Miguel POV Pagkatapos kong makaalis sa lugar kong saan naganap ang pagsabog ay tumuloy muna ako sa mumurahing hotel upang makapagpahinga. Dahil kinabukasan ng gabi ang plano kong ganti sa isa pang pulis na nagpahirap sa akin. Mabuti na lamang at maydala akong pera. Umukupa ako ng pangdalawahang kwarto. Kahit maliit lang ang motel ay may aircon naman ang kwarto kaya komportable akong nahiga matapos kong maglinis ng katawan. Bente kwatro oras ang ilalagi ko dito at bukas ng gabi ang plano ko kaya kailangan ko ng mahabang oras para manatili dito at makapagpahinga. Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Nag-order ako ng pagkain sa mismong restaurant ng hotel. Pagkatapos kong kumain ay ginamot ko naman ang mga malalim na sugat ko dahil sa nangyari kagabi. Pagkatapos ay nagpahinga akong

