“Sister-in-Law! Grabe naman, ba’t may coffee delivery na rin ngayon?” biro ni James habang inaabot ang isang tasa ng kape. “Para sa inyo 'yan! I thought you might need some energy for today’s practice,” sagot ni Monique habang iniaabot ang bawat tasa ng kape. Hindi pa man tapos magpasalamat ang mga players, bumaling na siya kay Julian na kasalukuyang nakaupo sa isang sulok, abala sa pag-check ng mga stats ng team. Naglakad siya papunta kay Julian, bitbit ang isang tasa ng kape at isang cinnamon roll na nakalagay sa maliit na platito. Hindi siya tumigil sa pagtitig sa kanya, kahit na halata naman ang kawalan ng interes ng lalaki. “Julian,” simula niya, inilapag ang kape at cinnamon roll sa mesa nito. “I brought you coffee and a little snack. Alam kong hindi ka kumakain ng sweets, pero ba

