THIRD PERSON POINT OF VIEW Habang abala ang lahat ng players sa CK Club sa kanilang practice, si Julian ay nakatayo sa likod ng isang malaking pader sa labas ng gym. Lihim niyang pinagmamasdan si Monique na nagsisilbing tagasuporta ng team. Nakangiti ito habang binibigyan ng support ang bawat isa sa kanyang mga teammates. Tila ba hindi na maaalis ang ngiti sa labi ni Monique habang ang mga players ay nagsasanay. Sa kabila ng kanyang pagiging grumpy at seryoso sa trabaho, si Julian ay nagsimula nang maramdaman ang hindi maiwasang pag-aalala na may iba pa palang ibig sabihin ang mga simpleng bagay na ginagawa ni Monique. Hindi na siya makapaghintay na makausap si Lucas. Hindi pa siya ganap na makapaniwala sa nararamdaman niya, pero gusto niyang malaman kung paano siya magpapakita ng pasas

