Chapter 7

1172 Words
CELES' POVS "Ikaw bakla, abnormal ka rin no?" Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Nagkwento kasi siya sa amin ng nangyari sa kanila kaya good mood siya ngayon. "Natira ka lang ng asawa mo, mahal na mahal ka na? Eh nung nakaraan lang halos mabaliw ka kasi sabi mo parang may babae siya, ganto, ganyan. Nako talaga bakla ha!" "Celes, hayaan mo na siya," kumento ni Fizz. Nandito kami sa bahay namin dahil biglang nagkaprogram sa school at maaga kami pinauwi at dahil wala namang ginagawa si Fizz, niyaya na din namin siya. "Nagkamali lang siguro ako baks, mahal talaga ako ni Joshua," tugon ni Lauren na tila kinikilig pa. "Whatever, by the way nagkita kami ni Kide kanina--." Di ko na natapos ang sasabihin ko ng yugyugin ako ni Lauren. Ay, baliw? "Anong nangyari? Ok na ba ulit kayo? Kayo na ulit? Ano, bakla? Sabihin mo! Now na!!" Ngiting ngiti niyang tanong. "Ano ba bakla, chill ka nga lang!" Tinapik tapik ko siya sa kamay. "Nagkita lang kami, di kami nag-usap. Nagkatinginan, ngitian pero di kami naglapit." "Sad naman niyan bessy." Marahan niyang hinagod ang likod ko. "Wag ka nga, ok lang ako no. Pero anong plano nyo? Pagabi na, umuwi na kaya kayo both," may halong pagtataboy na sabi ko. "Oo nga no, napasarap ang stay namin dito." Kumento ni Fizz na nakatingin sa relo niya sa braso. Mukhang mapansin na din niya ang oras. Oo kanina pa ang mga balahura dito, naubos na nga nila ang stock ko ng biscuit. Ang sisiba kumain. "Sabay na kayo, mukhang uulan pa," kumento ko ng maihatid ko na sila sa gate ng bahay. "May dala ka bang payong?" Baling ni Fizz kay Lauren. Marahan namang umiling si Lauren. As always yan si Lauren, laging alaws payong. "Sige, hatid na lang kita sa inyo tutal pareho way natin, di sayang sa gas." "Yabang naman ng baklang nakasasakyan," tatawa tawa kong kumento. "So true," gatong pa ni Lauren na nagpataas ng isang kilay ni Fizz. Eksakto pagkaalis ng sasakyan ni Fizz ay sinarado ko na ang pintuan pero agad ko din itong binuksan ng biglang may kumatok. May naiwan ba sila? "Anong naiwan ny-- Kide." Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. LAUREN'S POVS "Grabe naman sa traffic," kumento ko habang tinitignan ang mga di umaandar na sasakyan. Nasa kahabaan na kami ng edsa. "Idagdag mo pa ang ambon, hassle talaga," dagdag niya. "Oo nga eh, marsong marso, umuulan," napabuntong hininga ako't napatingin na lang labas ng bintana sa side ko. Mahigit isang oras din ang ginugol ko sa sasakyan ni Fizz bago namin narating ang apartment na tinutuluyan ko. "Salamat sa paghatid." Binuksan ko ang pintuan ng kotse niya. "Wait, wala kang payong, ihahatid na kita hanggang sa silong." Inabot niya ang payong sa backseat ng kotse saka lumabas ng kotse. Pumunta siya sa side ko ng bukas na ang payong. "Tara na." Magkasalo kami sa payong habang mabilis na lumalakad papasok ng entrance ng apartment. Mabilis akong nagpaalam kay Fizz saka patakbong umakyat papunta sa unit namin ni Jade Joshua. Nakaupo na siya sa sofa namin at nakakrus ang mga bisig at binti ng maabutan ko. "Bat ngayon ka lang?" Seryosong tanong niya. "Galing ako kila Celes babe eh," sagot ko. "Ow, kila Celes," may pagkasarkastiko niyang tugon. "Ok." "Magluluto na ako." Mabilis akong kumilos upang makapagluto sa kusina. Pagod siguro ang mister ko kaya iba ang mood. Buong gabi akong nawi-weirduhan kay Jade Joshua. Hindi niya ako masyadong iniimik, isang sagot lang din ang binibigay niya sa akin kada ako magtatanong. May problema ba kami? "Babe, ok ka lang ba?" Tanong ko matapos kong makahiga sa tabi niya. "Sino kasama mo kanina?" Tugon niya habang nakatalikod sa akin. May nagawa ba akong mali? Bakit parang ang cold niya? "Si Celes," sagot ko na saka siya tumingin sa akin ng kunot ang noo. "Bakit? Anong meron, babe?" Dagdag ko pa na ikinaikot naman ng itim ng kanyang mata. "Yung naghatid sayo Lauren," seryosong sabi niya. Nakita pala niya kami ni Fizz. "Si Fizz iyon, kaibigan namin ni Celes," diretsa kong sagot. Wala naman akong ginagawang masama kaya bat ko itatago iyon. "Kaibigan mo? Bakit hindi ko kilala?" Pumaupo siya sa kama habang matalim ang tingin sa akin na halata mong naiirita na. "I-I'm sorry, hindi ko siya nabanggit sa--," di na niya ako pinatapos. "Sabihin mo lang kung nagsasawa ka na sa akin, hindi kita pipigilang umalis." Padabog siyang humiga patalikod sa akin. "Babe, hindi ako nagsasawa. Kaibigan ko lang iyon, ikaw yung mahal ko," niyakap ko siya mula sa likod pero ramdam ko pa din na galit siya. Talagang nagselos siya. "Believe me, ikaw lang ang mahal ko." Isang malalim na buntong hininga muna ang narinig ko bago siya pumaharap sa akin. Marahan niya muna akong tinitigan bago siya nagsalita. "Let's have a date tomorrow." "Bukas? Pero may pasok ka sa trabaho." Matipid niya muna akong nginitian bago pumikit at sumiksik sa impis kong dibdib. Mahigpit din niya akong niyakap. "Nagfile na ako ng leave, gusto kitang makasama ng buong araw," halos mapunit ang labi ko sa lawak ng ngiti ko matapos kong marinig ang sinabi niya. Kinikilig ako!! "Magpapaganda ako bukas. Magme-make up ako at magdredress," tugon ko na ikinaangat ng ulo niya. "No need. Maganda ka na kahit wala kang make up," hinawakan niya ang mukha ko. "Pero mas maganda ka tuwing wala kang saplot." "Babe!!" pabiro ko siyang hinampas na ikinatawa niya. Buti ok na kami. "Bakla, guess what?" bungad ko matapos sagutin ni Celes ang kanyang cellphone. Wednesday na ng umaga ngayon, wala akong pasok at nagfile naman si Jade Joshua ng leave para sa date namin. [What?] Bored na tugon niya sa kabilang linya. "May date kami ni Joshua today," matinis kong sagot. Kinikilig pa din ako. [Yehey, ang saya] sarkastikong kumento niya. [Masaya ako para sayo, totoo. Pero bakla, alas-otso pa lang ng umaga! Sinisira mo ang beauty rest ko] saka niya ako pinatayan ng tawag. Napakamot ako ng batok ko saka bahagyang natawa. Masyado akong excited sa date namin. Malalim akong napabuntong hininga saka bahagyang tumingala. Mahigit kalahating taon na rin ang nakakalipas simula noong huli kaming nagdate. Kinakabahan ako na naeexcite. "Babe, ang aga mo naman nagising," napatingin ako kay Jade Joshua na halatang kakabangon lang sa higaan. "Excited lang ako babe sa date natin," tugon ko sa kanya ng nakangiti. "Ganun ba--." Agad siyang napabaling sa cellphone niyang tumutunog. "Hello? Huh? Pero, hindi ako pwede ngayon, Willie, may date kami ng asawa-- no! Hindi ko siya dyan isasama!" Napasapo siya sa kanyang noo pagkababa ng tawag. "Naman!" "Anong meron babe? May problema ba?" Pagtataka ko. May nangyari ba sa opisina nila? "Mukhang hindi tayo matutuloy ngayon babe, birthday daw ni boss, hinahanap daw ako." Napabuntong hininga siya. "Ok lang babe, sa susunod na lang tayo magdate" lumapit ako sa kanya't niyakap siya. Ok lang yan Lauren, ok lang yan. May susunod pa naman. "Pasensya na talaga," tinugunan niya ako ng yakap. "Babawi ako sa susunod." "Magluluto na ako" humiwalay na ako't dumiretso sa kusina. Hay. Hanggang sa makaalis ng bahay si Jade Joshua ay nakangiti lang ako. Nakangiti na tila ok lang kahit hindi naman talaga. Nakakapanghinayang. Ngayon na nga lang ulit mangyari ito kaso naudlot pa. "May susunod pa naman Lauren," wika ko sa hangin habang nakaupo sa sofa at nakatingala. Bawi na lang sa susunod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD