Chapter 10

1722 Words
JADE'S POVS "Gusto kita," nasabi ko ng di nag-iisip. Masyado akong nadala na baka umiyak siyang ulit kaya di na ako masyadong nakapag-isip ng isasagot. "Gusto kita as friend. Ok kang kasama, kahit sila Willie gusto kang kasama." Paglilinaw ko sa sagot ko. Swear, ayoko siyang saktan pero ayoko siyang paasahin. "Hanggang friends na lang ba talaga, sir Jade?" Napaiwas ako ng tingin kay Jackie dahil sa tanong niya't tingin sa akin. Hindi ko na alam gagawin ko sayo, wag mo na sana akong pahirapan. Mahal ko ang asawa ko. "Ihahatid na kita, lasing ka lang." Tumayo na ako't inalalayan siya hanggang sakayan para makauwi na siya. Siniguro ko munang nakasakay siya ng maayos bago ako umalis at nagtungo sa sakayan ng tricycle pauwi sa amin. Pagkauwi ko sa tinitirahan namin ni Lauren, naabutan ko siyang malalim ang tulog. Mukha siyang pagod kaya hindi ko na siya ginising. Pagkagising ko naman, wala na siya sa tabi ko. Maaga sigurong pumasok. Isang linggo na ang nakakalipas simula noong gabing nag-usap kami ni Jackie. Simula noong gabing yun, madalas niya na akong iniiwasan. Ang awkward niya. Ano bang problema niya? Wala namang nangyaring hindi maganda bakit bigla bigla siyang iiwas sakin? "Dalawang linggo na lang pala kami dito sa company. Nakakasad, ang bilis ng panahon," rinig kong sabi ni Glenda sa isa sa mga kateam namin habang tumitipa ng codes sa computer. Napatingin ako sa kalendaryo ko. Ilang buwan na din pala sila dito. "TL Jade.." Napatingin ako sa katrabaho ko. "Dalawang linggo na lang daw ang mga OJT natin. Paparty tayo bago sila umalis, ok lang ba?" Marahan ko na lang siyang tinanguan saka muling bumalik sa ginagawa. Malaki din ang naitulong nila sa amin kaya deserve naman nila siguro iyon. Dalawang linggo. Dalawang linggo na lang, babalik na sa normal ang lahat. Di ko na kailangang mastress dahil kay Jackie. Bigla kong naalala si Lauren. Nung nakaraan, tinatanong niya ang mga OJT namin. Hindi ko naman masagot dahil hindi ako kumportable sa usapang iyon dahil kay Jackie. Pakiramdam ko kasi ay may ginagawa akong mali kahit alam ko naman sa sarili kong wala. Natatakot lang akong baka pagtalunan pa namin iyon kaya umiiwas ako doon sa usapang iyon. "Sir Jade," napatingin ako sa likuran ko. Uwian na namin at nagpaiwan muna ako sa office para tapusin ang ilang trabaho para mabilis matapos kinabukasan. Jackie.. "Oh? Bakit hindi ka pa umuuwi? Baka gabihin ka masyado," tugon ko matapos ko siyang balingan ng tingin. "Narinig ko kasing magpapaparty ka para sa amin, pwede bang sa bar na lang tayo magparty? May alam akong magandang bar malapit dito sa company," kumunot ang noo ko sa suhestyon niya. Lasinggera masyado. "Please? Last naman na to eh. Pumayag ka na sir." "Sige sige," pagsang-ayon ko na lang saka siya ngumiti't nagpaalam na sa akin na uuwi. Matapos kong matapos ang ginagawa kong trabaho, umuwi na ako sa amin. Uunat unat akong pumasok sa pintuan ng apartment unit namin ni Lauren. "Babe," bungad sa akin ni Lauren na kakagaling lang sa kusina. Marahan ko siyang nilapitan at niyakap. "Sorry kung lately busy ako. Hindi na tayo nakapagpahangin sa park," kumento ko habang nakayakap sa kanya. "Pwede naman tayong pumunta doon anytime na gusto mo, malapit lang naman iyon." Ginantihan rin niya ako ng yakap. Sobra ko siyang namiss kahit magkasama naman kami araw araw. "Sa Sunday? Tutal hindi naman na ako masyadong busy," tumango tango siya sa sinabi ko matapos naming maghiwalay sa pagyayakapan. Agad din kaming nagtungo sa kusina at doon kumain ng hapunan na niluto niya. Mamaya babawi ako sa