FIZZ' POVS Dahil sa sinabi ni papa na umuwi muna ako ay agad din kaming umuwi sa bahay ni Lauren. Dinaan na ni Mako ang gamit ni Lauren sa bahay kaya pagpunta namin doon ay nasa kwarto na ang mga gamit niya. Pagpasok namin ng bahay ay sinalubong kami agad ni mama. Binati niya si Lauren at inaya kaming kumain. Sinabayan namin siyang kumain kahit pasado alas diyes na ng gabi at nakakain na kami kasama si papa kanina. "Kamusta ka naman doon sa maynila, Lauren?" Tanong ni mama kay Lauren habang kumakain. "Ok naman po, medyo busy sa school and sa part time job pero dahil bakasyon na po ngayon, yung work ko na lang po aalalahanin ko," sabi ni Lauren. Nasabi ko kay mama na may part time job na si Lauren kaya kahit papaano ay busy iyon bukod sa pag-aaral na isa sa ikinatuwa ni mama. Alam ko n

