Chapter 8

1302 Words
LAUREN'S POVS At last matutuloy na din ang date namin ni Joshua. Marahan kong sinuot ang wig kong matagal ko ng hindi nagagamit at nakaimbak na lamang sa cabinet saka ako naglagay ng manipis na make up. Nagsandals akong may bahagyang takong habang suot suot ang bestidang binili namin ni Celes kanina sa mall. Matapos ang isang linggo, sa wakas ay nakahanap na rin kami ng oras para sa isa't isa. Umikot ikot ako sa harap ng salamin habang marahang pinagmamasdan ang imahe ko habang suot suot ang bestida. Excited na akong magpakita kay Joshua. Sana magustuhan niya ang ayos ko. "Hello, babe? Paalis na ako," tugon ko kay Jade Joshua matapos tumawag at sabihing nag-out na daw siya sa trabaho niya. Oo, may pasok siya ngayon pero para makabawi, naghalf day lang siya para mai-date niya pa rin ako kahit sandali. Kakilig diba? Bumabawi talaga ang mister ko. Masaya akong bumyahe papunta sa napag-usapan naming restaurant na halos katapat lang ng opisina nila. Maraming tao ang bumungad sa akin pagpasok ko sa loob. Agad akong luminga linga para hanapin si Jade Joshua at ng makita ko siya, bahagya akong dismaya ng makita kong may nga kasama siya. Nag-uusap usap sila at tila nagkakabiruan pa. Hindi ko kilala ang mga kasama niya pero tila close sila ni Jade Joshua. Marahan akong lumapit sa kanila upang malaman kung sino iyong mga kausap niya. "Hi." Bungad ko habang nakangiti. "B-babe," tila may pagkagulat na tugon ni Jade Joshua. Bahagya siyang napatayo't napalapit sa akin. "Ikaw yung live-in par-- asawa ni Jade. Hi, Willie nga pala," agad na pakilala sa akin ng isa sa mga lalaking kasama ni Jade Joshua. Marahan ko munang tinitigan ang kamay niya bago nakipagkamay. "Hi, nice to meet you," tugon ko sa kanya saka bumitaw sa kamay niya. "I'm--." "She's Uren," biglang singit ni Jade Joshua. Uren? "Guys, sige na, nakilala nyo na siya. Umalis na kayo," may himig pagtataboy na sabi ni Jade Joshua sa mga kasama. "Chill sir, hindi naman namin susulutin ang asawa mo," pagbibiro pa ng isa saka ito pumangalumbaba. "By the way, Raul pala." "Salamat sa pag-aalaga sa asawa ko habang nasa trabaho," magalang kong tugon sa mga ito habang patuloy na nakangiti. Pero seryoso? Kailan sila aalis? Date kasi namin to. "I think nagkakamali ka yata, si sir ang nag-aalaga sa amin," singit ng isang babaeng nakaupo sa tabi ng upuan kung saan kanina nakaupo si Jade Joshua. "Diba, sir?" "I guess?" Napakamot ng batok si Jade Joshua. Bahagya akong napatitig sa babae dahil tila kinukulit niya ang asawa ko kanina pa. Sino siya? "Gusto ka pa sana namin makakwentuhan Uren kaso tapos na yung 15 mins break namin, babalik na kami sa office." Sabi sa akin ni Willie saka bumaling sa babae nilang kasama. "Jackie, tara na," tila nagpantig sa tainga ko ang pangalang binanggit niya. Jackie.. Hindi ako pwede magkamali, iyon ang pangalan ng babaeng nagbigay ng cake kay Joshua. "Bye, sir." Paalam nila saka sila tuluyang umalis. "Sa wakas, umalis na sila," wika ni Jade Joshua sa hangin na tila nakahinga na ng maluwag. "Bakit ganyan ang ayos mo? Diba sabi ko sayo noon na mas gusto ko ang totoo ikaw? Hindi yung nag-aayos babae ka pa." "Really?" May pagkasarkastiko kong sabi matapos maupo sa harapan niya. Bigla akong nawalan ng gana dahil sa mga nangyari kanina. Una, pinakilala niya akong Uren, bakit? Dahil ba ayaw niyang malaman ng mga iyon na bakla ako? Na bakla ang kinakasama niya? Pangalawa, kailangan harap harapan pa? Masakit na nga sakin na may Jackie siya behind my back, tapos ipapamukha pa sa akin? Ouch lang talaga. Tapos ito? Magrereklamo siyang naka-ayos babae ako! "Umorder na lang tayo," plain na sagot ko saka sumenyas ng waitress. "Babe, may problema ba? Nagalit ka ba dahil nandito sila Willie kanina? Swear, hindi ko alam na pupunta sila dito," paliwanag niya. "Nabanggit ko kasi na magkikita tayo eh, gustong gusto ka talaga nila makilala." "Paano pala kung naka-ayos lalaki ako, mapapakilala mo ba akong asawa mo sa kanila?" Tanong ko, hindi siya nagsalita hanggang sa dumating ang waitress para alamin ang mga order namin. Umorder lang kami ng Japanese food dito. Nang matapos ang waitress sa pagtatanong sa amin ay agad din siyang umalis. Seryoso akong tumingin kay Jade Joshua saka nagsalita. "Hindi ka na nagbago, simula noon, hanggang ngayon ganyan ka na. Mahal mo ako sabi mo pero hindi mo ako kayang ipagmalaki." "Hindi mo kasi naiintindiha--." Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil alam ko na ang susunod dito. "Hindi mo rin kasi naiintindihan yung sakit na tinatago ka, nagagalit ka tuwing nagkro-crossdress ako, gusto mo na ayos lalaki ako kasi sabi mo iyon ang totoong ako pero tuwing darating sa sitwasyon na ganito, hindi ako pwedeng maging ako-- yung totoong ako, kasi ano? Mapapahiya ka? Joshua, mas nakakahiya yung ginagawa mo. Mas nakakahiyang mukha tayong tanga sa harap ng ibang tao." mahina pero may diing paliwanag ko. Ang sakit kasi sobra! Lagi na lang akong naga-adjust. "Kumain na lang tayo," sabi niya eksakto pagkarating ng pagkain namin. Tahimik lang kaming kumain na tila hindi magkakilala. Nasasaktan ako, ayoko ng ganito. JADE'S POVS Inaamin ko. Mali ako pero hindi ninyo ako masisisi, iba ang tingin ng lipunan sa mga kagaya namin. Aminin man natin sa hindi, laging may diskriminasyon. Gusto kong siyang ipagmalaki sa kung ano siya kaya ayoko siyang nagsusuot ng pangbabae pero tuwing alam kong may masasabi ang iba sa amin, natatakot ako. "Sorry," bahagya akong napayuko dahil sa kahihiyan. Sorry, yan lang lagi ang kaya kong sabihin dahil kahit anong isip na gawin ko, madalas talaga akong mali. "Hindi ko kailangan ng sorry mo, gusto kong maramdam." Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin na tila naghihintay ng sasabihin ko. "Hindi ko maipapangako pero hindi na to mauulit." Tumango siya saka ngumiti sa akin. "Maghihintay ako hanggang sa araw na tanggapin mo ako ng buong buo," napangiti ako sa sinabi niya sa akin. Mahal na mahal niya talaga ako. "Thank you," saka ko inabot ang kamay niyang nakapatong sa mesa. Pangako, sisikapin ko ng lumaban para sa atin. Yung totoong tayo. Hindi na ako matatakot! Hanggang sa makauwi kaming dalawa ay puro kami kwentuhan na tila walang pagtatalong nangyari sa amin kanina. "By the way, sabi sakin ni Kide, susuyuin niya daw ulit si Celes. Napagtanto niyang mahal na mahal niya talaga ang kaibigan mo," balita ko kay Lauren sa natanggap kong text galing sa kakambal ko. Nakahiga na kami pareho sa kama, makaharap kami't magkayakap. "Sana maging ok na yung dalawa, nakakamiss din kasing makita yung dalawang iyon na nagkukulitan," kumento niya habang nakangiti. "Sana nga. Nga pala babe, sa off ko, punta tayo sa park dyan sa malapit, pahangin lang tayo, ganun. Tagal na din kasi yung huli tayong nagawi doon," pag-iiba ko ng topic pero seryoso matagal na din kasi naming di iyon nagagawa. "Sure, sige punta tayo. Matagal na rin nung huli tayong pumunta dun eh," sang-ayon niya sa gusto ko. Yes! Teka, paano ko kaya maisisingit ang gusto kong mangyari. "Tanong lang, si Eyli ba may boyfriend pa?" Napakunot ang noo ni Lauren pero bahagya din itong nawala. Marahan niya akong tinanguan na tila sinasabing meron talaga. Pumaupo muna ako sa kama bago muling nagsalita. This is it. "If ever lang, handa na bang magbuntis si Eyli?" Halos masamid si Lauren sa tanong ko kahit wala naman siyang iniinom. "Ano bang klaseng tanong yan babe, bata pa yun saka di ako papayag na magpabuntis siya agad no! Kahit pa kilala ko iyong boyfriend niya, di ako papayag," paliwanag niya. Pano ko ba sasabihin sa kanya ang tungkol sa plano ko na gusto ko ng magkababy? "Natanong ko lang naman kasi iba na ang generation ngayon," muli akong humiga sa tabi niya. Lusot agad  "Babe, gusto ko na maging daddy." Mahina kong sabi. "Ano yun, babe?" tanong ni Lauren na mukhang iniisip pa rin ang mga sinabi ko tungkol kay Eyli. "Wala babe, matulog na tayo." Saka ko siyang mabilis na hinalikan sa labi. "Goodnight" sabay naming sabi. Gusto ko na talaga maging daddy. Gusto ko ng magkapamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD