Chapter 3

1302 Words
LAUREN'S POVS Magdidilim na pero dahil sa mga ilaw na nasa hardin katapat ko, napakaliwanag pa rin ng paligid. "Meron ba akong dumi sa mukha kanina?" Napatingin ako sa biglang tumabi sa akin. "Sir Fizz," tugon ko. "Ano pong dumi sinasabi ninyo?" "Nakita kita kanina, nakatitig ka sa akin," paliwanag niya habang nakangiti't nakatingin sa akin. Bakla ka daw kasi. "A-ah, wala po iyon." Napaiwas ako ng tingin. Nakakahiya. "Stop blushing, naa-attract ako," may himig pagbibirong sabi niya. Ako nagbla-blush? Nahiya lang ako. "S-sorry po." Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa bench na inuupuan ko pero hinawakan niya ako. "You looks familiar. In any chance, kapatid mo ba si Eyli?" Kunot noo akong napatitig sa kanya. Paano niya nakilala ang kapatid ko? "Bakit mo kakilala ang kapatid ko?" Bigla siyang ngumisi. "She's my girlfriend." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "What? Hindi ikaw yung boyfriend niya, kilala ko ang boyfriend niya," tugon ko sa kanya. "I'm just kidding, kaibigan ko siya," tatawa tawa niyang sagot. "Hindi magandang biro yan." Muli akong umupo sa bench katabi niya. "Paano kayo nagkakilala? Ang layo ng Batangas sa Manila-- I mean, medyo malayo." "Sa Manila ako nagi-stay, nagkakilala kami sa mall nung naligaw ako, saka di ka ba nagtataka na sa dami ng school sa Maynila, school ninyo ang napili ng company ni Dad. I'm the one who chose your school-- o sabihin na nating si Eyli ang pumili," tumango tango ako. So kaibigan pala talaga siya ni Eyli. "Do you like her?" Bigla siyang natawa. "Yung madaldal mong kapatid? Of course not," napakamot siya ng batok. "Pero attractive siya." CELES' POVS "Baby, iniintay na tayo ni Lauren sa labas," sabi ko sa lalaking nagpupunas ng katawan. Nasa kwarto nila ako ngayon, sinundo ko ito dahil sabay sabay kaming kakain sa may labas. Tapos na ang tour namin ngayong araw sa kumpanya. Magaganda ang opisina nila't napakalinis. Bukas, sa gawaan naman kami ng sasakyan na nasa loob lang din ng kumpanya nila kami magpupunta. "Ito na," saka siya nagmadaling sa pagbibihis. Nagswimming kasi sila ng mga kaibigan niya matapos ang tour, kami naman ni Lauren, nag gala lang sa hotel. "Saan mo iniwan si Lauren?" "Dun sa bench malapit sa mini garden," sabi ko saka siya sakin umakbay at luminga linga. "Di yun aalis, wag ka na luminga linga." "Baka lang kasi nainip," sagot niya. "Omg!" Napahinto ako sa paglalakad ko kaya napahinto rin si Kide. Nagtataka siyang napatingin sa akin. "Nakikita mo ba ang nakikita ko?" Tanong ko saka bahagyang nginuso sila Lauren. "Oo, nagtatawanan sila," tinignan ko ng masama si Kide. "What? Nagtatawanan lang naman sila" "Asawa yan ng kakambal mo Kyledge. Alalahanin mo naman yung kakambal mong seloso." Hinampas ko siya sa braso. "Baby, wala naman kasi silang ginagawang masama," paliwanag niya. "Hindi naman lolokohin ng kaibigan mo ang kapatid ko." well, sabagay. -- Pero bakla yan eh! I mean si Fizz! Naamoy ko! Bakla siya! "Mukhang close na kayo ah." Bati ko sa mga ito matapos makalapit. "Guys, ang tagal nyo. By the way, si sir Fizz, kaibigan ni Eyli," nakangiting tugon ni Lauren. "Kaibigan ni Eyli," pag-uulit ko sa sarkastikong tono. Marahan akong binunggo ni Kide na tila sinasabing ayusin ko ang tono ko. "Hi." Plastik akong ngumiti. Ang init ng dugo ko sa Fizz na to. Masyadong pa-men. Kloseta naman. "Hi." Bati niya sa akin habang nakangiti. "Pwede ko na bang kunin si Lauren? Kakain na kasi kami." Sinadya kong diinan ang salitang kami para ipaalam na wala akong balak na yayain siya. "Sure. Pano? See you next time." Pinat niya sa ulo si Lauren saka umalis. Umupo ako sa bench saka kinurot si Lauren sa tagiliran. "Aray. Oy baks, ano ba." Hinipo niya ang tagiliran niyang kinurot ko. "Ang landi landi," kumento ko. "Kaibigan ng kapatid mo, pero wagas ka makipagtawanan. Ano pagfriend ng utol mo, friend mo din?" "Hoy, hindi naman no. Nagkatuwaan lang kami, ang dami kasi niyang kwento tungkol kay Eyli," paliwanag niya. "Kahit na!" inismidan ko siya. "Tara na, kakain na tayo." "Ang sungit ng syota ko." Tatawa tawang kumento ni Kide. "Shut up nga, isa ka pa eh. Gigil mo rin ako." Inambahan ko siya ng hampas. Nang matapos kaming kumain, bumalik na kami sa kanya kanya naming kwarto. Apat na istudyante kada isang kwarto at sa kasamaang palad, hindi namin kasama ni Lauren si Kide. "Kamusta na kaya yung asawa ko? Namimiss ko na siya." Napatingin ako kay Lauren. Magkatabi kami sa kama ni Lauren dahil dalawa lang naman ang kama. "Oa mo baks, wala pang 24 hours simula nung naghiwalay kayo kaninang umaga, miss mo na agad?" Umiling iling ako. "Wag ka nga, baka masakal asawa mo sayo eh." "Grabe, namimiss lang, sakal agad? Di ba pwede, mahal ko lang kasi kaya ang bilis kong mamiss," pagtatama niya. "Whatever," saka ako tumalikod at pumikit. "Bukas mo pa siya matatawagan kaya matulog ka na rin." "Kainis kasi, bakit kasi bawal ang cellphone eh," maktol niya bago humiga ng maayos. Pinagbawalan kami ng mga prof. na gumamit ng cellphone kaya kinuha muna nila ang mga iyon at bukas bago umuwi lang namin pwedeng makuha. Kinaumagahan, hihikab hikab akong tumayo sa harap ng elevator. Bababa ako para kumain. "Grabe, ang gwapo talaga ni Kide Sebastian." Napatingin ako sa nagtsitsimisahan na papalapit sa pwesto ko. "Kinilig nga ako nung niyakap niya ako eh," kumunot ang noo ko sa sinabi ng babae. Aba't panira to ng araw ah! "Sana mamaya ulit." Pinagdikit niya ang mga palad niya na tila nagdadasal. Asa ka pa na papayag ako. "Excuse me, bakit ka niyakap ni Kide?" Tanong ko ng makalapit sila sa pwesto ko. "Naglaro kasi kami kagabi ng truth or dare. Natalo kami parehas at ang punishment, yakap," kilig na kilig siya habang nagkwekwento. "Marami pa nga iyon eh, may nakayakap pa siya iba, shake hands tapos nagkiss pa sila ni Jenny ng section 3." "Ganun pala." Plastik ko siyang nginitian. Dumating na ang elevator kaya sumakay na kami. Tuloy tuloy lang ang kwentuhan nila ng nangyari sa laro nila habang gigil na gigil na ako sa gilid. Konti na lang iuumpog ko na sila sa elevator. "Umagang umaga nakabusangot ka," kumento ni Lauren na kumakain na. Nauna siya sa akin bumaba kanina. "Kasi naman baks, ang fafa Kyledge ko nakipagharutan kagabi. Pinatulog niya ako ng maaga tapos siya aawra? So unfair," nakanguso kong sabi. "Kaya pala usap usapan sila ni Jenny ng section 3." Padabog akong kumain ng inorder ko. Nagseselos ako! "Majojombag ko talaga siya," kumento ko habang tuloy tuloy ang subo. "Support kita pero pagpaliwanagin mo muna," suhestyon niya. Bumuntong hininga ako't tumingin sa kanya. "Pano pag sinabi niya, babae na ang gusto niya?" Pag-aalala ko. "Baks, imposible yan. Mahal ka nun," tinapik tapik niya ako sa balikat. Ang sarap hampasin ni Lauren! Supporting role lang ako dito sa kwento pero mas may problema ako?! Bakit ganun! Muli na kaming nag-tour sa kumpanya. Nakinig lang ako sa sinasabi ng lecturer habang nakikipagdaldalan si Lauren kay Fizz. Iba talaga ang feeling ko sa lalaking to. "Baby, kamusta ang tulo--." Di ko na siya pinatapos. "Busy ako Kide," tugon ko. Galit ako, makaramdam ka. "Ok, talk to you later." Napabuntong hininga ako ng bumalik siya sa mga kaibigan niya. "Baks, bakit ganun yun? Dati naman nilalambing ka nun pag nagsusungit ka ah," biglang sulpot ni Lauren. "Ewan," tugon ko na lang. "Sabi mo kasi busy ka eh, aalis talaga yun," kumento ni Fizz. "Feeling close?" sabi ko habang nakataas ang isang kilay ko. I don't care kung ang pamilya niya ang sponsor namin, di kami magkaibigan kaya wag syang epal! "Bawal ba?" Bigla akong ngumisi't lumapit sa kanya. Tumingkayad ako't tumitig sa mata niya. "You're a gay," pabulong kong sabi na alam kong kaming dalawa lang nakarinig. "I am," tugon niya ng di manlang pinuputol ang pakikipagtitigan sa akin. "Wag ang kaibigan ko," sabi ko pa na ikinangiti niya. "Wag kang mag--." Di na niya natuloy ang sasabihin niya ng bigla siyang sinuntok ni Kide. "What do you think you're doing?!" Sabay naming sabi sa isa't isa. "What's happening?" Responde ng mga prof. namin. "Nothing," tugon ni Fizz. Napailing ako't tinulungan siyang tumayo. "I'm sorry," mahina kong sabi saka tumingin kay Kide na nanlilisik pa rin ang mata. Kide, bakit ka ganyan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD