JADE'S POVS "What? Eh, napakag*go mo naman pala talaga eh!" Bulalas ni Celes matapos ko sa kanila sabihin ang nangyari bago ako iwan ni Lauren. Eksakto pagkauwi nila ni Kide sa maynila ay dumiretso na sila sa tinitirahan naming apartment unit ni Lauren para makibalita sa nangyayari. Alalang alala sila dahil sa pagkawala ni Lauren pero agad din iyong napalitan ng pagkadismaya ng malaman ang nangyari. Hindi ko sa kanila sinabi ang lahat. All I said was I cheated on Lauren, na nagkaroon ako ng babae and lamanan ito ni Lauren. "Alam ko naman, at sobra ko iyong pinagsisisihan." Tugon ko saka ako napayuko dahil sa hiya. "Ngayon pa talaga? Ngayon pa kung kailan iniwan ka niya. Ayos ka naman pala," sarkastiko siyang tumawa. Malungkot akong tumingin sa kanya. Alam kong galit siya sa akin dahil

