LAUREN'S POVS Nawala lahat ng pag-aalala ko ng matapos ang ilang oras ay tumawag si Fizz sa akin para sabihing walang ibang problema kay mama, napagod lang ito't naulanan kaya nilalagnat. Buong gabi silang dalawa ni Eyli sa ospital dahil pinagpahinga muna ng doktor doon si mama, buong gabi din akong nag-alaga sa mga kapatid ko. "Kuya, kamusta kayo ng boyfriend mo?" Tanong sa akin ni Jash ng maupo siya sa hapag. Madaling araw na't di pa ako makatulog kaya napagpasyahan kong tumambay muna dito sa may lamesa. Hindi ko alam na gising pa din pala itong si Jash. "Ok naman, bakit mo naitanong?" Tugon ko. "Saka bakit gising ka pa? Alas dos na ng madaling araw." "Wala naman, natanong ko lang," sagot niya. "Kachat ko pa kuya yung girlfriend ko kaya di pa ako natutulog. Eh, ikaw kuya? Bakit gisi

