Tatlong buwan na ang kambal. Niyaya ako ni Miguel upang pumunta sa libingan. Dadalawin daw namin ang Papa ni Miguel pati ang kapatid niya para ipakilala ang kambal. Sumama na din si Ate Lisa, Mia at pati na rin si Lucas. Ilang oras lang ay nasa puntod na kami. Halos magkasunod lang kami na dumating nila Ate Lisa. “Pa… Kuya… kung nasaan man kayo ngayon sana masaya na kayo. Sana bantayan niyo kami pati na rin ang kambal at lumaki silang mabuting bata may takot sa diyos at masunurin sa magulang. Pasensya na kung ngayon lang kami nakadalaw. Hindi pa kasi ako handa….. Hindi pa ako handang magpatawad…Pero tinuruan ako ni Lhira. Tinuruan ako ng mga anak namin na bigyan ko ang aking sarili upang makawala sa nararamdaman kong sakit dahil sa pagkawala niyo…I know yun din ang gusto niyo for me and

