LAUREN'S POVS
Matapos ang pag-uusap namin ni Jade Joshua noong nakaraang gabi. Tila nagkaroon na ng dingding sa pagitan namin. Minsan na lang kami mag-usap hindi gaya noon. Naging cold na siya na tila umiiwas.
"Kaloka kayo bakla ha," kumento ni Celes matapos kong ikwento sa kanya ang mga nangyari. Napakabigat ng pakiramdam ko, gusto kong umiyak dahil pakiramdam ko ay unti unti na siya napapalayo sa akin dahil sa inaakto niya. "Pero bakla, ok din ang naisip ni Jade Joshua na way para magkajunakis kayo ha kaso, wag na! Baka ikamatay mo pa pag may nangyari sa kanila."
Hay. Bakit kasi di na lang ako naging babae. Bakit di na lang kami naging normal na mag-asawa.
"Teka diba, pwede yung turok?" Tumaas bigla ang isa niyang kilay. "Diba may ganun? Ituturok yung sperm para mabuntis yung babae," sabi ko. Kumunot ang noo niya. Napaisip din ako sa sinabi ko. Ano ba iyang pinagsasabi ko? Kapatid ko si Eyli. Hindi niya responsibilidad na maging baby maker namin.
"What the fvck? Pinagsasabi mo? Asan na iyong sinasabi mo sakin na ayaw mong idamay si bruha dahil bata pa siya? Bilis magbago ng isip mo ha. Saka abnormal ka ba? Desisyon pa din yan ng kapatid mo at nagdecide na siyang ayaw niya kaya stop na, ok." Ramdam ko ang pagkairita niya habang sinasabihan ako.
Napatahimik na lang ako dahil mali talaga ang naisip kong iyon.
Bumuntong hininga ako. "Hindi ko na rin kasi alam ang gagawin ko. Ayokong mawala si Joshua sakin. Pakiramdam ko kung di ko siya mabibigyan ng anak, iiwan niya ako." Nakayuko kong pahayag. Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa desk ko habang tila may nilalaro kahit wala naman.
"Alam mo bakla, kung mahal ka niya ni Jade Joshua, hindi siya mawawala sayo. Tandaan mo yan," nakanguso akong napatingin sa kanya. "Hindi mo kailangan istressin sarili mo dahil lang dyan." flinip niya ang imaginary hair niya.
Kahit pa sinabi ni Celes na wag ako mastress dahil doon ay hindi ko pa din ito naiwasang hindi isipin. Buong araw akong nag-iisip ng dapat kong gawin, o kung may dapat nga ba akong gawin. Pagkauwi ko ng tinitirahan namin ni Jade Joshua, naabutan ko siyang nakatingala habang nakaupo sa sofa.
"Joshua, maaga ka yata umuwi," bati ko ng bahagyang makalapit.
Malungkot siyang tumingin sa akin. "I'm sorry." Seryoso niyang sabi na talagang nagpakaba sa akin. S-sorry? Makikipaghiwalay na ba siya sa akin? Please ayoko.
"S-sorry? Saan?" Pilit akong ngumiti sa kanya para itago ang kakabahan ko saka ako lalong lumapit.
"Sorry kung nagtampo ako sayo dahil sa pagtanggi mo sa plano kong magkababy. Naiintindihan kita at alam kong may mali ako doon, so sorry. Wag na lang muna siguro natin iyon pag-usapan sa ngayon." bumuntong hininga siya.
Napatakip ako ng bibig ko't napaluha. Hindi pa ako humihiling kay Lord pero sinagot na niya agad yung kailangan ko. Hindi ko talaga alam kung paano ko ito susolusyunan pero heto't nasolusyunan na kahit papaano.
Agad kong niyakap si Jade Joshua na nakaupo pa din. "Thank you babe."
"I miss you. Namiss ko yung tayo," sinuklian niya din ako ng yakap.
"Miss na miss din kita Mister ko," nilayo ko ng bahagya ang katawan ko sa kanya saka siya pinagmasdan sa mukha. Hindi ko alam kung mukha na ba akong ewan dahil sa luha ko pero wala akong pakialam dahil alam kong tanggap pa din naman niya ako. "I love you so much."
