LAUREN'S POVS Kagaya ng plano, umuwi ako ng bahay namin. Alam kong nagtatampo si Fizz pero alam ko ding naiintindihan niya ako. Hihikab hikab akong pumasok sa room ng klase namin. Agad kong nakita si Celes na nakikipagtsimisan kay Kide sa pwesto namin. "Sila na agad?" Rinig kong sabi ni Celes sa iritadong tono. Hindi ko alam kung sino ang pinag-uusapan nila pero tila agad akong nagkaroon ng interes dito. "Iyon ang sabi niya sakin," tugon naman ni Kide. Naupo ako sa pwesto ko na nakaagaw ng atensyon nila. "Balik na ako sa pwesto ko." Paalam ni Kide na nagpataka sa akin. Anong nangyari doon? "Hindi ka aalis," pigil ni Celes ng akmang tatayo si Kide sa lamesang kinauupuan niya. "Hindi niya ba dapat malaman?" Ano ba iyon? "May kailangan ba akong malaman?" Pagtataka ko. Bumuntong hininga

