Nagulat kami sa sinabi ni Thea. Parang kailan lang mula noong magkakilala kami yun pala matagal na siyang kilala ni Anton. Sa tingin ko naman ay masaya silang dalawa. Yun ang mahalaga, lahat ng mga nangyari ay mananatili na lamang isang alaala. At kailangan din tayong mabuhay para sa hinaharap. Wala naman kasing makapagsasabi kung ano ang mangyayari bukas o sa isang araw. Kaya enjoyin na lamang ang lahat ng araw na kasama ang minamahal. Abala ako sa pagtitiklop ng mga pinamili namin kahapon na damit ni Miguel. Kulay pink at blue na mga pares ang binili namin. Bumili din kami ng dalawang crib at inilagay yun sa bakanteng kwarto na nasa tabi lang namin. Mas excited pa nga ata siya sa pamimili dahil lahat ng makita niya dinadampot niya at inilalagay sa cart. Ako naman ang taga balik kapag hi

