JADE'S POVS Dahil muntik ng mahack ang system ng pinagtratrabahuhan ko, naging sobrang busy ang team ko nitong nakaraang mga araw. Halos paulit ulit kaming gumawa ng firewall ng system para hindi na ito muling mahack. Pero sa kabila nun, bahagya akong natuwa dahil kahit papaano ay nakalimutan ko si Lauren-- ang pag-iisip sa kanya. "Stress sa work," may halong pang-aasar na sabi sa akin ni Melai habang kumakain ng ice cream. Marahan ko lang siyang nginitian. Totoo naman kasing nakakastress ang trabaho ko ngayon. "Mga bakla, gala naman tayo sa mall. Tuyot na ang ganda ko dito sa work, sobrang kastress mga tumatawag," kumento ni Paulo habang nakatingin sa repleksyon niya sa maliit niyang salamin. 15 minutes break namin ngayon at nasa isa kaming convenient store di kalayuan sa building na

