaya, pumunta muna ako sa sala andoon kasi sila mommy at daddy nanood ng tv. nagpaalam muna ako sa kanila na lalabas ako kasama si jane pumayag naman basta mag iingat lang daw kame, kaya tumango naman ako hudyat nang pagsang ayon. pagkarating ko sa mall nandoon na si jane sa labas at nag hihintay sa akin. "best antagal mong dumating.! your 20 minutes late na! where did you go. pa ba kasi?" inis na usal niya, pagkadating ko. "sorry na po. alam mo naman na para akong pagong kung kumilos eh." sagot ko sa kanya at niyakap, pumasok na kame sa loob ng mall at naglibot libot, pumasok kame sa isang botique at pumili ng maga damit. may nakita akong isang off shoulder dress na kasya Kay jane, kaya kinuha ko agad, may nakita rin akong isang fitted jeans at isang color lilac na craptop, kaya kinuha ko at isinukad kasya naman para sakin maganda naman siya, sa totoo lang hindi naman talaga ako masyadong marunong pumili ng damit, hindi katulad ni jean. pumunta na ako sa counter at nag bayad na. " best may napili kana ba para sayo?" tanong sakin ni jane kaya itinaas ko naman ang paper bag ng maga pinabili ko. "ikaw ba meron ng napili? pabalik kong tanong sa kanya. "oo eto, off shoulder floral dress, maganda naman diba? bagay naman sakin? " umo-o naman ako sa kanya, bagay kasi sa kanya Ang napili niya dahil sa kaputian niya, marunong kasi talaga siyang pumili sa mga susuotin niya. kaya sa tuwing bibili ako ng maga damit kasama ko talaga lagi si jane at siya ang nagiging stylist ko. "teka! maganda ba yang pinili mo best?" tanong nito at ipinakita ko naman sa kanya, pero Ang isang dress hindi ko ipinakita kasi para yun sa kanya eh, " gumagaling kana sa pagpili ng damit best bagay sayo ang pinili mo, lalabas ang ka sexyhan mo dyan." Sabi pa niya ng nakangiti. "syempre ikaw kaya stylist ko, kaya kung marunong man akong pumili ngayon ay dahil yun sayo." sagot ko sa kanya at niyaya na syang ipagpatuloy na namin ang pag iikot sa mall. pumunta naman kame sa taas at pumasok sa " world of fun" dito sa loob ng mall. naglaro,kumanta,sumayaw at kung ano pa. sobrang nakakapagod pero sulit naman ang banding time namin ng best friend ko, enjoy talaga ang araw ko pag si jane ang kasama ko mag mall. nakaramdam na kame ng gutom Kaya nagpasya kameng pumunta sa isang food court at bumili ng makakakain. "after nito saan na punta natin?" tanong nya at napa isip naman ako, pero wala na akong alam. " ikaw San mo gusto? " tanong ko rin sa kanya. "diba mahilig ka mag drawing?" "oo" sagot ko. "ayun punta tayo sa art studio ng pinsan ko!" pagkatapos nga namin kumain ay dun ang deretso namin at ang saya niya. habang papauwi na kame ay ibinigay ko na sa kanya ang binili kong dress para sa kanya at tuwang tuwa naman siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD