CELES' POVS Halos mabulunan ako sa kinakain kong biscuit ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. "Ma, bigla bigla ka na lang pumapasok," sabi ko dito. Kunot ang noo niya ng lumapit sa akin. "Hindi ka na ba talaga magiging lalaki?" Tanong niya. Sumingkit ang mga mata ko. Ano na namang pakulo ito? "Ma, ano na naman ba iyan?" Tugon ko. Umupo siya katabi ko sa kama saka bahagyang ngumuso. "May anak kasing babae yung isa kong kaibigan. Nameet ko anak niya kanina, ang ganda--," di ko siya pinatapos at isinubo ko sa kanya ang hawak kong piraso ng biscuit na kinakain ko. Itong si mama, panira na nga sa panonood ko sa Netflix tapos ganito pa ang sasabihin sa akin. Maryosep! "Ma, ayan na naman tayo eh," sabi ko. "Hindi na nga kami nagclick ni Crisehl, diba? Hint na yun ma," "Iba kasi yu