kanya, magpupuyat kami't maghaharutan. LAUREN'S POVS Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natatanong sa kanya ang tungkol sa kanila ni Jackie-- sa katunayan, natatakot na akong malaman ang isasagot niya sa akin. Ayokong mawala sa akin si Jade Joshua pero ayoko namang ganito kami. "Bakla, m-may aaminin ako s-sayo." Napalingon ako kay Celes ng wala sa oras. Bigla akong kinabahan. Ano aaminin niya? Hindi ako sanay. Masyadong balahura itong kaibigan ko eh. "A-ano? Bakla, umayos ka ha! Hindi tayo talo tandaan mo," pinagkrus ko ang dalawa kong pointing finger. "What? Are you crazy? Anong talo, pinagsasabi mo? Of course, hindi tayo talo! Mygad! Paano mo nagagawang mag-isip ng ganyan kababoy," napasapo pa siya sa noo niya. "Iba to bakla, iba." "Eh, ano ba kasi aaminin mo? Imposible namang buntis ka." Napakamot ako ng batok. Napabuntong hininga naman siya na tila naiirita na sa akin. "Makinig ka na nga lang," luminga linga siya na tila may hinahanap. Don't tell me, hinahanap niya si Kide? Nakalimutan na ba niyang hindi iyon pumapasok ng maaga? "A-ano kasi, G-gusto ni Kide makipagbalikan" mahina niyang sabi na tila nahihiya. "OMG! Seryoso? Bakla, ang haba ng hereret mo!" Bigla niya ako hinampas na tila kinikilig na nahihiya. So si Kide nga ang nililinga nitong baklang to. "Ang ingay mo," saway niya. Hindi pa naman kami ganun karami sa klase pero may ilan ilan na kaming kaklase na nandito. "So, yun nga! Pero hindi muna ako pumayag kahit nagpaliwanag na siya. Syempre! Papabebe muna. Maganda ako eh." "Alam mo, hindi ka pa retokada, pero para ka ng naapektuhan ng anistisya sa pagiging pilingera mo." Tumaas ang isa niyang kilay. "Sapukin kaya kita? Dami mong knows. Matuwa ka na lang at may asim pa ang lola mo," tumango tango na lang ako na tila nang-aasar pa. Pero seryoso, masaya ako para sa kanya. "Bakla, alam mo, pag ikaw ang nagdradrama or kinikilig, sinusuportahan ko tapos ganito? Pag ako? Tatawa tawa ka lang dyan! Bat ganyan ka sakin?" "Hahaha, syempre joke lang bessy! Dinibdib mo naman kaagad. Syempre, masaya ako. Alam ko naman kasing laglag panty ka dyan kay Kide eh" tugon ko na mukhang ikinatuwa niya. Yeah, you read it, right! Panty, as in panty. Iyon na talaga ang sinusuot niya hindi na brief. "So, maiba ako. Kamusta kayo ng bisexual mong asawa?" Napabuntong hininga ako sa tanong niya. "Hindi ko pa rin siya natatanong, hirap humanap ng tyempo," malungkot kong sagot saka bahagyang pumangalumbaba. "Pero, mukhang mali lang ako. Mahal ako ng asawa ko." "Ayan ka na naman sa mahal ako ng asawa ko tapos pag ano naman, iiyak iyak," kumento niya na lalong nagpasimangot sa akin. "Anong magagawa ko? Mahal ko siya eh tapos pakiramdam ko, mahal niya din ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya," bigla siyang umiling iling habang nakapikit. Pagdilat niya, may kalakasan niyang tinap ang braso ko. "Kaya ka laging nasasaktan, kasi ang OA mo magmahal. Magtira ka nga ng para sayo, di yang puro ka Jade Joshua." Nagkibit balikat na lang ako. Nagtitira naman ako para sa akin pero mahal ko talaga siya. Ayoko siyang mawala. Saka totoo naman kasi ang sinabi ko, mahal niya ako! Ramdam ko iyon. CELES' POVS Naaawa na ako kay bakla. Dahil sa pagmamahal niya kay Jade Joshua, nahihibang na siya. Parang si Jade Joshua na lang laman ng utak niya. Well, alam ko namang in love siya at masaya iyon pero sana wag niya pabayaan ang sarili niya. "Celes." Bored akong tumingin sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Tagaktak ang pawis niya't halatang hinihingal pa. "Sorry, natagalan. Di kasi kami agad pinaalis