LAUREN'S POVS KINABUKASAN, MAAGA kaming nagpunta ng ospital para pumalit sa pagbabantay sa mama ni Fizz. Doon kami naglagi maghapon para magbantay. "Hi guys," napatingin ako sa pintuan at agad na nawala ang saya ko ng makita ko si Chris na nasa likod ni Mako. Halos araw araw dalaw? Wala ba silang ginagawa at nandito na naman sila?-- ok lang sana kung si Mako lang, pero itong si Chris, hindi. "Mukhang wala kayong plano ngayon ah," sabi ni Fizz na siyang nagbukas ng pintuan sa dalawa. Naupo ang dalawa sa sofa katabi ko. Si Mako ang nasa gitna, dahil imposible naman talagang tumabi sa akin si Chris. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ko ng magazine doon habang nagsecellphone naman si Mako. "Oy, anong gagawin mo dyan?" Napatingin ako sa banda ni Fizz ng magsalita siya saka napataas ang akin

