LAUREN'S POVS Tahimik lang akong nakaupo sa kama habang nakatingin kay Fizz na busy sa pag gawa ng report sa laptop niya. Hindi pa kami nagkasama pero madalas akong tumambay sa condo unit niya. "Love, wag mo akong masyadong titigan. Kinikilig ako," plain na sabi niya habang patuloy na nakafocus sa ginagawa niya. "Hindi ko maiwasan, ang gwapo mo pagseryoso ka," tugon ko na nagpahinto sa kanya sa ginagawa niya. Nakangiti siyang tumingin sa akin na talagang nagpangiti din sa akin. "Come here," pinalapit niya ako sa kanya na halos dikit na saka niya ako mabilis na hinalkan sa labi. "Let me do my work first tapos bebe time na tayo." Nakangisi niyang sabi. Natatawa talaga ako sa kanya tuwing sinasabi niya ang bebe time, sa edad niya kasi parang rare ko na lang marinig iyon. "Sure, tapusin