sa gym." "Whatever. What matters is, you're 5 minutes late," kunot noo kong kumento saka ako sumensyas ng upo sa upuang nasa harapan ko. Alam kong galing siya sa practice niya't tumakbo pa papunta dito pero wala akong pake, attitude ako. "Sorry talaga," tugon niya matapos makaupo katapat ko. Marahan muna niyang itinabi ang dala dala niyang bag sa giid niya saka muling tumingin sa akin. "Anong gusto mong kainin?" "Kahit ano," saka ako tumingin sa ibang direksyon. Bakit ganun? Ang unfair ng mundo! Bakit kahit pawisan siya, ang gwapo niya pa rin!! Mygad! Bakit ka ganyan Kide! "Sige, order lang muna ako," saka siya tumayo't nagtungo sa pila ng counter. Napatitig ako kay Kide habang busy siya sa counter. Hindi pa rin siya nagbabago, bukod sa gentleman pa rin siya, sobra pa rin niyang gwapo. Gusto ko pa rin siya pero paano pag ginawa niya ulit yun? Tapos magpapaliwanag siyang nagka-asaran na naman etc.? Sobrang lame nun. Papatol ka sa ibang babae dahil inasar ka doon? Gago lang? Mababaw masyado iyon pero masaya akong nagpaliwanag siya sa akin noong pumunta siya sa bahay. "Celes, malapit na ang bakasyon natin, may pupuntahan ka ba?" Napatingin ako sa kanya matapos niyang ilapag ang mga inorder niyang pagkain sa lamesa. Umupo na din siya katapat ko. "Wala," tipid na sagot ko saka kinuha ang kakainin ko. "Gusto mo bang sumama sa akin sa probinsya? Pinapapunta kasi kami ng kamag-anak namin doon kaso ayaw sumama ni Jade," tugon niya. "Pag-iisipan ko," muli kong tinuon ang atensyon ko sa pagkain ko. Hello, nagkabalikan na ba tayo para yayain mo ako doon? "Gusto kitang makasama, gusto kong maayos natin to, gusto kong ipagpatuloy yung nakaraan natin," rinig kong kumento niya habang kumakain. "Eh ako? Tinanong mo ba ko kung gusto ko pa iyon?" Seryoso akong tumingin sa kanya. Marahan siyang napalunok na tila kinabahan na baka mag-away kami dito. "C-Celes please--," di ko na siya pinatapos sa akma niyang sasabihin. "Ayoko ng ipagpatuloy ang nakaraan natin, Kide." Seryoso kong tugon. Napansin ko ang paglungkot ng mukha niya. "S-sorry, alam ko namang mababaw ang dahilan ko kaya nagawa ko yung nagawa ko noon. Alam ko namang nasaktan kita at nakakahiyang pinagpipilitan ko pa ang sarili ko sayo.." Seryoso niya akong tinitigan sa mata. Iyong titig na gustong gusto ko noon pa. Iyong titig na nagpapaalala sa akin kung gaano niya ako kamahal. "Pero mahal kita, mahal na mahal kita, baby." "Mabuti alam mo ang mga yan pero tapos na yun Kide. Ayoko ng bumalik dun, kasi kung babalik ako dun masasaktan lang ulit ako kasi nandun pa rin yung Kide na g*go." Paliwanag ko saka binitawan ang kubyertos na hawak ko. Nung pumunta siya sa bahay at nagpaliwanag sa akin, gusto ko na siya nun patawarin. Lahat naman kasi tayo nagkakasala, lahat naman tayo nakakagawa ng bagay na hindi natin napag-iisipan minsan. "Magbabago na ako, please--," bigla kong tinapat ang pointing finger ko sa labi niya para patigilin siya sa pagsasalita. "Ayoko ng bumalik doon.." Ulit ko. "Gusto ko, magbago ka, magsimula tayong muli. I-reset natin ang lahat Kide, ayusin natin to." Nakangiti kong sabi. Mahal ko pa din siya at alam kong ganun din siya sa akin kaya gusto ko muling sumugal. Isa pang pagkakataon para sa amin. "B-baby.. T-thank you," mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko habang ngiting ngiti't tila naluluha pa. Hinalik-halikan pa niya ang likod nito sa tuwa. Ang pretty ko, deads na deads sa akin ang fafa Kyledge ko.  Well, ako din naman. Love na love ko din siya kaya let go! Comeback na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD