JULIAN P.O.V Panibagong araw. Nasa isang maliit na café ako nang mag-isa, hawak ang cellphone ko at nagche-check ng mga updates tungkol sa CK Club. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, ngunit napag-isip-isip ko si Monique. Si Monique na lagi nalang nandiyan sa paligid ko, umaalalay sa club at nagpapakita ng hindi matitinag na suporta sa lahat. Hindi ko alam kung bakit, pero sa mga oras na ito, naiisip ko siya. Hindi ko talaga matanggihan na naiibang klaseng babae siya. Hindi lang siya basta-basta nakakatuwa o charming, kundi mayroong matinding determinasyon at katalinuhan. Ang mga bagay na hindi ko noon nakikita ay nagsimulang lumabas ngayon sa mga simpleng bagay na ginagawa niya. Habang binabalikan ko ang mga nakaraang linggo, naalala ko ang unang pagkakataon na ipinakita ni Mo

