THIRD PERSON P.O.V Nasa training room si Julian, nakatayo sa harap ng isang malaking whiteboard, habang binabalikan ang mga plays ng kanyang team. Tinutok niya ang mga mata sa mga drawing, hindi na alintana ang mga mata ng kanyang mga players na nakakabit sa kanya. Ngunit kahit gaano siya ka-focus, may hindi maiwasang nararamdaman. At ang hindi maiwasang nararamdaman niya, ay ang mga titig ng kanyang mga players—lahat sila ay may isang bagay na hindi nila kayang itago. Isang bagay na hindi pa niya matanggap. "Boss," sabi ni Lucas, ang temporary captain ng team, habang nakaupo sa isang sulok. "Parang may nabanggit ka ba na may special na kape si Monique na ginawa para sa 'yo?" Hindi nakatingin si Julian sa kanya, pero alam niyang may pabalik-balik na tingin ang lahat sa kanya. Tinutok ni

