LAUREN'S POVS MAAGANG umalis si Fizz kasama si Mako at ang bruhildo niyang ex-boyfriend na si Chris. Hinatid ko sila hanggang local airport at buong oras na kasama ko sila ay hindi ko kinibo si Chris at mukhang mas bet niya iyon dahil wala din siyang balak kibuin ako. Matapos ko silang maihatid ay dumiretso ako sa bahay namin para kamustahin si mama. Nakakaupo na't may lakas na muli si mama kahit papaano pero hindi pa muna siya pinapakilos ni Eyli sa bahay. "Ma, makinig ka kay Eyli ha, wag ng matigas ang ulo," kumento ko habang hinahaplos ang buhok ni mama. Marahang ngumuso si mama. "Ako pa din naman ang ina dito, ayokong ibigay ang responsibilidad kay Eyli." "Ma, hindi ko din naman kukunin sayo no, tinutulungan lang kita," singit ni Eyli na nagpupunas ng lamesang pinagkainan namin. N