"I love you too-- so much," saka niya hinawi ang luha ko sa pisngi. Marahan din niyang pinunasan ang ilong ko. "Gusto ko pa rin magkababy pero kung yun yung dahilan para masira tayo, wag na lang muna. Masyado lang siguro akong nag-asam na magkaroon ng sariling pamilya kaya ako naging ganun."
"Naiintindihan kita babe, pero ang mahalaga. Ok na tayo, diba?" Nakangiti kong sabi. Tumango siya saka ako hinalikan sa labi.
Agad naging mapusok ang halikan namin na tila miss na miss talaga namin ang isa't isa na totoo naman naming nararamdaman. Dahan dahan kong ibinaba ang kamay ko papunta sa zipper niya sa pantalon ng bigla niyang putulin ang paghahalikan namin. Akala ko ay mag-iiba lang kami ng posisyon pero hindi. Pinaupo niya lang ako sa tabi niya
"Babe." Nakanguso kong sabi. Nakakainis naman kasi, iyon na nga eh! Ngayon na nga lang ulit tapos bibitinin pa niya.
"Sorry babe, may party pa kasi akong pupuntahan ngayon eh." Napatingin ako sa kanya ng may pagtataka. Party? Bakit di pa kanina? "Di ko nasabi sayo, ngayon ang huling araw ng mga OJT namin at nangako ako sa kanila na magpaparty kami ngayon."
"Anong oras na ah? Bakit hindi kaninang after work?" Pagtataka ko.
"Sa bar kasi ang gusto nila kaya magna-night club kami," paliwanag niya sa akin. Bar kasama si Jackie? Papayagan ko ba siya? Pero kakabati lang namin?
Tumango tango ako na lang ako. Kahit naman siguro gusto niya iyon si Jackie, ako pa din naman mahal niya, hindi ba? "Umiwas sa tukso Joshua ha. Tandaan mo may asawa ka na."
"Opo, sayo lang ako promise," tugon niya saka ako hinawakan sa magkabilang pisngi.
"Siguraduhin mo lang." Kinurot niya ang pisngi ko na tila nanggigigil.
"Opo, Misis." Saka niya ako saglit na hinalikan sa labi.
JADE'S POVS
"Sir Jade, thank you sa pagpayag na dito tayo magparty ngayong last day namin," sabi ni Jackie na may hawak ng baso ng beer.
"Ok lang, wag lang kayo masyadong magpakalasing," paalala ko habang nakaupo sa pwesto namin.
Matagal tagal na din simula nung huli akong nakapasok sa isang bar. Pipitsuging bar pa noon ang napupuntahan ko dahil hindi naman ganun kadami ang pera ko.
Pero di ako nagsisisi na sa pipityuging bar ako pumupunta noon dahil doon ko nakilala ng husto ang asawa kong si Lauren.
"Sir, nangingiti ka yata. May nakita ka bang chickababes?" Sabi ni Glenn na nakaupo't nakadungaw sa gilid ko.
"Wala no. May naalala lang ako," tugon ko.
"Chicks ba yun, Sir?" tanong pa niya. Hindi chicks pero anghel.
"Wag mo akong igaya kay sir Willie nyo na puro babae ang nasa utak. Makisaya ka na nga lang din sa kanila doon," tatawa tawa kong sagot.
Marahan ko lang silang pinagmasdan habang sumasayaw sila sa dance floor. Ayokong uminom dahil paniguradong mga lasing to mamaya at wala sa katinuan. Ayokong magkalat kami pare pareho.
"Pare, bakit di ka umiinom?" napatingin ako kay Willie na sumama sa team namin. Saling pusa as ever.
"Ayoko lang talaga," plain na tugon ko.
"Ang KJ mo naman pre, siguro pinagbawalan ka ng asawa mo no?" Tumaas ang isa kong kilay sa sinabi niya. Oo nga no, hindi ako pinagbawalan ni Lauren uminom. "Inom ka na pre. Kahit isa lang," pamimilit niya. Napabuntong hininga ako't kinuha na lang ang basong hawak niya. Straight kong ininom ang laman nitong alak saka nilapag ang baso sa lamesa. Choice kong di uminom para sa inyo.
"Ok na? Pumunta ka na nga ulit dun sa kanila," pagtataboy ko sa kanya pero kaysa lumayo ay nagtawag pa siya ng kakampi.
