THIRD PERSON POINT OF VIEW Matapos ang ilang linggong pagsasanay at tournaments, naging mas regular ang presence ni Monique sa CK Club. Hindi siya nakikihalubilo sa mga players ng sobra, ngunit palagi siyang naroroon bilang tagasuporta, at palaging nakangiti sa bawat laro. Walang araw na hindi siya naroroon, at hindi niya alam kung anong dahilan kung bakit ganito siya kabilis nakapag-adjust sa environment ng club. Sa kabila ng kanyang pagiging palatawa at magaan na personalidad, may mga pagkakataong napapansin niyang si Julian ay naging kakaiba sa kanya—mas malambing, mas magaan. Minsan, habang nagmamasid siya sa training, nakikita niyang ang grumpiness ni Julian ay tila naaalis kapag siya lang ang kasama nito. Mas seryoso siya at mahigpit sa mga players, pero kapag siya na lang ang nar

