LAUREN'S POVS
Dahil off namin pareho ngayon ni Jade Joshua. Naituloy na namin ang pagpunta sa parke kagaya ng plano. Gustong gusto namin dito dahil malinis at presko ang kapaligiran. Idagdag mo pa ang mga murang kainan sa tabi.
"Babe, bili tayo ng pagkain doon." Turo ko sa banda ng parkeng maraming stall ng turo-turo.
"Sige, tara doon," sabay kaming nagtungo sa bilihan at bumili ng iba't ibang pagkain na makita namin.
Naglakad lakad kami habang kumakain ng mga binili namin. Nakabaso ito't may stick kaya hindi kami nahihirapan. Luminga linga ako sa paligid, marami ang tao ngayon dito sa parke dahil linggo. Maraming nagtatakbuhang mga bata at mga magkarelasyong kumakain sa tabi tabi.
"Dun tayo upo sa may playground." Aya ni Jade Joshua sa banda ng parkeng may palaruan at maraming bata.
Umupo kami sa isang bench na bato sa gilid ng padulasan. "Ang daming bata," kumento ko habang nakangiti't nakatitig sa mga batang naghahabulan. Nakakatuwa pagmasdan ang mga batang di magkamayaw sa pagtakbo.
"Babe," napalingon ako kay Jade Joshua ng tawagin niya ako. Nakatingin din siya sa mga batang naglalaro sa playground. "Gusto ko na magka-anak."
A-anak?
Sa lahat ng problema na naiisip ko, ang pagbibigay sa kanya ng anak ang lubos kong prinoproblema. Gusto ko na ring magkababy, pero hangga't maaari ay ayoko sanang mag-ampon dahil mahal at gusto ko sanang kamag-anak namin ang alagaan namin. Isa pa sa inaalala ko ay ang pag-aaral namin, hindi ko alam kung kaya na namin mag-alaga habang busy kami at ayoko din namang madaliin.
"Babe, sawa ka na ba sa akin at ayaw mo ng ako ang baby mo?" Nakangusong tanong ko. Nakangiti siyang tumingin sa akin saka pinat ang ulo ko.
"Alam mong hindi yan mangyayari. Hinding hindi ako sayo magsasawa," tugon niya na nagpangiti sa akin. Kinilig naman ako doon. "Pero gusto ko na talagang magka-anak, alam mo na, yung may tatakbo takbo sa bahay, yung tatawag sayong daddy." Bumuntong hininga siya.
"Gusto mo ba mag-ampon tayo ng bata?" umiling iling siya na ikinakunot ng noon ko. Eh anong gusto mo? Hindi naman ako babae. Hindi kita kayang bigyan ng anak.
"Gusto ko, galing sa akin ang bata," tugon niya na nagpantig sa taenga ko. Agad akong nawala sa mood dahil sa sinabi niya. Naglolokohan ba kami dito? Galing sa kanya? So gusto niyang makipagtalik sa iba para magka-anak? Wow!
"Bakit di ka na lang makipagtalik sa babae para magka-anak ka," tila tangang suhestyon ko. Hindi ko na napigilan kaya iyon ang nasabi ko. Alam naman kasi niyang hindi ko siya kayang bigyan ng anak tapos hihiling siyang gusto niya kadugo niya? Bakit di na lang sila gumawa ni Jackie tutal gusto naman niya iyong babaeng yun.
"Umuwi na lang tayo. Hindi na maganda ang patutunguhan nito," tumayo na siya sa pagkakaupo sa bench at mabilis na naglakad palayo sa akin habang naiwan akong nakaupo't nakatulala doon. Mali ba ang sinabi ko? Gusto niya magka-anak at alam niyang hindi ko yun kayang ibigay sa kanya dahil wala akong matres!
"Sayang si kuya, ang gwapo kaso bading yata, narinig kong tinawag niyang babe yung kasama niyang lalaki." Napatingin ako sa dalawang babaeng nagtsitsismisan sa kabilang bench. Bahagya silang nakatingin sa banda ko at kung hindi ako nagkakamali ay halos kaedad lang namin silang dalawa.
"Yeah, he's my type pa naman kaso bakla nga yata si kuya. Sayang naman," maarteng tugon ng kasama niya.
Napayuko ako dahil sa mga narinig ko, pakiramdam ko ay kinukutya nila kami dahil sa pagiging bakla namin. Lintek na lipunan to!
Dahil umalis naman na din si Jade Joshua sa parke ay napagdesisyunan ko na ding umuwi. Tumayo ako sa pagkakaupo ko't bahagyang tinignan ng masama ang dalawang tsismosa.
Bago ako makapasok ng apartment unit namin ay narinig ko na ang matitinis na tawa ng mga bata na kung di ako nagkakamali ay ang mga kapatid ko. Mukhang napadalaw ang mga ito sa amin.
Pagpasok ko, naabutan ko silang nakikipagtawanan kay Jade Joshua pero tila hindi dito nakikisali si Eyli. Nakaupo lang siya sa sofa na tila may malalim na iniisip. Anong topak nitong batang to?
"Hey, tahimik mo yata. Ayaw mo makigulo sa kanila?" Bungad ko kay Eyli ng makalapit ako sa kanya't matapik ko siya sa braso. Tumingin siya sa akin na tila sinasabing bakit siya na talagang ipinagtaka ko. "Pwede ka saking magsabi, kuya mo ako."
Marahan niya muna akong pinakatitigan bago siya bumuntong hininga't nagsalita. "Tara sa labas," agad tumayo si Eyli sa sofa namin at lumabas ng unit. Marahan muna akong napatingin sa mga nagtatawanang lalaki saka sumunod sa labas. Nakakatuwang close na close ang mga kapatid ko kay Jade Joshua.
