Chapter 76

1286 Words

After seven years…… Masamang balita ang gumising sa amin ni Miguel matapos naming matangap ang tawag mula kay Mama. Wala na daw si Papa dahil inatake daw ito sa kulungan. Walang tigil ang pagpatak ng aking luha. Isang linggo pa lang ang nakalipas nang huli kaming magkita. Ni hindi ko man lang siya nakausap muli. Mahigpit ang hawak sa kamay ko ni Miguel habang binabaybay namin ang daan patungo sa hospital. Karga ko pa si Althea, ang bunso namin ni Miguel na tatlong taong gulang na habang nasa likuran naman ang aming mga anak na sina Riya at Miguelito na umiiyak na rin gaya ko. Pagkarating namin sa hospital ay bumungad sa amin si Mama. Nasa harapan na kami ng morgue at wala akong lakas ng loob upang pumasok doon para makita si Papa. Tanging ang mga bata lamang ang pumasok kasama si Miguel

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD