LAUREN'S POVS "Kailan ka makakabalik?" Mahina kong tanong kay Fizz matapos tumawag sa akin at sabihing hindi siya makakauwi this week dahil nagkaroon ng emergency doon sa kanila. [Hindi ko din alam, love. Hindi naman kasi namin inaasahang mangyayari to,] ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Napabuntong hininga ako. Wala namang may gusto ng nangyari kaya hindi ako magrereklamo kung hindi siya makakauwi. "Mag-ingat ka na lang dyan, sana gumaling na si tito," sabi ko. [I will, ingat ka din dyan, love. I love you,] tugon muli niya. "I love you too, update update na lang," sagot ko saka ko pinatay ang tawag. Tumawag si Fizz matapos isugod ang papa niya sa ospital dahil bigla itong nahimatay. Base kay Fizz, matagal ng may sakit ang papa niya at natrigger daw ito matapos nila magkaroon ng