"Anong meron?" Tanong ko kay Eyli matapos naming makalabas ng unit. Aligaga siyang napasapo sa noo niya.
"Gusto na ni kuya Jade magka-anak, kuya." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bakit niya sinabi sa mga kapatid ko?
"S-sinabi niya sa inyo. Bakit?" Pagtataka ko. Bakit niya agad sinabi? Hindi pa namin iyon masyadong napag-uusapan.
"S-sa akin lang niya sinabi," nag-iwas siya ng tingin sa akin na tila nahihiya. "Gusto niya akong maging b-baby maker nyo."
Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya sa akin. B-baby maker?
"A-anong ibig mong sabihin?" Halos di makapaniwalang sabi ko. Hindi ko naisip na ganito ang nais ni Jade Joshua.
"Gusto niya akong magbuntis para sa inyo!" Tila frustrated na sagot niya saka bahagyang napasuklay sa buhok niya. "Kuya, di pa ako ready sa ganun, masisira ang pag-aaral ko-- yung pangarap ko. M-magagalit din sa akin ang boyfriend ko."
"H-hindi ako papayag, wag ka mag-alala. Gagawan ko to ng paraan, hindi ka madadamay dito." Niyakap ko siya na tinugunan niya rin ng yakap. Damang dama ko ang panginginig ng kamay niya na nakahawak sa likuran ko. Mukhang natakot siya kay Joshua.
Bakit ka ganyan Joshua?!
Malalim akong napabuntong hininga habang tinitignan si Jade Joshua sa tabi ko. Nasa higaan na kami't nakahiga pero simula kaninang pag-uwi namin dito sa apartment ay hindi na ulit kami nakapag-usap. Naging busy siya sa mga kapatid ko at ng magsipag-uwian na ang mga ito, di na siya nagsalita.
Pakiramdam ko iniiwasan niya ako. Iniiwasan niyang mag-usap kami.
"Joshua," tawag ko sa kanya. Saglit niya akong tinapunan ng tingin saka muling pumikit. "Babe, mag-usap muna tayo."
"Matulog ka na." Tumalikod siya sakin at bahagyang lumayo sa banda ko.
"Babe, mag-ampon na lang tayo ple--." Di ko na natapos ang sasabihin ko ng pumaupo siya't bumuntong hininga. Pansin ko din na kunot ang noo niya.
"Nag-usap na kayo ni Eyli, diba? Imposibleng hindi niya sayo nasabi ang sinabi ko sa kanya. Gusto ko ng magka-anak babe at ang gusto ko, kadugo natin parehas ang bata " tumingin siya sakin. Malungkot ang mga mata niya pero may kaunti itong pagkairita. Hindi mo ba naiisip na masasaktan ako sa gagawin mo? At sa kapatid ko pa talaga! "Matagal ko na itong napag-isipan, si Eyli lang ang makakatulong sa atin dito. Intindihin mo naman."
"P-pero bata pa si Eyli, nag-aaral pa siya, hindi pa siya handa sa ganito," pumaupo ako kama namin at hinawakan siya sa braso. Pinakatitigan ko siya. Hindi ko rin kayang isipin na may hahawakan kang iba bukod sa akin.
"Ito lang yung gusto ko Lauren. Ito lang! Sana pagbigyan mo naman ako." Saka siya tumayo at lumabas ng kwarto. Narinig ko pang padabog niyang isinara ang pintuan ng kwarto.
Anong gagawin ko? Paano ko maibibigay ang gusto niya? Hindi ko kaya.
Natatakot ako. Natatakot ako sa pwedeng mangyari..
JADE'S POVS
Masama bang gustuhin ko ng magkababy? Bakit siya ganun? Ako na nga ang umisip ng paraan para magkaroon kami ng anak tapos ayaw niya pa akong suportahan.
Ayaw ba niyang magkaanak kami?
Napasapo ako sa noo ko matapos kong lumabas sa kwarto. Bakit parang ako yung mali sa gusto ko? Para sa amin naman iyong gusto ko.
Lumabas ako ng apartment unit namin at nagtungo sa parke. Umupo ako sa damuhan at tumingala sa langit. Ipinikit ko ang mata ko't huminga ng malalim.
Hindi ko naman masisisi si Lauren kung magagalit siya dahil sa gusto ko, alam kong hindi tama ang timing ko at kapatid niya si Eyli pero gusto na talagang magka-anak. Gusto ko na maging daddy.
Bakit kasi hindi na lang naging babae si Lauren? Bakit kasi hindi na lang kami naging normal na mag-asawa?
"Bakit ang unfair ng mundo," bulong ko sa kawalan saka mapait na ngumiti.
"Babe," napadilat ako ng mata ko't napatingin sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo si Lauren sa bandang likuran ko. "Uwi na tayo? May pasok ka pa bukas."
Mahal na mahal ko siya. Hindi iyon magbabago, pero gusto ko pa din bumuo ng pamilya.
"Sorry sa mga nasabi ko kanina," pumaluhod siya sa harapan ko saka hinimas ang buhok ko. "Pero, hindi magbabago ang gusto ko."
"Alam ko naman babe, pero baka may iba pang paraan." Nakangiti siya sa akin pero kitang kita sa mga mata niyang umiyak siya.
"Wala na akong maisip na paraan, ayokong mag-ampon. Gusto ko, kadugo ko ang bata. Gusto ko akin ang bata," tumango tango siya na tila naiintindihan na niya ako.
"Pag-usapan ulit natin to sa susunod, ok lang ba? Wag natin madaliin. Mag-isip pa tayo ng iba pang paraan. Kausapin din natin si mama," napabuntong hininga na ako. Ayoko na din makipagtalo pero alam kong kahit gaano pa namin ito ihold, iyon lang ang paraan.
Bahala na nga. Mangyari na ang mangyari.