LAUREN'S POVS IT'S BEEN A WEEK simula nung nagkaayos kami ni Fizz. nakakatuwa na talaga bumabawi siya sa akin. Lagi niya akong sinusundo sa school at pagkatapos ay magdedate kami. Nakakatuwa ang mga effort niya. "Tama ba yung nakikita ko?" Napatingin ako kay Celes. Nakatingin siya sa gilid namin habang kunot ang kanyang noo. Tinignan ko ang tinitignan niya at nakita ko si Veronica na tila may iniintay. "Si Veronica. Anong meron?" Pagtataka ko. "Di mo ba alam na wala ngayon ang kambal? Kaya nga niyaya kitang magmall dahil wala nga sila. Nasa probinsya sila dahil may inutos iyong lola nila," kwento niya. Bahagyang kumunot ang noo ko. Ano ngayon? Bawal na ba magmall pag may jowa? "Baka iniintay niya mga kaibigan niya. Issue ka masyado baks," tatawa tawa kong kumento. "Lapitan natin siya,

