LAUREN'S POVS Pakiramdam ko ay walang mali sa naging desisyon ko. Mas kalmado na ako ngayong wala na ako sa condo niya. Hindi ko na kasi siya masyadong naiisip sa bawat lingon ko sa paligid ko pero the not so nice about being here is si Jade Joshua naman ang naaalala ko. Hindi ko siya namimiss pero naiisip ko ang pinagsamahan namin. Mahaba din kasi ang naging pagsasama namin dito sa apartment unit. "Kamusta ka naman dito?" Tanong ni Celes. Nandito kami ngayon sa apartment unit na tinitirahan ko, wala kasi kaming pasok ngayon kaya naisipan niya akong puntahan na lang. "Hindi ka macontact ni Fizz, sabi niya sa akin sa chat." Sa katunayan, tatlong araw na ako dito at sa tatlong araw na iyon, never kong binuksan ang f*******: ko o kahit anong social media platform, nagpalit din ako ng simc

