Lhira POV Ilang araw na kaming hindi makatulog ng maayos ni Thea. Pinayagan kaming lumabas ng kwarto pero hangang garden lang kami pwede. Maraming nakapalibot na tauhan sa paligid ng kanilang bahay. Tama nga ako nasa rest house kami nang pamilya ni Paolo. Bukod sa mapupunong paligid ng buong bahay ay hindi ko rin alam kung nasaan kamingl lugar pero sabi ni Thea sa akin ay nasa Luzon parin kami. Akala ko kasi nasa dulo na kami ng pilipinas dinala. Ilang beses na rin akong nag-iisip pero hindi ko alam kung paano pa rin kami makakatakas ni Thea. Dalawa lang ang labasan ng rest house at lagpas tao ang taas ng pader. Bukod doon napakadami ding bantay sa labas palang ay lagpas trenta katao ang nakikita ko sa loob naman ay lagpas sampo. Mas maunti pa nga daw ito dahil isinama daw ni Papa an