"Guys, ayaw uminom ng TL nyo. Anong plano natin dito?" tatawa tawa niyang sabi. Naman!
"TL, wag ganun! Inom na, kanina pa kami umiinom. Dinadaya mo na kami nyan eh." Nagsalin ng alak si Glenda sa isang baso saka inabot sa akin. Pinakatitigan ko ito muna bago kinuha. Ano ba naman yan.
"Straight! Straight!" Cheer pa nila sa akin. Agad kong tinungga ang ibinigay niya sa akin. Takte, ampait. Di na ako sanay sa lasa ng alak.
"Kaya naman pala eh. Tara inom pa!" Kumento ni Raul na tila nakarami na. Nagsiupuan na sila sa pwesto namin at hindi na ako tinantanan kaya wala na akong nagawa pa't nagpaubaya na din sa pangyayari.
Hindi ko alam kung nakailang bote kami ng alak pero isa lang ang alam ko, nakakaramdam na ako ng pagkahilo sa dami ng nainom ko.
"D-disho na tayo machulog, nahihilooo na ako. Sana kayu den," kumento ni Willie na lasing na lasing na't nasuray suray habang tinuturo ang second floor ng bar.
"Magbu-book ako ng room para satin. Upo muna kayo dyan," halos matumba ako sa pagtayo ko papunta sa counter.
Nang makapagbook na ako ng kwarto na tutuluyan namin ay tinulungan kami ng mga staff ng bar paakyat sa second floor. Sila na din ang nagpasok sa mga kasama ko sa loob ng kwarto. Wasted na silang lahat dahil sa tama ng alak.
"Matulog na kayo Glenda, Jackie," saway ko sa dalawang babaeng tawa ng tawa habang nakahiga katabi ang iba pa naming katrabahong babae. Ang mga babae ang nasa kama samantalang nasa carpet naman nakahiga ang mga lalaki kabilang ako. "Tulog na sila Glenn."
"Shir, nashusuka ako" sabi ni Jackie sa akin saka pumaupo sa kama.
Masakit man ang ulo ko ay tumayo ako sa pagkakahiga ko't tinulungan siya makarating sa cr para makasuka. Umupo siya sa sahig ng cr at doon wala sa sariling tumawa.
"Sumuka ka na" sabi ko habang nakapaluhod sa gilid niya. Nahihilo na talaga ako.
"Shoke lang pala yun Sir," nakangiti niya akong hinaplos sa balikat. "Ang gwapo nyo talaga Shir. Ang shuwerte ng azawa mo sayo."
"Lasing ka na Jackie, tara na, balik na tayo doon. Tulog na sila lahat." Itinayo ko siya pero nagpapabigat siya kaya nahirapan ako.
"Hakin ka na lang Shir" sabi niya. Halos nakayakap na siya sa akin habang tinatayo ko siya.
"Jackie, tara na. Umayo ka, ang bigat mo." Nagawa ko siyang itayo pero bigla akong nahilo kaya naisandal ko siya sa may lababo.
Fvck! Naparami talaga ako ng inom.
"Shir.." Hinaplos niya ang mukha ko paharap sa kanya. "Halabyu"
Napatingin ako sa mata niya na talagang pinagsisisihan ko dahil hindi ko namalayan na hahalikan pala niya ako sa labi. Mabilis ko siyang hiniwalay sa akin ng maglapat ang mga labi namin kahit bahagya akong nahihilo.
"Jackie, tara na. Lasing ka na," muli kong sabi pero muli lang niya akong hinalikan pero di gaya kanina, nakahawak na siya ngayon sa batok ko't dinidiin ang labi't katawan niya sa akin.
Gusto ko man muli siyang ihiwalay sa akin pero sadyang demonyo ang alak na talagang nagbibigay sa akin ng pakiramdam na dapat hindi ko maramdaman.
"Halam kong guzto mo rin ako," bulong pa niya sa pagitan ng aming paghahalikan pero tila wala na talaga ako sa sarili ko't ako na mismo ang umangkin ng labi niya na tila nabitin sa nangyari kanina.
Damn. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Mali ito pero bakit gusto ko? Sh*t.
Sorry babe. Sinira ko na naman ang pangako ko sayo. Sorry talaga. Sana mapatawad mo ako sa susunod.