Chapter 5

1367 Words
JADE'S POVS Lumipas ang mga araw na hindi ko masyadong pinapansin si Jackie, kalimitan ko siyang tapunan ng tingin o kausapin man lang. "Pre. Anong meron, bakit parang may lovers quarrel kayo nung hawak mong OJT?" usisa ni Willie habang kumakain. Break time na namin at bukod sa kanya, wala na akong ibang kasabay katulad ng nakaugalian. "She likes me, so iniiwasan kong mapalapit lalo sa kanya. Ayokong umasa siya," honest kong paliwanag habang nakatuon ang atensyon sa kinakain ko. "Wow, ikaw na talaga ang Mr. Pogi," tatawa tawa niyang kumento. Nginisihan ko siya. Siraulo talaga to. "Pwede kaming sumalo?" Napatingin kami sa lumapit. Si Raquel kasama ang pinsan niyang si Raul na katrabaho din namin at kasama sa team ko. "Sige lang, upo kayo dito," alok ko saka bahagyang iniusog ang upuan para makaupo sila. "TL Jade, narinig ko dun sa mga OJT natin na di daw kayo in a good term ni Jackie ngayon, totoo ba?" Pagtataka ni Raul matapos nilang makaupo. "Hindi naman, we're good. Dumidistansya lang ako ng konti," depensa ko. "Nabihag niya kasi ang puso ng binibini," tatawa tawang kumento ni Willie. Napailing na lang ako. "Bakit ayaw mo kasi pagbigyan? Pre, binata ka pa naman." "Mahal ko yung asawa ko," di nakatinging sagot ko. Patuloy lang ako kumakain at umaasang tigilan na nila ang issue sa akin. "Live-in partner mo," pagtatama pa ni Willie. Napaismid na lang ako. "Hayaan n'yo na nga si Jade, kayo talaga," saway ni Raquel sa gilid ko. "Pero sana di to makaapekto sa trabaho." "Hindi naman siguro," sagot ko pero sa totoo lang, nag-aalala na ako dahil habang tumatagal, lalo siyang nagiging aggressive para sa atensyon ko. Ayokong magkasala sa asawa ko. Ayoko hangga't maaari. LAUREN'S POVS "Hoy bakla! Napadalaw ka" bati ni Celes sa kausap niya sa harapan ng pintuan nila. "Ang ingay mo" tugon ng kausap niya. Napakunot ang noo ko't bahagya silang sinilip. Wala naman ako kasing kilalang ibang kaclose ni Celes na dumadalaw dito sa bahay nila. "Sino yan, baks?" Tanong ko saka tuluyan ng lumapit sa pintuan ng bahay nila. "Fizz." "Hey," bati niya saka bahagyang kumaway. "Paano mo nalaman ang address ni Celes? Teka, kailan pa kayo naging close?" pagtataka ko habang palipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "f*******:, duh! Nagkakachat kami kaya ito, nandito siya," paliwanag niya. Tinapik tapik niya muna si Fizz bago siya naglakad pabalik sa salas. Sumunod na din kami ni Fizz sa kanya matapos kong maisara ang pintuan. Pag-upo namin, nagkwentuhan lang kami ng kung anu-anong bagay. Habang nagkwekwentuhan kami, di ko maiwasang mapatitig kay Celes. Tumatawa na siya't nakikipagbiruan na ulit na talagang nakakatuwa. Ang strong ng bessy ko, hindi na siya umiiyak. Ok na siya na wala na sila ni Kide. "Kayo? Kamusta kayo ng asawa mo?" Napatingin ako kay Fizz ng ibaling niya sa akin ang tanong. Tumayo naman si Celes saka pumunta sa kusina para kumuha ulit ng makakain. "Sweet pa rin kami as always," may pagyayabang kong sagot. "Sana all," tatawa tawa niyang kumento. "Pero if ever na kailangan mo ng substitute na top, sabihan mo ako." "Alam mo ikaw, napaghahalataan kita. Type mo ba ako?" Lalo siyang tumawa. "Ngayon mo lang pala nahalata. Sinabi ko naman sayo, diba? Attracted ako kay Eyli pero ayoko ng babae," sagot niya. Kaya niya ako gusto ay dahil kay Eyli? Dahil magkamukha kami. Medyo nakakabwisit yun ha. "Well, too late, mahal ko ang asawa ko," nagkibit balikat siya. "Hindi naman yan permanent," bigla ko siyang hinampas sa braso. Mahina lang naman iyon. "Masama ka, wag ka nga magsabi ng ganyan. Ayokong iwan niya ako," nakanguso kong sabi. "Sinasabi ko lang. Alam mo kasi, dumaan na rin ako sa ganyan, nagsama kami ng mahigit tatlong taon pero iniwan niya pa rin ako," kwento niya habang nakatingin sa kisame. "Sa edad kong 25 years old, hindi ko pa rin alam kung mali ba maging bading o mali lang ang pananaw ng tao sa atin." "Hindi mali maging bading, siguro mali lang iyong taong minahal mo noon-- o mali lang yung panahon para sa pagmahalan n'yo" bigla siyang tumingin sa akin saka ngumiti. "Tinamaan ka rin, no?" Kunot noo akong napatitig sa kanya. Pinagsasabi nito? "Yah, whatever," napatingin ako kay Celes na may dala dalang tray na may mga nakapatong na pagkain. So, si Celes pala ang ibig niyang sabihin. "Pero masaya akong ok ka na, di ka na ngumangawa di tulad nung nakaraan," kumento pa niya kay Celes. Maingat na ibinaba ni Celes ang dala dalang tray saka naupo sa pabilog na upuan katapat namin. Mukhang close na sila. "Mas masaya kung titigilan mo kakabuild up ng tungkol doon," tinaasan niya ng isang kilay si Fizz. "Oh, change topic," preno ko sa kanila dahil mukhang mauuwi sa bangayan ang pag-uusap nila. "Kailan tayo gagala?" "Magpaalam ka muna sa asawa mo bago ka magyaya," kumento ni Celes saka dumampot ng biscuit na nasa tray. "Oo nga pala," napakamot ako ng ulo. "Higpit naman ng jowa," tatawa tawang kumento ni Fizz. "Gahasain mo muna asawa mo saka ka magpaalam. For sure, papayag yun." "Napaghahalataang gawain. Ano, Fizz?" Nagtawanan kami sa sinabi ni Celes. Mukhang madadagdagan ang circle of friends ko. "Babe, how's work?" Bati ko kay Jade Joshua na pabagsak na umupo sa sofa pagkauwi galing sa trabaho. Nilapitan ko siya't pinagmasdan. "Ang sakit sa ulo ni Jackie." Kumunot ang noo ko sa sinagot niya. Huh? "I-I mean ng OJT namin." Bawi niya saka tumayo't yumakap sa akin. Marahan na lang akong napabuntong hininga't hindi pinansin ang sinabi niya. Sino ba iyang Jackie na yan! Una, hinalikan niya ang asawa ko, ngayon, prinoproblema siya ni Joshua! Ano bang relasyon nila? Buong gabi siyang tila pagod kaya pagkatapos namin kumain, dumiretso na siya sa kwarto upang matulog. Naghugas muna ako ng pinagkainan namin saka pumasok sa kwarto. Pahiga na ako ng kama ng biglang tumunog ang cellphone niya. 1 message received Saglit ko munang tinignan si Jade Joshua. Mahimbing na ang tulog niya kaya kinuha ko ang cellphone niya't tinignan ang text. From: Jackie Salamat sa paghatid. *hug&kisses* Muli ko ibinalik sa pagkakapatong sa side table ang cellphone ni Jade Joshua. Lumabas ako ng kwarto't doon umiyak sa salas. Kaya ba lately, hindi na niya ako nilalambing? Ako na lang madalas nagpe-first move. Tahimik lang akong umiyak hanggang sa bumigat ang talukap ko kaya humiga na ako sa sofa't doon na nakatulog. "Babe, bakit ka d'yan natulog?" Nagising ako ng tapikin ako ni Jade Joshua sa braso. "Umiyak ka ba kagabi?" Pansin niya sa namumugto kong mga mata. "A-ah, nanood kasi ako ng kdrama kagabi, sobrang nakakaiyak kaya nadala ako tapos dito na ako nakatulog," palusot ko saka siya binigyan ng pekeng ngiti. "Ganun ba, sige bangon ka na. Nagluto na ako dyan ng almusal, kumain na din ako. Maliligo na ako," saka siya pumasok sa cr. Pati ba naman sa pagkain ng sabay, ayaw mo na? Matamlay akong kumain ng almusal. Tulala ako habang sumusubo ng pagkain. "Hoy, ayusin mo pagkain mo. Ano bang nangyayari sayo?" Usisa ni Jade Joshua matapos makapaligo't makapagbihis. "Sorry, nadala lang talaga ako masyado sa pinanood ko," nginitian ko siya. "Aalis na ako, mag-ingat ka mamayang pagpasok mo sa school" mabilis niya akong hinalkan sa labi saka umalis. Pagkakain ko, naligo na ako't nagbihis para makapasok. "Bakla, losyang na ba ako?" tinaasan ako bigla ng isang kilay ni Celes. Nakaupo na kami pareho sa pwesto namin pero masyado pang maaga kaya wala pa kaming professor. "Oa, ano ka singkwenta anyos? ate girl, bente anyos ka lang. Batang bata ka pa," sagot ni Celes. "I mean sa itsura, baks. Pangit na ba ako?" Ngumuso ako. Pumangalumbaba siya. "Bakit? Nag-away kayo ni Jade Joshua, no?" Umiling ako na ikinakunot ng noo niya. "Eh ano? Bakit ka nagtatanong ng ganyan?" "Baka lang kasi pumangit na ako't ayawan na ng asawa ko," sagot ko. "Maganda ka pa rin bakla-- mugto lang mata mo ngayon. Akala ko ba di kayo nag-away eh bakit parang nagcry cry ka kagabi," kumento niya habang pinopoint ang mugto kong mata. "Tingin ko kasi may babae si Joshua," tumango tango siya na tila naiintindihan niya talaga. "Kambal nga sila," kumento pa niya. "Pero mag-asawa na kami," depensa ko. "Hindi na dapat siya lumalandi sa iba--." Bigla akong napatigil matapos maalala ang isang napakahalagang bagay. "Ano? Naalala mo no," hinagod niya ang likod ko. "Natatakot ako, baks. Ayokong iwan niya ako," biglang tumulo ang luha ko. "Ayokong magsalita, dahil failure din ang relationship ko," tugon niya habang patuloy akong hinahagod sa likod. "Pero magiging ok din ang lahat soon, don't worry." Natatakot ako, kasi kahit saan ko tignan, walang bisa ang kasal namin. Hindi ko siya pagmamay-ari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD