Third person POV Bababa na sana si Miguelito sa kanyang kotse nang matanaw niya sa pupuntahan niyang flowershop ang magandang babae na ngayon pa lamang niya nakita. Nakangiti ito habang nag-aayos ng bouquet na sa tingin niya ay order ng lalaking nasa harapan niya. Nakangiti din itong nakikipag-usap sa customer niya. Kahit hindi niya naririnig ang mga sinasabi nito ay para na rin niyang naririnig yun dahil sa marahan na pagalaw ng kanyang labi. Napapalibutan siya ng magagandang bulaklak kaya mas nagmumukha siyang dyosa sa paningin ni Miguel. Mahaba ang lagpas balikat niyang buhok. Kakulay din nito ang itim niyang kilay, ang makapal na double eyelid na nagbibigay ng emphasize sa bilugan nitong mga mata at sa kulay rosas na hugis pusong labi na napapalooban ng maputi at pantay na mga ngipin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


