LAUREN'S POVS WEEKS PASSED, wala namang masyadong nangyari sa akin sa mga nakalipas na araw, naging busy lang ako sa part time job ko at sa school. Ngayon, simula na ng bakasyon namin sa school kaya mas madami na akong oras at makakabyahe na din ako kung saan dahil may naipon na din akong pera. "So pupuntahan mo si Fizz sa kanila bukas?" Tanong ni Celes. Nandito sila ni Kide sa condo unit ni Fizz. Napagplanuhan kong puntahan si Fizz doon sa Cebu dahil ilang buwan ko na itong hindi nakikita ng personal. Syempre hindi niya alam ang plano ko dahil gusto ko siyang surpresahin. "Yep, isang linggo lang naman ako doon dahil may trabaho pa ako sa weekends," tugon ko. Sa katunayan, pwede naman ako magleave pero ayoko dahil sayang ang kikitain ko para sa mga araw na iyon saka tingin ko naman ay

