LAUREN'S POVS Marahan muna niya ako pinakatitigan bago siyang tumawa ng pagkalakas lakas. Halos makita ko na ang gilagid niya kakatawa niya. Nakakatawa yun? Bwisit na to. "No doubt, masaya sakin si sir Jade, bakla naman pala kasi ang kinakasama niya," nakangising sabi niya habang minamata ako. Aba't pasmado bibig nito ah. "Magkano binabayad mo para tumagal ka--." Muli ko siyang sinampal at sa pagkakataong ito, malakas na. Halos matabingi ang mukha niya sa pagsampal ko sa kanya. Ramdam ko din ang hapdi sa palad ko dahil sa ginawa ko. Ang kapal talaga ng mukha niya, ramdam ko sa palad ko! "Napakadumi ng pag-iisip mo! Hindi porke babae ka, ikaw lang may karapatang makaramdam ng pagmamahal sa lalaki. Hindi ko binabayaran si Joshua, mahal namin ang isa't isa!" May diing tugon ko. Tinignan ni

