Miguel POV Ilang araw na din ang nakalipas mula nang itakas nila ako sa papuntang city jail. Kung nagkataon na hindi sila nagtagumpay sigurado ako na mas mahihirapan na akong makalaya mula doon. Naghilom na rin ang ibang mga sugat na tinamo ko sa pagpapahirap sa akin. Pero kailanman ay hindi mawawala ang galit na nararamdaman ko kay Lucio. Kumikilos na rin si Anton upang tulungan ako at mangalap ng matibay na ebedensya para sa kasong isasampa namin kay Lucio. Kinagabihan ay inihanda ko ang aking sarili para sa palnong pagbaba ko ng bundok. Ngayon na ang araw para pagbayarin ko ang mga taong nanakit sa akin. Naabutan ako ni Lucas nainihahanda ang dadalhin kong baril. Kanina pa kasi umalis si Anton. Kasama niya ang iilan na mga tauhan. “Saan ka pupunta?” Kunot noong tanong sa akin ni Luc

