" kailangan Isa sa atin ang pupunta doon sa mortal world para hanapin ang babaeng sinasabi sa prophecy book,para hindi tayo maunahan nang kalaban."
"oo kailangan nating lahat pumunta roon para madali natin siyang mahanap."
"haring Lucas hindi tayo pwedeng pumunta doon lahat, kasi kapag lahat tayo pupunta doon ay baka matunugan tayo ng ating kalaban sa ating plano, at malalaman pa nya ang tungkol sa babaeng nasa propesiya." pahayag ng hari ng water kingdom.
"Tama si haring xylas, haring Lucas."
sang-ayon ni Winston ng air kingdom.
"Kung ganon, ako nalang ang pupunta doon at kayo na muna ang bahala dito habang wala ako dito sa ating mundo."suhesyon ng fire king.
"Hindi haring Lucas mas kailagan ka rito ako nalang, Kung pahihintulutan ninyo ako na, ako na lang ang pupunta sa mortal world para hanapin ang babaeng tagapag ligtas natin ay siyang gagawin ko agad mga kapwa Kong maharlika?"
sagot naman ni haring nightus ng earth kingdom.
" sige Kung yan ang gusto mo haring nightus, basta't mag iingat ka lang na walang makakaalam sa pagpunta mo roon at walang susunod sayo para narin sa kaligtasan ng bagong goddess." payo ng fire king. sumang ayon naman Ang lahat sa naging desisyon nang hari NG earth king.
" salamat sa pagsang-ayon ninyong lahat, bukas na bukas ay gagayag na ako patungo sa mortal world."
"Kung ganon ibinibigay namin sayo Ang aming buong tiwala na mahahanap mo ang babaeng sinasabi sa propesiya, at ibinibigay rin namin sayo ang aming basbas sa pagpunta doon. hanggad rin namin ang iyong kaligtasan. sa pagpunta at sa pagbabalik kasama ang tagapagligtas."
kinaumagahan ay naghahanda na ang hari ng maga earth kingdom upang magtungo sa mortal world,
" nightus Mahal ko mag-iingat ka sa pag punta doon dahil hindi natin sila kauri delikado kapag nalaman nilang may kakaiba kang kapangyarihan." pahayag nang asawang reyna sa nag aalalang tono.
"oo aking mahal na reyna, makakaasa kang lagi akong mag-iingat lalo na kapag kailangan kong gamitin ang aking power." sagot naman nito sa asawa at hinalikan sa kanyang labi.
"kayo dapat ang mag iingat dito lalo na ngayon mawawala ako rito nang pansamantala."
"wag Kang mag alala aking hari lagi rin kaming mag-iingat rito ng ating maga anak asahan mong ligtas kaming lahat hanggang sa iyong pagbabalik dito sa atin."
"Kung ganon asahan ko yan. paano kailangan ko nang umalis para ituloy na ang aking paglagbay patungo sa ibang mundo." yun lang ang sinabi nito at umalis na.
pagkarating niya sa mortal world hindi naman siya masyadong nahirapan dahil may kapareho naman sa mundo nila ang ibang mga bagay na nandito, ang magkaiba lang sa mundo nila walang sasakyan dahil Kaya naman nilang mag teleport Kung saan nila gustong pumunta. at may maga kakaibang palasyo sila. dito sa mundo ng mortal walang ganon.
"teka paano ba ako makakaroon nang tirahan dito, ito palang ang unang beses kong makarating dito sa mortal world, Hindi ko pa alam kung paano magkakaroon nang tirahan." tanong nya sa kanyang isipan at napaisip niyang gamitin ang kanyang power para kausapin ang kalikasan tutal Isa lang iyon sa kanyang kapangyarihan dahil siya ang hari ng earth kingdom.
"Mahal Kong kalikasan ako ito si nightus ang hari nang earth kingdom sa mundo nang magicalight world. maari nyo ba akong tulungan sa problema ko ngayon dito sa mundo ninyo."
" magandang araw sayo haring nightus, ano po ba ang maipag lilingkod naming taga rito sa mortal world? ano po ba ang inyong problema?" tanong ng halaman sa kanya.
" kailangan ko kasi nang masisilungan pero Hindi ko Alam kung paano magkaroon ng tirahan." sagot nito sa halaman.
" ganon po ba? Kung gusto nyong makaroon ng tirahan ay kailangan ninyo ng pera upang may pambayad po kayo sa may ari nang bahay. Kung may dala ka pong ginto dyan ay pwede niyo yan ibenta para magkaroon ng pera." salaysay nang halaman, at tumango naman ang hari sa sinabi nang halaman sa kanya at tumalikod na upang umalis pagkatapos niyang humingi nang pasasalamat.