Mabilis na lumipas ang siyam na buwan. Kabuwanan ko na at nahirapan na din akong kumilos dahil malikot na ang kambal sa tiyan ko. Ngunit sa kasamaang palad ay kailangan kong mag-undergo ng cesarean dahil wala daw sa ayos ang baby. No choice kami ni Miguel nagpa-schedule kaagad kami sa doctor. “Wag kang matakot Hon, hindi kita iiwan sa operating room.” Wika ni Miguel. Nakahiga ako sa wheelchair at nag-aantay na lamang sa oras na schedule sa amin. Kahit kasama ko si Miguel ay hindi ko pa rin maiwasan ang mangamba sa kalagayan ng mga anak ko. Alam kong kinakabahan din si Miguel. Ngunit pinapakita niya sa akin na okay lang ang lahat at hindi niya ako iiwan. Kanina kinuhanan nila ako ng allergy test at okay naman ang naging resulta. Dapat kasi hindi ko na pinanuod yung cesarean delivery par

