JADE'S POVS "So, how was it?" Nahihimigan ko ng kakaibang tono ang tono ni Paulo. Lunch break na namin at nasa isa kaming kainan sa labas ng building kung saan kami nagtratrabaho. "How was-- what?" Pagtataka ko. Ano ba ang sinasabi nitong si Paulo? "Imposbileng walang nangyari. Lasing kayo pareho kahapon," napangisi ako't napailing. Ano pa nga bang ibig niyang sabihin. Ang slow ko. "Girlfriend ko na siya, wala naman na sigurong masama kung may mangyari na sa amin," sagot ko saka nagpatuloy sa pagkain. "True, saka normal na yun no," dagdag pa ni Melai. "Yung iba nga di pa magjowa pero sige chukchak na." Hinampas ng mahina ni Paulo si Melai. "Bunganga mo te, daming kids sa paligid oh," mahinang pagalit ni Paulo na ikinatawa namin ni Raquel. "Medyo speed lang talaga kayo Jade." "Di nam

