JADE'S POVS Napakamot ako ng batok ko matapos tumawag ni tita. Ngayon ang araw ng pahinga ko at ng balak na paglipat ni Veronica pero dahil pinapapunta kami ni tita sa probinsya ngayon dahil may pinapaasikaso si lola Judith, hindi muna lilipat ngayon si Veronica. "Ano ba kasi iyong gagawin natin doon?" Bored na tanong ko habang nakaupo sa upuan katabi ng bintana. Nakasakay kami ni Kide sa isang aircondition na bus. "To be honest, hindi ko din talaga alam pero may hula akong tungkol ito sa business," sagot ni Kide. Napabuntong hininga ako. Wala akong balak pumasok sa business ni lola about fabric, wala akong alam doon at ok naman ako sa trabaho ko kaya sana wag naman sana about sa business niya ang pagpunta namin doon. Buong byahe akong natahimik at nakatingin lang sa labas. Ayokong taw

