Lhira POV Pagkalabas namin ni Thea ay kaagad kaming tumakbo. “Bilisan niyo! Malalagot tayo kay boss!” Sigaw nila. Halos wala kaming makita ni Thea sa dilim. Kundi ang liwanag ng buwan. “Lhira natatakot ako. Masyadong madilim sa pakigod baka matuklaw tayo ng ahas!” Hinihingal na sigaw ni Thea. “Wag kang maingay, malalaman nila kung san tayo kapag hindi ka tumahimik.” Wika ko sa kanya. Bukod na nakakatakot na kakahuyan ay rinig ko din ang mga humahabol sa amin. PAti na rin ang mga aso. Sigurado akong kayang-kaya nila kaming matunton gamit ang mga asong yun. Kailangang mas bilisan pa namin ang pagkatakbo. Ngunit hindi pa kami gaanong nakakalayo ay may narinig na akong tunog ng motorsiklo. “Tumigil kayo!” “Ahhh!” Sabay kaming napatakip sa tenga ni Thea dahil sa narinig naming putok ng

