CELES' POVS Hindi ko talaga alam kung matatawa ako o ano sa ginawa ko kay Kide. Hindi talaga umalis sila mama, umalis si mama, pero nandito iyong kapatid ko at siya ang nag-aalala kay Champ. Nagsaktuhan lang na umiyak si Champ ng tumawag si Kide kaya naisip ko iyong dahilan ko. Kung nagtataka kayo kung bakit ayoko papuntahin si Kide, ito ay dahil may gagawin kami ni Crisehl ngayon. Tama ang basa nyo, nandito ang chararat kong prenny, pinapunta ko siya dahil kailangan ko ng tulong. Kung hindi nyo kasi naitatanong, malapit na ang 3rd anniversary namin ni Kide bilang magjowa kaya plano kong bigyan siya ng regalo. Naghiwalay kami pero kinonsidera ko ng kalimutan iyon at ituloy lang ang bilang. Saglit lang din naman kasi iyon, ayoko ng magbago ng date o ano ng anniversary namin. "May pasurp

