LAUREN'S POVS Wala ako sa sarili kong umalis sa tinitirahan namin ni Jade Joshua dala dala ang mga damit ko sa bahay ng dis oras na ng gabi. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, wala akong kahit anong plano sa isip ko bago ako umalis basta umalis na lang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Gusto kong malayo sa kanya dahil sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko ang mga sinabi ni Jackie. Hanggang ngayon din ay paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko kung bakit niya iyon nagawa sa akin na alam ko namang hindi ko masasagot. Naisip kong umupo muna sa bangketa ako ng highway para makapag-isip kung saan pwede pumunta. Wala akong pera kaya hindi ako pwede maghotel, di rin ako pwedeng makituloy basta kung kanino dahil pasado alasdos na ng madaling araw. "Lauren?" Napatingala ako sa harapa

