Chapter 4

1381 Words
LAUREN'S POVS "Masakit?" Tanong ko habang dinadampi ko ang bulak na may betadine sa pasa niya sa bandang labi kung saan tumama ang kamao ni Kide. "Ikaw kaya masapak," sarkastiko niyang tugon habang patuloy na ngumingiwi sa sakit. "Partida, bading yun." Tatawa tawa kong kumento habang patuloy siyang ginagamot. "Lalaki pa rin siya Lauren. Lalaki." Biglang sumeryoso ang tono niya. "Katulad ko, bading ako pero lalaki pa rin ako." What? B-bading siya? Tama si Celes?! "For real? Bading ka? Di ko nahalatang badin k--." Bigla niyang tinakpan ang bibig ko ng mapalakas ang boses ko. Hinawakan ko ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko para sana alisin. "Ang ingay mo! Pag inalis ko yung kamay ko tumahimik ka na, ok?" Tumango tango ako. Inalis niya ang kamay niya't umayos na ng upo. "Di ko talaga nahalatang bading ka," kumento ko sa mahinang boses. "Nahalata nga ng kaibigan mo. Saka sa inyo nga ako lumapit, diba? Kasi alam kong katulad ko kayo," tatawa tawa niyang sabi "So pag nagjowa ka, ano ka? Lalaki o babae?" Tanong ko. "Lalaki. Ayoko nga maging bottom, masyadong malaswa." Bigla ko siyang hinampas dahil sa sinabi niya. "Mabigat kamay mo." "Bottom ako, nakakabastos ka." Tumawa siya ng may kalakasan. "Alam ko, halata naman no. May top ka na ba? Kung wala pa, pwede ako." Kunot ang noo ko't napalayo sa kanya. "May asawa na ako." Pinakita ko sa kanya ang wedding ring sa aking kaliwang kamay; sa aking palasingsingan patunay ng aking sinasabi. Nagkibit balikat lang siya hanggang sa pumasok na muli si Celes sa clinic ng hotel kung saan ko ginagamot si Fizz. "Ano baks, ok na ba kayo?" Tanong ko pero kaysa sagutin ako ay bigla niya akong niyakap. "Break na kami" nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Basag ang boses niya't bahagyang humihikbi. "What? Bakit naman?" hinagod hagod ko ang likod niya. Umiling siya saka bahagyang lumayo sa akin. "Galit siya kasi sabi niya lumalandi daw ako kaya sinabi ko sa kanya na siya yun. Na nagkiss nga sila ni Jenny, tapos, tapos--." Humagulgol ng iyak si Celes saka ako muling niyakap. Bigla akong natakot, kamusta na kaya si Joshua? JADE'S POVS "Sir Jade, sorry talaga sa nagawa ko kahapon." Inabot niya sa akin ang isang kahon na kung hindi ako nagkakamali ay may lamang cake. "Ok lang, naiintindihan ko naman," sabi ko saka muling bumalik sa pwesto ko para muling makapagtrabaho. Malalagot ako nito kay Lauren pag nalaman niyang may humalik sa akin. Iniling iling ko ang ulo ko at muling nagfocus sa computer na nasa harapan ko. Naiintindihan ko naman kung bakit niya iyon ginawa, nasa harapan namin ang ex niyang niloko siya't gusto niyang ipakitang nakamove on na siya. "Jade, ok ka lang?" Napatingin ako kay Raquel na mukhang kakapasok lang ng IT department. May hawak siyang mga bond papers. "Ok lang ako," tugon ko saka tumingin sa hawak niya. "Here. Pakicheck sa system. Nagloloko na naman yung client eh," may pagkairitang sabi niya saka sakin inabot ang dala dala niyang mga bond papers. "O'sya, aalis na ako." Itinuon ko na ulit ang atensyon ko sa trabaho para maialis ang mga agam agam sa isip ko. Mamaya na ang dating ni Lauren. Kailangan kong ayusin ang sarili ko, ayokong madulas sa kanya tungkol sa nangyari. Ayokong masaktan siya. "Sir Jade, ok na po ba talaga tayo?" bumuntong hininga ako sa muling tanong ni Jackie matapos ang shift namin. "We're good Jackie, don't stress yourself. Kalimutan na lang natin iyon pareho." Inayos ko na ang mga gamit ko't tumayo na para makaalis ng harangan niya ako. Muli niyang inabot sa akin ang cake na tinanggihan ko na kanina. "Di na kailangan, sa inyo na iyang cake." "Sir, sa iyo talaga yan. Tanggapin nyo na po, please." Napabuntong hininga ako sa pamimilit niya kaya wala man sa loob ko ay tinanggap ko na lang ang binibigay niya sa akin. Mabilis akong umuwi sa bahay pagkatapos ng trabaho. Dala dala ang cake na binigay ni Jackie. Bumili na din ako ng mga sangkap sa pagluluto ng paburitong pagkain ni Lauren para surpresahin siya. "Welcome back, babe," bungad ko kay Lauren matapos makapasok ng pinto. Nakangiti niya akong nilapitan saka niyakap. "I'm home," pabulong niyang sabi habang nakayakap. "Nagluto ako ng paburito mo" aya ko sa kanya pagkahiwalay niya sa akin. Marahan ko siyang hinila palapit sa lamesa upang makita ang niluto ko. "Wow. Thank you, babe." Nakangiti niyang sabi saka excited na tumikhim ng adobong nakahain. "May cake pa talaga ang mister ko--." Napahinto siya sa sinasabi niya ng makita ang loob ng kahon na nakapatong din sa lamesa. Kunot noo akong lumapit sa kanya at tinignan ang cake na nasa loob ng kahon. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na may nakasulat pala sa cake at hindi ito maganda. Isang malaking 'Sorry for the kiss' ang nakasulat sa gitna nito at maliit niyang pangalan sa baba gamit ang pink na icing. Nag-aalala akong napatingin kay Lauren. Nakatitig pa rin siya sa cake habang blanko ang ekspresyon. "B-babe, ano kasi--," di ko na natapos ang sasabihin ko ng pumaharap siya sa akin. "Kain na tayo," tinapunan niya ako ng pekeng ngiti na lalong nagpaalala sa akin. "Babe, hindi ko talaga sinasadya." Niyakap ko siya mula sa gilid. "Nangyari na ang nangyari, hayaan na lang natin." Kumalas siya sa pagkakayakap sakin saka naupo sa hapag. "Salamat sa pagkain." Tahimik lang kaming kumain. Hindi ako makatingin sa kanya at dama kong ayaw niya rin akong kausapin. Fvck Jade! Kakarating niya lang tapos ganito agad! "Good night," sabi niya matapos maasikaso ang mga gamit at makahiga sa kama. Tumabi ako sa kanya't niyakap siya mula sa likod. "Mahal na mahal kita," bulong ko pero wala akong response na natanggap kaya lalo ko siyang niyakap. "I'm sorry." "It's fine, Joshua. Mahal pa rin kita," sagot niya saka sakin pumaharap. Napatitig ako sa mukha niya. Nakangiti siya pero lumuluha ang kanyang mata. "Ikaw lang yung mahal ko. Yung kiss? Wala lang yun, siya yung humalik, hindi ako." Paliwanag ko habang pinupunasan ang luha niya. "Alam ko. Nagselos lang ako, baka kasi iwan mo ako dahil nakakita ka na ng bago." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit ko naman gagawin yun? Ikaw lang mahal ko," tugon ko. "Shh, tahan na, hindi kita iiwan." Mahigpit niya akong niyakap habang nakasubsob ang mukha niya sa dibdib ko. "I love you, babe." Sabi niya. Hinaplos ko ang buhok niya't hinalkan siya sa ulo. "I love you too," saka ko siya niyakap. Buti na lang talaga at mahal ako ng asawa ko! Pahamak na cake yun. Kinabukasan, nagising ako ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto namin. "Babe?" Tawag ko kay Lauren ng mapansin kong wala na siya sa tabi ko. Bumangon ako sa kama't lumabas ng kwarto. "Celes? Ang aga aga, nandito ka na." "Babe, inaaliw niya lang ang sarili niya." Napatingin ako sa gawi ng kusina. Nakatayo si Lauren doon at nagpupunas ng kamay. "Inaaliw? Bakit di siya kay Kide magpaaliw?" May himig pagbibiro kong sabi. Parang may mali? Di yata maingay si Celes. "Hiwalay na sila babe." Agad akong napatitig kay Celes. Malaki ang eyebags niya't mugto ang mata. "Sorry," sabi ko na tinanguan lang niya. "Kwento mo sakin mamaya yung nangyari," bulong ko kay Lauren pagkalapit ko sa kanya. "Sige, kumain ka na't maligo, baka mahuli ka pa sa trabaho," tumango ako't mabilis na kumilos. "Wag kayo magpalate sa school ha? Yung bestfriend mo, alalayan mo, mukhang di pa kumakain," bilin ko kay Lauren saka ko siya hinalkan bago umalis. Eksakto pagkasakay ko ng elevator sa loob ng kumpanya, nakasabay ko si Jackie. "Good morning sir Jade" bati niya sa akin. "Good morning" bati ko rin ng may tipid na ngiti. "Nakain n'yo po ba iyong cake na bigay ko? Doon ko po yun binili sa bakeshop ng tita ko," nakangiti niyang sabi. Masarap kaso panira. "Yah. Thanks," tipid na sagot ko. "Pwede ko kayong dalhan palagi ng pastry ni tita," alok pa niya ng may ngiti sa labi. "No need, sinabi ko naman na sayo diba? Ok na tayo," nakangiti kong tugon saka bahagyang lumayo. "Alam ko po, gusto ko lang talaga kayo dalhan," napabuntong hininga ako. "Para mo naman akong nililigawan niyan, Jackie." May halong pagbibiro na sabi ko. Idadaan ko na lang sa biro kaysa mabadtrip ako sa kakulitan niya. "Parang ganun na nga sir. Kahit kasi saglit pa lang kitang nakikilala, gusto na kita." Naningkit ang mga mata ko sa siniwalat niya. Wtf! "Ako ba sir, di mo ba ako type?" "May asawa na ako, Jackie." Eksakto pagbukas ng pinto ng elevator lumabas na ako't mabilis na naglog in para makapasok na sa department ko. Hay. Ano ba itong nangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD