Chapter 99

2061 Words

LAUREN'S POVS LUNES NA NGAYON at nasa loob na ako ng classroom katabi si Celes na inaayos ang kanyang mukha. Kahapon ay nakita ko na ang lugar na pagdadausan ng anniversary nila ni Kide, isa iyong rental house malapit lang dito sa school, hindi ko talaga inaasahang may ganoong gagawin si Celes. "Bakla, samahan mo kami mamili mamaya ng pang decor, ok?" sabi niya, bahagyang kumunot ang noo ko. Kami? SInong pang kasama namin? "Kami? Sinong kami?" Pagtataka ko. Tumingin siya sa akin matapos maibaba ang maliit na salaming hawak hawak niya kanina. "Me and Crisehl," sagot niya. Napatango na lang ako. Nakalimutan ko na iyong babaeng iyon dahil medyo matagal ko na itong di nakikita, di ko din naman kasi ito ganun kakilala. "I see, ok. Nagpaalam ka na ba kay Kide na may pupuntahan tayo mamaya?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD