Chapter 6

1145 Words
LAUREN'S POVS Sobrang sakit pero patuloy akong nagtyatyaga. Hindi ko sinasabing alam ko na, na nagloloko siya. Nananatili ako sa asawang gusto niya. Sa asawang kailangan niya sa araw araw. "Hi kuya," bati sa akin nila Eyli pagkapasok sa apartment unit namin ni Jade Joshua. Pinagbuksan ko sila ng pintuan dahil di katulad noon na may susi sila. Ngayon, kailangan na nilang kumatok para makapasok. "Kamusta ang pag-aaral?" Usisa ko sa mga kapatid ko matapos namin makaupo sa sofa. "Mabuti, nasa top nga ako kuya eh," proud na balita ni Jash sa akin. "Ako din kuya," singit ni Eyli. "Nga pala, kuya. Punta rin kayo ni kuya Jade next week, graduation na namin." "Ang aga naman yata, march pa lang ah," pagtataka ko. Every april kasi ang graduation sa school namin noon kaya nakakapagtaka na march sila gragraduate. "Pinaaga yung graduation ngayon dahil sa renovation ng school," paliwanag ni Eyli habang nagkukuyakoy ng paa. "Sige, pupunta kami," tugon ko saka kami nagkwentuhan ng kung anu-anong bagay. Mabilis lumipas ang oras, umuwi na sila't dumating na si Jade Joshua galing sa trabaho niya. "How's work? Sakto dating mo, kakaluto lang ng pagkain," bungad ko kay Jade Joshua. "Ok naman," tila pagod niyang sagot. "Di na pala ako makakakain, nagpakain kasi iyong isa naming katrabaho dahil birthday niya ngayon." "Ganun ba," tumango tango ako. "Nga pala, attend tayo sa graduation nila Eyli, next week." "Hectic ang schedule ko next week, darating yung bago naming client. Ikaw na lang siguro ang umattend." Saka siya pumasok sa kwarto na tila latang lata. Malalim akong napabuntong hininga't napailing. Kumain ako mag-isa habang malalim ang iniisip. Ayaw mo na ba sa akin Joshua? Bakit parang nagbago ka. JADE'S POVS Kung anu-ano na lang na dahilan ang nasasabi ko kay Lauren nitong mga nakaraang araw upang hindi niya malaman na kasama ko madalas si Jackie dahil sa tuwing iniiwasan ko siya ay naaapektuhan ang trabaho niya na ikinagagalit sa akin ng mas nakatataas sa trabaho. Hay. Hinahatid ko rin siya sa sakayan bago kami umuwi. Hindi sa kagustuhan ko pero noong nakaraang araw kasi ay nakita namin siya nila Willie na hinaharass ng isang lalaki na ayon na kanya ay manliligaw niya daw noon. "Aalis na ako babe, pakisabi na lang kila Eyli, congrats." Saka ako umalis ng bahay. Ngayon ang graduation nila at gusto ko man sumama ay hindi ako available dahil may pasok ako sa trabaho. Tahimik akong nakaupo sa jeep ng may maliit na kamay ang humawak sa kamay ko. Napatingin ako dito't napangiti. Napakakyut na baby boy ang nakahawak sa kamay ko. Nakangiti siya't tila tuwang tuwa sa paglalaro ang kamay ko. "Kuya, sorry po," paumanhin ng ginang na may karga sa bata matapos tanggalin ang kamay ng bata sa akin. "Ok lang ho iyon," tugon ko. Marahan akong napangiti saka hinawakan ang kamay ng sanggol. "Ilang buwan na po siya?" "Apat na buwan na itong si Leon," tugon niya saka bahagyang nilaro ang bata. Hanggang sa makababa ako ay inaalala ko ang kamay ng bata. Kailan kaya kami nagkakaganun? Gusto ko na ng baby. Alam kong imposible pero may iba namang paraan diba? "Good morning, maganda yata ang gising mo sir ah." Bati sa akin ng isa sa mga kateam ko pagkapasok ko sa station namin ng nakangiti. "Medyo," tugon ko saka umupo sa upuan ko't nagbukas ng kompyuter. Nang pumatak ang oras ng break ay mabilis akong lumabas ng station namin. "Zup Jade. Aga mo yatang lumabas, papunta pa nga lang ako sa iyo eh," bati sa akin ni Willie na nakahiligan ng pumunta sa station ko para sumabay kumain. "May isesearch kasi ako mamaya kaya mabilis akong kakain," tugon ko saka siya sumabay sa akin papuntang pantry. "Maghinay hinay ka nga Jade baka mahirinan ka," usisa niya na tila nawiweirduhan sa akin na mabilis na kumakain. "May gagawin pa kasi ako," sagot ko na lang sa kanya. "May oras naman para sa trabaho pre, hinay hinay," kumento pa niya. Kaso hindi sakop ng trabaho ko ang gagawin ko. "Uuna na ako." Paalam ko ng matapos ako sa pagkain. Agad akong bumalik sa station ko't nagsearch sa google ng madadaling paraan upang magkababy bukod sa pag-aadopt ng bata. Oo, ito nga ang isesearch ko. Gusto ko na kasi talaga magkababy pero pakiramdam ko ay ayaw pa ni Lauren. Marami ang lumabas pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko. "Surrogacy" bulong ko sa hangin habang nakatuon pa din ang atensyon sa kompyuter. Maaari namin pareho maging kadugo ang bata at hindi magiging mahal ang proseso. Nakangiti kong binasa ang isang article tungkol dito. Legal ang proseso kailangan ko lang mapapayag ang kapatid ng asawa ko para maging kadugo namin ang bata. Sana pumayag si Eyli na maging surrogate mother namin. Hanggang sa makauwi ako ng bahay ay dala dala ko ang isipin kong iyon. "Babe, masaya ka yata," usisa ni Lauren. Kakarating ko lang pero kaysa magbihis ay dumiretso ako sa hapag para kumain. "Hindi naman, kamusta ang graduation nila Eyli?" Tanong ko saka niya ako pinaghainan ng pagkain. "Kalahati na ng program yung naabutan ko, late kasi nagpalabas iyong prof namin pero ok naman, masaya kaso ang haba ng speech ni Mayor tungkol sa buhay niya," tatawa tawa niyang kwento. "Mabuti nakaabot ka pa," kumento ko. Mabilis kaming natapos sa pagkain saka pumasok sa kwarto. Hinubad ko ang polo ko saka ako humarap kay Lauren. Nakatingin siya sa katawan ko na nakapagpangiti sa akin. Namimiss ko na rin makipagharutan sa asawa ko. Lumapit ako sa kanya't inangat ang mukha niya. Tinitigan ko muna siya sa mukha niya bago siniil ng halik. Agad siyang tumugon sa halik ko't inangkla ang braso sa aking balikat. "Ahh.. hmm,"  ungol niya habang naglalabas pasok ako sa kanyang likuran. Nakatuwad siya sa harapan ko't nilalaro ko ang kanyang impis na dibdib. "B-babe, ahh.. I-I love you." "I-I love you too." Saka ko siya hinalik-halikan sa baba ng batok. "H-hey, nakikiliti a-ako.. ahh, ugh.." Marahan ko siyang kinagat sa balikat habang pabilis ako ng pabilis sa pagbayo. Agad kong tinanggal ang aking pagkakapasok sa kanya ng labasan na ako, tinanggal ko din ang condom ko saka kami magkatabing humiga. "Babe, hindi mo ako ipagpapalit diba? Ako lang mahal mo?" Napatingin ako kay Lauren na nasa tabi ko na. Anong klaseng tanong yan. "Ikaw lang mahal ko babe, nagda-doubt ka ba sa nararamdaman ko?" Marahan siyang umiling saka ako niyakap. "Baka lang kasi may nagugustuhan ka ng iba," mahigpit niya akong niyakap. "Gagawin ko naman lahat para sayo babe eh, lahat ng gusto mo." Speaking of gusto ko.. "Babe, meron akong gusto--." Napahinto ako sa sasabihin ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. "Hello, Raquel?" sagot ko sa tawag ng madampot ko sa cellphone ko. [Pasensya na sa istorbo Jade pero pwede ka bang bumalik sa opisina ngayon? Nagloloko kasi yung system, kailangan namin ng mga IT.] Paliwanag niya. Hindi nga ako nago-ot pero ako ang madalas nilang tawagan tuwing ganito dahil ako nga ang TL. Hay. "Sige, pupunta ako," pinatay ko ang tawag saka tumingin kay Lauren. "Sorry babe, kailangan kong bumalik sa opisina." "Ok lang, mag-ingat ka ha," paalala niya bago ako mabilis na nagtungo sa kabinet para magbihis. Nu bayan! Di ko pa nasabi ang gusto kong pag-aanak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD